SAMANTALA kasalukuyang naghahanda si Cloe sa kanilang lamesa nang biglang nahulog ang plato na kaniyang hawak. Sakto namang dumating ang ang kaniyang mga magulang at narinig nila ang ingay na nagmula sa kusina. "Anak, anong nangyari?!" gulat na sambit ng kaniyang ina. "Hindi ko alam, Ma. Bigla na lang nahulog at ang lakas ng kabog nang aking dibdib." "Si, Angelo, nakauwi na ba?" tanong ng kaniyang ama. "Hindi pa, Pa. Pero tumawag siya kanina na papauwi na siya." "Tawagan mo kaya anak," utos ng kaniyang ama at kasalukuyan itong kumukuha ng isang basong tubig. Sinunod niya ang utos ng kaniyang ama at tinawagan si Angelo. Nakailang dial na siya ngunit walang sumasagot. Kaya mas lalong lumakas ang t***k ng kaniyang puso. At maya-maya pa ay nag-ring ang phone ni Cloe at si Angelo ang