Chapter 2: The Hell Begins

1415 Words
Two. Year 2022, Present MIKAY Ibinagsak ko ang katawan ko sa hindi kalambutan kong kama nang makauwi ako, kaya napadaing ako ng medyo slight. Putik! Parang kailangan ko na ng bagong foam, kulang na lang maramdaman ko na 'yong papag ko. "Nakakapagod na buhay," pagmamaktol ko saka ako humikab. Inaantok na ako pero sa tuwing papasok sa isip ko yung class card ko ay tila ba nabubuhay ang katawang lupa ko. Para akong isang batang nagwawala sa kama ko dahil sa frustration! "Nakakainis talaga! Ayoko talaga sa mga komplikadong tanungan dahil madalas nagiging komplikado rin ang pag-iisip ko." Katatapos lang ang ng exam ko, at kahit papaano ay sumasabit naman ako. Fourth year na ako sa nursing, sa wakas! Malapit na ring matatapos ang hinagpis ko, at malapit na rin akong kumaldag. Huwag na kayong magtaka kung bakit fourth year palang ako, dahil sa kapasidad ng utak ko isang himala para sa akin ang makatungtong ng fourth year. Pagkatapos kong magshower ay bumaba na ako para kumain kaya lang napahinto ako nang makita ko ang mga hindi pamilyar na mukha sa sala; may dalawang nakaitim na lalake sa may pintuan na mukhang ginaguwardihan nila ito, at ang isa naman ay nakaupo sa sofa habang kausap si Papa. Teka! Parang pamilyar ang lalake, pero saan ko ba siya nakita? Nabaling ang tingin ko kay Papa na mukhang galit na nagpapaliwanag sa lalake na mukhang kagalang-galang. Hindi ko maintindihan masyado ang sinabi ni Papa pero alam kong may problema. Bumaba ako at hindi pa man ako nakakalapit ay mas lalong naging malinaw sa akin na may problema nga. "Hindi! Wala kayong karapatan! Pagkatapos ng ilang taon magpapakita kayo rito para sabihin sa akin ang walang kwentang bagay na iyan? Umalis na kayo!" Ngayon ko lang nakita na ganito si Papa kaya naman lumapit na ako para pakalmahin siya pero bago pa man ako makalapit ay naunahan na ako ni Ruby, ang stepsister ko. "Pa, anong nangyayari? May problema ba?" tanong niya. Nakalapit na rin ako, pero na kay Ruby ang atensyon ng mga bisita. "Umalis na kayo. Wala na akong iba pang sasabihin sa inyo. Tapos na ang usapang ito at huwag na huwag na kayong babalik pa rito —" "Hindi ikaw ang ipinunta namin dito Mr. Mendoza, nandito kami para sa anak niyo." Kumunot agad ang noo ko nang ibaling ng formal na formal na lalake ang atensyon nila sa akin. Oh! Kilala ko talaga siya! Pero hindi mahanap ng utak ko kung saan ko siya nakita. Oh my gosh! Pumupurol na talaga ang braincells ko. "Nandito kami upang kausapin ang nag-iisang anak at tagapagmana ni Miss Michelle." Uh? Bakit kilala nila ang mama ko? At ano? Tama ba ang naririnig ko? "Tagapagmana?" ani Ruby sa gulat na gulat na tono, nanlalaki pa ang mata nito habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Mabilis akong inilayo ni Papa sa formal na lalake na mukhang siya ang head. Humarang pa siya para lang hindi ako malapitan ng kahit na sino sa kanila. "Miss Mikael, I'm Attorney Sanchez, the legal representative of the Ynares especially your mother Michelle and your grandfather Mr. Nicolo Ynares. We already met five years ago. Di ba sabi ko sa'yo na babalik ako?" Nanlaki ang mata ko nang biglang pumasok sa utak ko ang nangyari five years ago. "Uh? Ikaw yung lalake sa insurance company hindi po ba? Pero bakit kilala niyo ang mama ko? At Ynares? Ano pong ibig sabihin niyo?" Nicolo Ynares? Pamilyar ito sa akin pero hindi ko sigurado kung saan ko ito narinig. Inextend niya ang kamay niya sa akin pero hindi hinayaan ni papa na tanggapin ko ang kamay ng lalake na nagpakilalang Attorney Sanchez. Nalilito ako sa nangyayari. Sobrang daming tanong sa isipan ko ngunit hindi ko magawang buuin ito, o sadyang b*bo lang talaga ako? Hay buhay! Walang sinabi sa akin si Papa tungkol sa pamilya ng yumao kong ina. Tagapagmana? Ynares? Alam kong kilala ang mga Ynares lalo na sa medical fields kaya lang hindi ko naman inassociate ang sarili ko sa kanila dahil nga common name lang ang Ynares para sa akin at saka as if naman na ang isang katulad ko na ganda lang ang ambag sa mundo ay maging legit na Ynares, home of smart people yun eh, tapos ako? Ganda lang talaga. "Utang na loob, umalis na lang kayo. Tahimik na ang buhay namin huwag niyo na itong guluhin pa," may diing turan ni Papa. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni papa na para bang any seconds ay sasabog ito. Marahas akong bumuntong hininga. "Umalis na po kayo. Nakakagulo lang po kasi kayo," saad ko, baka kasi maatake pa sa puso si papa. Nanatili ang mata sa akin ni attorney, pagkakwa'y ngumiti ito na para bang may sinabi akong nakakatuwa eh pinapaalis ko na nga sila. "Okay. We will leave for now, but ready yourself once we return, because you know the old man Mr. Mendoza, what he wants, he gets," he said as if we really doesn't have any choice if they return. Binalingan ko si papa na nanatiling tahimik, magsasalita palang sana ako nang maunahan na naman ako ni Ruby. "Kilala mo ba ang mga iyon papa? At saka bakit sinabi nilang tagapagmana si Mikay?" tanong ni Ruby habang nakaduro pa rin ito sa akin. Yan din naman ang tanong ko. Paano naman kaya ako naging isang tagapagmana? Baka wrong info lang ang mga iyon at maling bahay ang napasok. Kaya lang kilala nila ang mama ko... ay ewan! Pero oh my gosh! Gold ba ako? Imposible kasi! "Paano nangyari iyon, eh di ba nga sabi niyo mahirap lang yung nanay niya? At saka siya? Magiging tagapagmana ng Ynares? Parang mas deserve ko pa iyon kesa sa kanya," aniya na ngayon ay mapanghusga ng nakatingin sa akin. "Huwag na muna natin iyon pag-usapan, o siya kumain na kayo at ako naman ang tutulong sa mama niyo sa karinderya," ani papa na hindi man lang ako binalingan ng tingin dahil basta na lamang itong naglakad palabas ng bahay. Umirap naman sa akin si Ruby saka niya ako nilampasan. "Tagapagmana? Ako?" mahinang tanong ko sa aking sarili. "Imposible naman ata 'yon." --- DAMON "Sir Damon, ito na po ang mga impormasyong nakuha ko." Kinuha ko ang folder na iniabot niya sa akin. I sneer in disbelief when I saw her weird photos. She looks dumb with her weird poses. Too old fashion. Inumpisahan kong basahin ang impormasyon tungkol sa kanya, mula sa pangalan niya hanggang sa paboritong kulay nito. I didn't know that someone stupid like her exists. "Ano pong plano niyo, Sir?" tanong niyang muli. Nanatili ang aking mga mata sa litrato niya. Napangisi ako. Plano? Isa lang naman ang plano ko, at iyon ay ang mabura siya ng tuluyan sa buhay ko. But I know it won't going to be easy as I need to deal with the elders who were the one who put me in this kind of complicated situation. When they once told me about it, I don't even know how to react, but I just accept it, because I don't even have a choice even though I'm not d*mn agree to the arrangement. Matagal ko ng alam ang arrange marriage na ito, at matagal ko na ring alam ang tungkol sa kanya, kaya lang naudlot ito dahil buong akala ko ay hindi na nila ito muling bubuksan pa. "Paano po kung totohanin talaga nila na pagsamahin kayo sa iisang bahay?" Mariin kong naipikit ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Noong una wala akong pakealam sa arrange marriage na ginawa nila, pero iba ang usapan ngayon, because they want that unknown stupid woman to enter my life as they wish. Iisang bahay? Oh come on! Hindi ko yata kaya na may kasama akong ibang tao sa loob ng pamamahay ko. "We are only married in paper, no romantic feelings involve. She mess up the wrong ass*ole." I grimace. Arrange marriage? I know it d*mn s*cks, but I can't do anything to free myself from that woman. However one thing is for sure, once I got to see her, I will make sure that she will deal with the hell I'm preparing just for her. "Just keep on watching her," I ordered with a faint smile on my face while my eyes still pasted on her photos. This weird childish stupid creature is an Ynares without her knowing everything about it. Mikael Ynares Mendoza, I'll deal with you soon. Wait for your hell. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD