FAMILY GATHERING
MARDE NICHOLAS LOPEZ
NAGMAMADALING bumaba si Marde sa kotse niya, malelate na siya sa monthly meet-up at gathering nilang pamilya at tiyak na bubungangaan na naman siya ng kanyang lola Marcela. Tinanghali siya ng gising dahil sa mga dinalang babae ni Jace kagabi at nakalimutan niya ang kumpirmiso niya ngayong araw. Yari talaga ang kaibigan niya pagbalik niya sa bahay, hindi siya nakatulog kagabi dahil sa ingay ng mga ito kaya natukso siyang makisali na lang sa kasiyahan.
"Nickos?" tawag sa kanya ng taong nasa likuran niya na humahabol sa kanyang maglakad sa malawak na lawn ng bahay. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap ang lalaki, agad niya iyong nakilala kahit na ilang taon niya na itong hindi nakita. Ang pinsan niyang si Knoxx Ryder Lopez na isang piloto, he travels a lot so that explains why they rarely see each other. Kapag nandoon siya at uma-attend sa monthly meeting ay wala ito at kapag wala naman siya dahil sa mga hearing ay nandoon ito.
"Knoxx," tawag niya sa pangalan ng pinsan na sinuklian nito ng pagngiti.
"Kumusta?" natutuwang tanong nito bago nila ginawa ang kanilang sariling handshake. Kung may pinsan kayong sobrang kasangga niyo na tinuturing niyong sariling kapatid at matalik na kaibigan ay ganoon din sila ni Knoxx, ito at si Archer ang pinakakasundo niya sa lahat at ang pinakamalapit sa kanya.
"Ayos na ayos lang," nakangiting tugon niya saka umakbay dito.
"Sa tono ng pananalita mong 'yan parang naka-score ka kagabi a," pang-aalaska nito saka umakbay din sa kanya at magkasabay silang naglakad.
"That's the reason why I'm late and in a hurry, girls," sagot niya na may pilyong ngiti sa labi.
"Looks like you have fun last night and so do I," sambit nito saka sila malakas na naghalakhakan bago nito buksan ang pinto ng malawak na bahay. Dumiretso sila sa malaking garden sa likod niyon at nadatnan ang iba pa nilang kamag-anak na masayang nag-uusap at nagtatawanan.
"Hey fam!" nakangiting bati niya sa mga ito na agad namang lumingon sa direksyon nila ni Knoxx saka binigyan ng mga malalawak na ngiti.
"Brothers," tawag sa kanila ni Archer saka lumapit at nakipagkamay sa kanila gamit ang kanilang sariling handshake.
"You two are so doomed," pananakot nito sa kanila as they approach their other relatives. Nakipagkamay siya sa mga lalaki at bumeso naman sa mga babae
habang hinihintay ang kanilang lola na lumabas at saluhan sila. Nagpaalam si Knoxx kasama ang iba pa nilang pinsan na sina Riego, Rhyss at Craig na bibili lang ng alak kaya naiwan silang dalawa ni Archer na nag-iihaw.
"Archer, why is Sunny here?" bulong niya sa pinsang katabi habang binabaligtad ang mga isdang balot ng foil.
"Sunny?" tanong nito na tila walang alam at hindi kilala kung sino ang taong sinasabi niya.
"Demetrius' cousin. What is she doing here?" he asks again while pointing on the direction where Sunny is seating. Sunny and his cousin Legend are just like water and oil, they can never mix or like gasoline to the fire that create chaos when mixed.
"Who? Skylar? Lola invited her," sagot nitong parang wala lang at pinagpatuloy na ang pag-iihaw.
"Didn't you know--" naputol ang iba pa niyang sasabihin nang may malakas na sigaw ang narinig sa buong garden. Speaking of the devil, Legend is here.
"Wazzup my family!" sigaw nito habang palapit sa kanila na kabi-kabila ang natamong pang-aasar dahil kung late sila ay mas late ito.
"Wazzup bros," bati nito nang makalapit sa kanila at nakialam sa barbecue at mga isdang iniihaw nila.
"You seemed happy, why is that?" tanong ni Archer na inililipat ang mga lutong barbecue sa isang malaking pinggan.
