Chapter 1: The Papers

1907 Words
One. Year 2017, Barangay 1003 Trese Mapayapa, Philippines MIKAY Maaga pa lang ay nagising na ako para maghanda ng almusal, at makapag-ayos na rin para sa pagpasok ko sa eskwelahan. Kahit antok na antok pa ako ay wala akong choice kundi bumangon. Mamaya mabubungangaan na naman ako ni Mama. Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga at malazombie na tinungo ang banyo. May maliit akong banyo sa kwarto ko, sakto lang talaga para sa mga hindi katangkarang tulad ko. Nag shower ako para marefresh naman kahit papaano ang braincells ko na gagamitin ko na naman mamaya. Simple lang ang buhay ko. Hindi ako lumaki sa isang mayamang pamilya, sakto lang. Nakakakain kami at nakakatulog ng maayos, hindi rin kami nagigipit sa pera. May mga part time jobs din ako kaya naman pagdating sa school nag sha-shutdown na ang utak ko. Hindi rin ako masyadong matalino, kaya nga laging pasang-awa ang grades ko, hindi kasi talaga ako para aral, dahil makita ko palang ang libro ko inaantok agad ako. Para kasi akong hinehele ng mga notes at libro ko, kaya minsan napapasarap din ang tulog ko. First year nursing students ako, at konting kembot na samahan ng dasal na lang mairaraos ko na ang first year ko, at sa susunod secon year na; kung papalarin Sa totoo lang hindi ko totoong mama ang inang tinuturing kong mama ngayon, namatay na ang tunay kong mama kaya naman nag-asawa ulit si papa. May stepsister din ako, nursing student din siya kaya lang mas matalino siya sa akin ng point zero one percent. Hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuntong hininga habang matamang tinitignan ang class card ko na kahit ilang beses kong titigan ay wala rin namang magbabago, at kahit makiusap ako sa mga professors ko ay mukhang wala na talagang pag-asa para masolusyonan ko ito. Oh jusko! Paano na ito? Nasubunutan ko na lang ang sarili ko dahil sa pagkadismaya. "Mikay! Kahit na maghapon mo pa iyang titigan at dasalan, hindi 'yan maghihimala at magbabago." Sinimangutan ko si Suzy dahil sa sinabi niya bago siya naglapag ng paborito kong frappuccino, umupo siya sa tapat ko saka niya inagaw ang class card ko na sana nga maghimala at magbago. I sip onto my frappuccino while staring closely at her face, pinagmamasdan ko ang magiging reaksyon ng mukha niya at halos masabunutan ko siya nang malakas itong tumawa. "Nakakainis ka talaga!" Inagaw ko ulit ang class card ko sa kanya. "Pinaghirapan ko pa rin 'to 'no." Umirap ako pero tinawanan niya lang ulit ako. "Pinaghirapan daw! Utuin mo pa ako! Ang tamad mo ngang mag-aral, titignan mo pa nga lang notes mo inaantok ka na agad." Mas lalo akong napabusangot. Tama naman siya. Hindi naman kasi ako pala review, magrereview man ako five minutes before exam or quiz lang. Sinubukan ko namang magreview kaya lang mas inuunahan ako ng antok at katamaran. Sumama na nga rin ako sa group study, kaya lang chismisan lang ang nagawa namin instead na mag review. "Sige, ipagpatuloy mo na lang ang pagdadalamhati mo sa grades mo na kahit papaano ay sumabit," saad niya saka ito tumayo. Bago niya ako nilayasan sa mesa ko para kumuha ng order ay mapang-asar pa niya akong tinapik. Ang hirap naman kasi ng exam namin, puro na lang numbers. Hindi naman kami mag co-compute habang nag a-assist sa hospital kung sakali. Ano ba kasi itong napasok kong course? Ang sakit sa bangs! Baka una pang malagas ang buhok ko sa baba kesa makapasa. "Babawi na lang ako sa susunod," kumbinsi ko sa aking sarili. Hindi pa naman huli ang lahat. Hindi man pang latin honor ang mga grades ko, ang mahalaga sa akin ay pasado ako. Nabaling ang atensyon ko sa phone ko nang umilaw ito. Patay! May duty nga pala ako sa karinderya namin. Baka