Tumango-tango si Angelo at may kasamang tipid na ngiti. Hindi niya mapigilan ang mapaiyak dahil pangarap talaga niyang magkaanak. Maingat na pinunasan ni Cloe ang butil ng luha nang kaniyang asawa. "Dhey, tama na baka makakasama pa iyan sa iyo." "Pasensiya ka na mhey, nalulungkot lang talaga ako. Alam mo naman na gusto kong magkaroon tayo ng anak." "Magpagaling ka muna, tapos kung magaling ka na ay hahanap tayo nang isang mahuwasay na doctor. Baka may paraan pa," suhestyon ni Cloe. "Salamat sa pagpapalakas mo sa akin, mhey." "Wala iyon, dhey. Asawa mo ako at karamay sa lahat ng bagay." Hanggang sa makalabas na si Angelo, at hindi muna ito papasok sa trabaho. Dahil kailangan pa niyang magpagaling. Ganoon rin si Cloe, nag-file ito ng one week leave upang maalagaan ang asawa. Habang