"I had an amazing s*x last night, so what to be sad about?" nakangising pagyayabang nito na ikinatawa nila.
"Damn! It looks like that is your first time," pang-aalaska ni Knoxx na kadarating lang at may hawak na beer.
"Sorry to burst your bubble Knoxx, but I bed every woman I want," buwelta nito kay Knoxx na inagaw ang hawak na beer saka tumungga roon.
"You look like a teenager boasting about your s*x life," Knoxx said mockingly, napailing na lang siya sa asaran ng dalawa. Madalas iyong gawin ng mga ito at mabuti na lamang at hindi uso sa kanila ang pikon at samaan ng loob. Lumapit ang iba pa nilang mga pinsan habang siya ay nakangiti lang na pinagmamasdan ang dalawa at hinihintay kung sinong mapipikon na alam niyang malabong mangyari. Inabutan siya ni Fire ng maiinom saka umupo sa upuang naroon, sumingit naman si Archer at Elixir na pinag-pass ang dalawa.
"Let's just make a bet!" sigaw ni Elixir na nasa tabi ni Knoxx saka sila nagsigawan, napapatingin ang iba nilang kamag-anak pero hinahayaan lang sila. Sanay na ang mga ito sa kanila, minsan pa nga ay sumasali ang mga ito kaya't maingay sila at masaya kapag magkakasama.
"Yon!" malakas silang naghiyawan at nagpalakpakan.
"Whoever can bed Thalia Nuevaz will win," napangisi siya sa sinambit na pangalan ni Archer. Thalia is one of his ex-bedmate and she is really hard to charm.
"What will you bet Knoxx?" tanong ni Winter na nakisawsaw na rin.
"My Bugatti La Voiture Noire," mayabang na sagot nito na inilabas pa ang susi sa kanyang bulsa.
"What will you bet Legend?" tanong niya rito habang malawak na nakangiti at nag-aabang sa susunod na mga mangyayari.
"Neiman Marcus Limited Edition Fighter," nakangising sambit nito na iniwagayway pa ang susi ng motor.
"It's a deal make a handshake," wika ni Elixir na gumitna pa talaga. Nagkamay ang dalawa na parehas nakangiti sa isa't isa ngunit agad na nawala ang ngiting iyon ni Legend nang mapatingin ito sa pwesto kung saan nakaupo si Sunny.
“What is she doing here?” mahinang tanong nito sa sarili nang dumako ang tingin nito kay Sunny. Akmang lalapitan ito ng pinsan nang lumabas ang kanilang lola na nakaupo sa wheelchair at tulak-tulak ng isa sa mga tagapag-alaga nito. Agad niyang hinawakan sa braso si Legend, ayaw niyang masira ang araw na ito at magkagulo dahil lang sa pambatang away ng mga ito.
“Stop,” he said before letting go of his arms and his cousin nods understanding what he mean. Agad silang nagpulasan upang salubungin ang kanilang mahal na lola. His lola is wearing an elegant black dress, hindi pa rin kumukupas ang ganda at pagkasupistikada nito kahit na walumpung taon na ngunit nitong mga nagdaang buwan ay kapansin-pansin ang panghihina at pagbagsak ng katawan nito. Isa-isa silang lumapit upang magmano at humalik sa pisngi nito. Awtomatiko siyang napangiti nang magtapat ang kanilang mata ng matanda saka siya umupo upang maging kapantay niya ito, humalik siya sa pisngi nito bago yumakap nang mahigpit.
“Nickos, apo namiss kita,” kung akala niya’y papagalitan siya nito dahil ngayon lang siya nakadalaw muli ay nagkakamali siya. Marahan nitong hinaplos ang kanyang likod habang nakayapos pa rin siya sa katawan nito.
“I’ve miss you too gran,” tugon niya. Totoong namiss niya ang lola dahil ilang buwan siyang nasa Greece upang asikasuhin ang negosyo ng kanyang ama na wala namang pakialam sa kanila simula pagkabata. At kung hindi lang dahil sa matandang nasa harap niya na kumupkop at nag-aruga sa kanilang magkakapatid ay baka matagal na siyang nawalan din ng paki sa kanyang mga magulang. His father is his lola’s son pero hanggang ngayon ay hindi niya mahanap ang ugali ng kanyang lola sa ama.