matalakan na naman ako ni mama. Inayos ko ang bag ko bago ko ito sinukbit sa balikat ko. Sinenyasan ko naman si Suzy na ngayon ay busy na sa counter, tinanguhan niya ako bago ako tuluyang sumibat. Sakto naman paglabas ko ay may jeep na nakahinto kaya nakasakay agad ako. Literal na palaman ako sa loob ng jeep kasi nga siksikan, at dahil na rin mukhang hindi makuntento si manong sa sakay niya kaya dagdag siya nang dagdag ng pasahero. Sumakay ako ng jeep na fresh, pagbaba ko losyang ang lola mo. Tagaktak ang pawis ko at para akong sumabak sa gyera. "Ang init," pagmamaktol ko habang gamit ko ang kamay ko sa pagpaypay sa sarili ko. Dinukot ko ang panyo ko na nasa bulsa ko. "Oh Mikay, anong nangyari sa'yo? Para kang nalugi riyan," tawag pansin sa akin ni Mang Mario na nasa labas ng bahay nila at tila binabantayan ang paninda niyang balut habang nagpapaypay ito nang hawak niyang maliit na karton. Sobrang inip naman kasi ng panahon, para akong nasa loob ng oven. Lumapit ako sa kanya. "Paano naman po kasi yung jeep na sinakyan ko kung makatawag ng pasahero akala mo kasya ang isang daan sa loob," pagmamaktol ko na ikinahalakhak niya, lumabas pa nga ang asawa nitong si Manang Denia. "Oh? Mikay, anong nangyari sa'yo?" Gaya ng tanong ng asawa niya ay ganoon din ang naging tanong nito, kaya naman si Mang Mario na ang nagsabi kung anong nangyari sa akin. Hindi na ako nagtagal pa sa pakikipagchismisan sa kanila, dahil nga nakatanggap na ako ng pagbabanta kay mama sa message na sinend niya. Pagdating ko sa karinderya ay sobrang daming tao kaya naman nang makita ako ni mama ay agad niya akong binato ng basahan na nasapo ko naman. "Magpunas ka ng mga mesa. Bilisan mo, huwag kang pabagal-bagal dahil maraming customer," aniya sa isang iritableng boses, ni hindi niya man lang ako binalingan ng tingin o tinanong man lang kung kamusta ang grades ko, o kaya naman kung kamusta ang kagandahan kong taglay. Kesa mas matalakan pa ako, ginawa ko na lang ang inuutos niya. Nagpunas ako ng mga mesa, nagligpit ng mga pinagkainan, naghugas, at kumuha ng mga orders. "Mikay, yung order ko?" Binalingan ko ng tingin ang dati kong kaklase noong high school na si Peter. "Ano bang order mo?" Nagkamot ako ng ulo. "Hindi naman kasi ito restaurant para iserve sa'yo. Pumunta ka sa counter saka mo tanungin kay Mama ang order mo, ipakita mo rin yung listahan na ibinigay sa'yo kanina para maverify kung order mo nga yung kukunin mo," paliwanag ko. "At for the record, hindi ako galit, nagpapaliwanag lang," dagdag ko na ikinatawa nila. "Pabiro ka pa rin talaga hanggang ngayon." Tumayo siya saka tinapik ang balikat ko. "May jowa ka na?" Agad akong napakunot noo dahil sa sinabi niya, at saka ko bahagyang tinanggal ang pagkakahawak niya sa balikat ko. Mamaya maissue pa ako, madami pa namang matang mapanghusga sa paligid. "Waley no. Aanhin ko naman ang jowa? Hindi ko nga maalagaan sarili ko magdadagdag pa ako ng problema at iisipin," iiling-iling na saad ko. Mas lalo kang natawa. "Bakit kasi aalagaan mo? Hayaan mong siya ang mag-aalaga sa'yo." Bahagyang nagtaas ang aking kilay. "Bakit ako magpapaalaga? Malaki na ako, kaya ko na ang sarili ko." Ngumiti ako. "Sige una na muna ako. Madami pa akong gagawin." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya, tinalikuran ko na siya. Narinig ko pa ang panunukso sa kanya ng mga kaibigan niya ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. Bumalik na lang ako sa likod at naghugas ng mga pinggan dahil panigurado ay tambak na naman ang huhugasan ko. Ganito madalas ang routine ko, pagkatapos ko sa school ay didiretso agad ako sa karinderya para tumulong. Pero minsan ay hindi ako nakakatulong dahil na rin may mga commitment din ako sa buhay. Nagpapakadalubhasa kasi ako sa kurso kong nursing dahil I believe the world needs someone like me... charot! Pagkatapos ko sa karinderya ay dumiretso na ako sa pag-uwi dahil nga kailangan ko pang magbihis, may part time job pa ako. "Excuse me Manong." Mahina kong tinapik sa balikat ang isang formal na formal na lalake na mukhang sumisilip-silip sa bahay. "May kailangan po ba kayo?" nakangiting tanong ko nang lingunin niyo ako. "Kilala mo ba si Mr. Mendoza, Hija? May kailangan lang kasi akong ibigay na mahalagang papel sa kanya." Napatingin ako sa pulang envelope na hawak niya na may nakaprint na puting oras. Parehong-pareho sa rosas na madalas iguhit ng Mama ko. "Hija?" Napabalik ako sa reyalidad dahil sa pagkuha niya sa aking atensyon. "Ay si Papa po ba ang hanap mo? Wala po kasi siya ngayon, nasa karinderya po. Ano po ba 'yon?" Mukhang matinong lalake naman siya. "Ano po palang pangalan niyo?" Baka mamaya pala ginogoyo lang niya ako. "I'm attorney Sanchez, hija." Naglabas siya ng pitaka at ipinakita niya sa akin ang I.D. Attorney pala siya. "Kailangan kasi ng kahit na sino sa pamilya niya ang pumirma sa papeles para maproseso na ang papel." "Ay gano'n po ba?" Baka ito yung insurance na tinutukoy ni Papa no'ng nakaraang araw. "Ako na po ang pipirma. Pasok po muna kayo sa bahay." Ngumiti sa akin ang lalake. "Naku Hija, baka makaabala pa ako sa'yo. Dito mo na lang pirmahan." Inabot niya sa akin ang pulang papel. "Sigurado ho kayo?" Baka kasi isipin niya hindi ako hospitable eh. Tumango siya kaya hindi na ako nagpumilit pa. "Ang ganda naman po ng rosas na ito. Alam mo po ganito rin ang madalas iguhit ni Mama." Pinakita ko sa kanya ang panyo ko. Katulad na katulad nga. Hindi ko na binasa pa ang laman ng papel. Itinuro niya lang sa akin kung saan ako pipirma. May mga nababasa pa akong pangalan pero hindi ko na inabala pa ang sarili ko. "Salamat po," saad ko pagkatapos kong pumirma. "Sasabihin ko na lang po kay Papa ang tungkol dito." "Congratulations Miss Mendoza. Babalik ulit ako matapos ang limang taon." Tinanggap ko ang kamay niya. "Salamat po. See you po." Hindi nagtagal ay umalis na rin ang lalake sakay ng isang magarang sasakyan. "Anak, sino 'yon?" "Ay butiki!" gulat na sigaw ko dahil sa biglang pagsulpot ni Papa. "Papa, buti naman nandito ka na. Hinahanap ka kanina nang lalake na iyon dahil may kailangan daw siyang ipapirma. Si attorney Sanchez." Nawala ang pagkakangiti ko dahil tila ba nababahala ang mukha ni Papa. "Papa, may problema ba —" "Pumirma ka ba?!" Nagulat ako dahil sa biglang pagsigaw ni Papa. "O-Opo." Mas lalo akong kinabahan dahil mas lalong nadepina ang galit sa mukha ni Papa. "May iba pa ba siyang sinabi?" "Wala na po. Basta sabi niya babalik po siya sa pagkatapos ang limang taon. Papa, may problema po ba?" Sa halip na sagutin niya ako ay niyakap niya lang ako ng mahigpit. --- THIRD PERSON "Maayos na po ang lahat, Chairman. Ito po ang mga papel." Inabot ni Attorney Sanchez ang pulang envelope na hawak niya sa tinawag niyang Chairman. "Good. How is she?" Ni hindi man lang niya binalingan ng tingin ang attorney na nanatiling nakatayo sa harapan niya. Prente itong nakaupo habang tinitignan ang bawat pahina ng files. Hindi nagtagal ay nag-umpisa namang magkuwento si Attorney Sanchez sa mga bagay na napansin niya kay Mikay nang magtagpo sila kanina. "Parehong-pareho siya sa kanyang ina, Chairman. Sigurado ho ba kayo na bibigyan niyo pa siya ng limang taon..." Hindi nagawang ituloy ni Attorney Sanchez ang sasabihin niya nang itaas ng Chairman ang kamay niya. Yumuko namin ang attorney. "Five years, and I will make sure that they won't get away with this." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD