Naka-set-up na ang lahat sa malaking sala sa bahay nina Symond. Hinintay na lang nila ang oras ng pagsisimula. SAMANTALA dumating na sa Maynila si Allezandra, agad itong sumakay ng taxi at nagpahatid sa isang mamahaling subdibisyon. Wala siyang kamalay-malay na nakasunod sa kaniya ang asawa. "Manong, huwag n'yo pong alisin ang paningin mo sa taxi na iyan, ha." "Sige po. Kilala n'yo ba ang sakay na iyan ,sir?" tanong ng driver. "Oo, asawa ko iyan, manong. Galing pa kaming probinsiya, nagpaalam kasi siya na luluwas dito sa Maynila, dahil darating raw ang kaniyang kaibigan na galing ibang bansa at nagyaya raw na papasyalin siya dito." "Pagkatapos hindi ka naniniwala?" pagtataka nitong tanong. "Hindi naman sa hindi ako naniniwala, Manong. Kaso masama ang kutob ko, eh. Pakiramdam ko a