“Where’s your siblings?” tanong nito nang humiwalay siya sa yakap, ginagap niya ang kamay nito. He really missed his grandmother even if she is always insisting that he should have a wife and a family on his own.
“Maddux Nicolai is in Greece helping dad, you know he’s the eldest so it’s his responsibility. Hera Miracle is in Italy modelling and creating her own clothing line while Hexelian Morse, he is travelling so I really don’t know where he is,” mahabang paliwanag niya sa matanda na marahan lang tumango bago siya tumayo at nagpresintang itulak ito. Humalik ang iba pang mga pinsan niya at kamag-anak sa matanda, nagbatian ang lahat bago sila nagsalo-salo sa hapag na may nakahandang masasarap na pagkain.
“NICKOS,” mahinang tawag ng kanyang lolang nakahiga sa kama, ibinaba niya ang hawak na libro saka tumayo at lumapit dito. Nakauwi na ang lahat ng dumalo at siya na ang natira at nagpaiwan, he wants to spend time with his lola.
“Po?” sagot niya nang makalapit saka umupo sa gilid ng kama nito. Dahan-dahang inalalayan niya ang kanyang lola para makaupo.
“Thank you for staying to take care of me. Your cousins won’t even stay here just to look for me, I’m so lucky to have a handsome and caring apo like you,” tila batang sabi nito pero alam niya nang may kailangan ito.
“Gran, no sweets. We have to watch your blood sugar,” sagot niya na ikinahaba ng nguso nito, sinasabi niiya na nga ba’t may kailangan ito at natumpak niya kaagad kung ano iyon kaya ganoon na lamang kung purihin siya nito.
“Just trying baka makalusot,” tumawatawang sambit nito na ikinatawa niya rin. Kabisadong-kabisado na niya ang matanda gaya nang kabisadong-kabisado na rin siya nito.
“Not now, not ever,” nakangisi niyang sambit ngunit sandaling sumeryoso ang mukha nito. Itatanong niya sana kung nagalit ito pero muling ngumiti ang matanda pagkaraan ng ilang segundo at nagsalita.
“When can I meet your wife?” tanong nito habang excited na nakangiti, bigla siyang nasamid sa sarili niyang laway.
“Ayan ka na naman gran,” natatawang sagot niya rito habang nagkakamot ng batok.
“What? I am genuinely asking so when? When do I meet her?” pangungulit nito.
“Gran it’s not easy as one, two, three,” he said while laughing, umaasang malalayo sa topic na iyon ang usapan.
“It is easy hijo, you just have to fall in love, get married and everything will fall into their right places. Ni hindi mo nga mamamalayan ang oras dahil ang tanging mararamdaman mo lang ay puro saya,” mahabang litanya nito habang may kung anong kislap ang mga mata.
“You know, I’m not into marriage and I can’t even fall in love,” he reasoned out ngunit mukhang waepek ‘yun sa kanyang lola na nagpatuloy pa rin sa pagsasalita tungkol sa pag-aasawa niya.
“Baka masyado lang mataas at matibay ang mga pader na binuo at pinalibot mo riyan sa puso mo kaya hindi ka nila magawang mahalin, kaya hindi nila magawang makapasok sa puso mo at kaya hindi mo magawang magmahal,” makabuluhang sabi ng kanyang lola habang tinitignan siya gamit ang malungkot na mga mata. The last woman he loved with his whole heart and soul left him and his siblings hanging, she just disappeared without explaining why and what’s her reason for leaving them, her family all behind. Kumuyom ang kanyang kamao dahil namuong muli ang sakit at galit sa kanyang dibdib para sa ina habang nagbabadyang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Galit na galit siya sa babae at kung babalik man ito ulit ay hinding-hindi niya ito patatawarin kahit na ano pa ang gawin nito.
“Apo,” tawag ng matanda sa kanya saka marahang hinawakan ang kanyang pisngi, tinignan niya ito bago sumandig sa kamay nito at ipikit ang mga mata. Sa ilang saglit na lumipas na nakaganoon siya ay nabawasan ang sakit na nararamdama niya at kumalma siya.
“Tandaan mong hindi lahat ng babae ay kagaya niya, hindi lahat ng babae ay iiwan ka dahil apo, alam kong karapat-dapat kang mahalin. Naniniwala pa rin akong magmamahal ka at kapag nangyari iyon hinahangad ko ang buong kasiyahan mo at ng babaeng mamahalin mo,” nginitian siya nito saka malawak na binuksan ang mga bisig na inaaya siya sa isang yakap, agad siya yumakap dito tulad ng lagi niyang ginagawa noong bata pa. Ilang minuto siyang nakaganoon lang sa matanda bago ito may biglang maalala at itulak siya ng bahagya.
“Here,” sambit nito na may kung anong inabot sa drawer na katabi nila. Kinuha nito ang isang maliit na box saka binuksan iyon at inilabas ang singsing na may malaking bato sa gitna na nakahugis diamond. Napakaganda niyon kahit na simple ang pagkakadisenyo, iniabot iyon ng matanda sa kanya.
“Ano ‘yan lola?” tanong niya habang nakatingin lang sa kamay nitong may hawak ng singsing.
“Take it,” sabi nito saka inumang sa kanyang kamay ang hawak. Nag-aalangang inabot niya iyon habang nagtatanong ang mga matang nakatingin sa kanyang lola.
“I want you to give that ring to the woman you truly love, to the woman you will marry. That is our engagement ring and please give that to the woman who deserves to be love by you. I’m not getting any younger Nickos and any minute I’ll die. I want to see you happy before I join your lolo,” matamlay itong ngumiti sa kanya.
“Don’t say that gran. You’re not going anywhere, I’m not yet ready for that,” seryosong sabi niya sa matanda pero mahinang tumawa lang ito. Hindi pa siya handa sa sinasabi ng kanyang lola, hindi ngayon at hindi kahit kailan. Ito lang kasi ang tanging taong napagbubuksan niya ng mga saloobin at nararamdaman at sobrang mahal niya ito.
“Keep that ring apo, I know you’ll use it someday,” sambit nito bago pumasok ang nag-aalaga rito. Oras na para uminom ito ng gamot at magpahinga kaya humalik na siya sa noo nito bago lumabas ng silid. Ibinulsa niya ang binigay niton singsing at dumiretso sa sala nang mag-ingay ang kanyang cellphone, dinampot niya iyon at hindi na tinignan pa kung sino ang tumatawag.
"Lopez," tawag ng nasa kabilang linya na agad niyang nakilala.
"Demetrius, my man," masiglang bati niya na parang walang nangyari. Nathaniel Cane Demetrius is a good friend of his since college parehas silang abogado ng binata pero mas pokus ito ngayon sa mga negosyong pag-aari.
"I have some work for you," wika nito na agad niyang ikinasabik. A work out of the range of his profession? Seems exciting.
"Glykó, ti eínai aftó?" [Sweet, what is it?] tanong niya upang malaman na kung anong ipapatrabaho nito.
"Can you find the address of Jucia Bartolome and what company she works for?" balik tanong nito na parang nagdududa sa kakayahan niya. He can find anything or anyone, he’s trained by the greatest.
"Den empistéveste tis dexiótités mou? Your friend here is the best private investigator throughout Greece." [Don't you trust my skills?] panunumbat niya rito gamit ang nasasaktang tono.
"I know you will ask me that. I trust you, you moron,” natatawang tugon nito na mahina niya ring ikinatawa.
"Yun naman pala e. Leave it to me. Is that all?" mayabang na sambit saka binuksan ang laptop na nasa harap.
"No, hindi lang iyan here's the important job for you. Lorenz Santos, I want you to dig all information that you can especially the dirty ones," he said the name extra clear na agad niya namang inenter sa kanyang laptop.
"Copy," he said habang naghahanap ng mga impormasyon kay Jucia Bartolome na first love nito.
"I'll just deposit the p*****t to your account,” paniniguro nitong babayaran siya.
"Sweet. Asahan mong bukas nasa iyo na ang lahat ng impormasyon,”and that’s for sure.
"Efcharistó." [Thanks.] paalam nito bago ibaba ang tawag. Humarap siya sa laptop at lumabas na roon ang mga impormasyon tungkol kay Jucia pero isang pangalan at mukha ang nakaagaw ng pansin niya. Eunice Haze Valeriano.
_annmazing_