LUMAPIT kay Andrei ang apat na prinsipe. Ganun pa man ay nahihiya siya sa mga ito. Kahit sabihin pang siya ang panganay sa kanila ng lima. Prinsipe pa rin ang mga ito na ginagalang ng buong bansa. “Kuya Andrei, i'm so sorry, wala kaming alam. Kanina lang namin nalaman na kapatid ka naming panganay. At ama rin namin ang taong muntik na naming mapatay.” hinging paumanhin ang ika-tatlong prinsipe. “Kaya pala pareho tayo ng mga mata, Kuya Andrei.” singit naman ni Prince Philip. “Patawarin mo kami kuya. Sinunod lang namin ang utos ng mahal na hari.” apologetic na pahayag ng kapatid kay Andrei. “Anak, i miss you so much, sana mapatawad mo ako. Hindi ko ginusto na iwanan kayo ng papa mo.” “M-Mahal na reyna, huwag ka pong humingi ng tawad sa akin. Kung anuman ang iyong dahilan kaya iniwan mo
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books