Maximus “Saan ba tayo pupunta, Maximus?” tanong ni Sarina. Last two days na namin dito sa Las Vegas kaya naman gusto ko siyang ipakilala ng personal kay Mariano bago man lang kami bumalik ng Pilipinas at kanina pa niya ako tinatanong. Ayaw ko namang sabihin agad dahil gusto kong masurprise siya. Hindi lahat ng tao ay alam ang tungkol sa aming magkapatid. Sikretong malupit ng pamilya namin iyon at kung ang lola ko lang ang masusunod ay gusto niyang ibaon iyon sa limot dahil nga sa may anak sa labas ang Mommy ko bago pa man naging sila ng Daddy ko. Isang bagay na kinaaayawan ng aking abuela sa aking ina. “Asawa ko naman, hindi ba pwedeng pahintay? Malapit na tayo at siguradong masasagot na ang katanungan mo,” ang sagot kong may halong reklamo. Bakit ba kasi napaka impatient nitong tao? Hin