Maximus “What kind of work is this?” pabalang kong tanong bago ko ibinato ang mga recommended designs ng architecture team. Sabay sabay naman na nagsipikitan ang mga ito na tila takot na takot. “Sir, they had been working nonstop for two-weeks for those designs,” singit naman ni Aries kaya sa kanya nabunton ang galit ko. “At anong gusto mong palabasin doon? Na kasalanan kong mga walang kwenta ang designs nila?” galit kong tanong sa kanya bago siya mabilis na umiling. “Why don’t we stop first and take a break?” tanong niya. Huminga ako ng malalim at tsaka tumango bago siya bumaling sa architecture team. Siya lang ang namumukod tanging hindi ko mapagalitan ng husto, pero may mga pagkakataong hindi ko rin napipigilan ang sarili ko. Pasalamat na lang ako lagi niya akong inuunawa. “You go a