Sarina Nakatingin lang ako kay Maximus at hindi naman niya magawang makatingin din sa akin. Nakabalik na kami sa hotel at simula ng umalis kami ng bahay ng kuya niya hanggang ngayong naghahanda na kami para matulog ay tahimik lang ito habang pareho kaming nakaupo sa magkabilang side ng kama. Ano kaya ang nasa isip niya? Ako dapat ang hindi makatingin sa kanya dahil sa mga pag-aamba ko sa kanya noong mga panahong akala ko ay bulag siya. Pero dapat naman din akong mainis sa kanya dahil parang pinag mukha niya akong tanga. Dahil sa naisip ko ay biglang naningkit ang aking mga mata habang nakatingin ako sa kanya at nagkataon naman na bigla rin siyang tumingin sa akin na naging dahilan ng paglaki ng kanyang mga mata bago nag-iwas ng tingin. Hindi na ako nakatiis kaya naman tinawag ko na siya.