"Symond, puwede ba tayong mag-usap?" "Sure! Tungkol saan Zandrie?" "Tungkol kay, Camille." "Halika sa kuwarto," yaya niya kay Zandrie at nagtungo sila sa loob. At iniwan muna nila ang bata kay donya Marites at sa yaya nito. "Ano ang pag-uusapan natin, Zandrie?" "Symond, naaawa kasi ako kay Peter, mukhang mabait naman siya. At may karapatan rin siya sa bata, baka puwedeng ipagtapat natin sa kaniya ang katutuhanan. Napansin ko rin kasi kanina na parang magaan ang loob ni Camille sa kaniya." Nagpakawala ng isang buntong-hininga si Symond bago siya nakapagsalita. "Tama ka Zandrie, at naaawa rin ako sa kaniya. Kahit masakit na malayo sa atin si Camille ay pipilitin kong tanggapin. Dahil wala naman tayong karapatan sa kaniya." At sabay patak ng kaniyang luha. Maagap naman itong pinu