Chapter 48

1356 Words

Maximus Walang saysay! Lahat ng aming effort ay walang saysay dahil hindi namin natagpuan si Sarina. Wala akong idea kung nasaan na siya at kung sino ang kumuha sa kanya. Ang lalaking nagma-may-ari ng fingerprint na nasa botelya ng pampatulog na nakuha ng grupo ni Mariano ay wala ring alam. Pero isa lang ang sigurado, ginamit iyon para sa asawa ko. Halos mapatay ko na sa bugbog ang lalaki ng malaman ko kung bakit siya kinuha ni Mariano. Kung hindi dahil sa pagpipigil nila kuya at ng dalawang tauhan niya ay baka iyon na nga ang nangyari. Para akong nauupos na kandila ng tuluyan nila akong mapigilan hanggang sa napaluhod na ako tsaka hinayaang maglandas ang aking mga luha sa aking mga pisngi. Hindi ko na inalintana ang mga tinging ibinigay nila sa akin at wala na rin akong pakialam kung an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD