5

1957 Words
"May date ata ang little sister ko," Bungad ni ate Averi sakin pagkababa ko ng hagdanan. Abala sya sa pagdedesign ng sarili nyang damit na ilalaunch nya next month with the collaboration kay Samantha Imperial. "Who is the lucky guy?"  "I'm going out with Bren dahil inimbita nya ako manuod sa isang tv show napupuntahan nya," Naupo ako sa tabi ni ate. "But we are not dating,"  "Really?" Hindi naniniwalang sabi ni ate Averi  She put the magazine down the table and looked at me. "Okay fine, then sino yung naghatid sayo kanina ng masira yung sasakyan mo?"  Why my sister pestered me with so many questions? Daig nya pa sina Mama at Papa sa pageenterogate sakin. Kulang nalang mag hire ako ng lawyer to defend myself. But whatever, it's better not to answer baka kung ano pa isipin nya. Nakakahiya naman kay Alice, nagmagandang loob lang na isakay at tulungan ako.  "Where is Mom?" I changed the topic.  Ate Averi crossed her legs and tilted her head back. "She went out with her kumares," At ibinalik nya sakin ang kanyang paningin. "Now Aubree, don't changed the subject. Tinanong kita ng maayos,"  I sigh in defeated. "She just offer a ride para makauwi ako,"  "Who is she?" Taas kilay na tanong ni ate.  "Si Alice John," Sagot ko. "The singer of the song Colors of you," Just in case na hindi nya alam kung sino yung tinutukoy ko. "Do you know her?"  "Mmm," Napaisip si ate. "No," Bigla syang tumayo dahil may tumawag sa cellphone nya. "Text me kung nasaan ka at kung anong oras ka uuwi Aubree or else ako mismo susundo sayo kapag 10 na wala ka pa,"  "I'm not a child!" Inis ko na sabi ng tumalikod si ate.  Huminto sya sa paglalakad pero hindi tumingin sakin. "Yes you are not a child anymore Aubree. We all know you won't do any stupid thing but sometimes even the smartest person makes unpopular and wrong decision too."  Hindi na ako nakakibo. I got her point and ate Averi is just being very protective of me but im not stupid naman to do things i will regret later. After few minutes tumawag na si Bren and told me na he is waiting outside. Lumabas na ako ng bahay, i didn't even said goobye to ate.  "Wow," Bulong ni Bren the moment i hopped inside his car. Hindi nya maalis ang mata sakin.  "You are so beautiful Aubree,"  His compliment didn't give me any butterflies gaya ng mga nababasa ko sa libro. Wala talaga akong maramdaman na any romantic feelings towards Bren.  "Thank you," Pasasalamat ko habang pinagmamasdan si Bren. He is really handsome, makapal ang kilay, mabibilog at nangungusap ang mga mata, mapupula na labi at maganda magdala ng damit. "You are not bad yourself,"  Pinaandar ni Bren ang sasakyan na may ngiti sa kanyang labi. "I'm sorry kung medyo natagalan, sobrang traffic."  "It's okay," Sagot ko habang hinahatak ang suot ko dress sa bandang hita. "Are you ready para sa live performance mo mamaya?"  "I'm always ready Aubree especially that you are with me,"  "Yeah," Maiksi ko na sagot. Hindi ko naman kasi alam kung ano sasabihin. Hanggat maari kasi ayaw akong bigyan ng kahit anong pag asa si Bren para hindi sya masaktan.  Hindi na kami nag usap ni Bren habang nasa byahe dahil nagpanggap ako na busy sa phone. Kachat ko lang naman sina Ava at Maya sa group chat naming tatlo. Edi ano pa ba? Nabusog ako sa kakakantyaw nilang dalawa.  Nagkakagulo ang mga fans na  naghihintay kay Bren sa labas ng building kung saan sya kakanta. Wow, hindi ko ineexpect na ganito na pala sya kasikat samantalang sa school ordinary student lang kami. Inalalayan ako ni Bren makababa ng kotse at pumasok sa loob ng building.  Inaassist ako ng mga staff, binigyan ng pagkain at maiinom. Nagtataka nga ako kung bakit ganito ang trato nila sakin. Masyadong special treatment. Alam ba nila na kapatid ako ng supermodel na si Averi Gonzales? Or... Naupo ako kasama ang mga iba pang nanunuod habang naghihintay magsimula ang show. It's already 8 pero hindi pa naguumpisa. Kung hindi ako ginamitan ni Bren ng conscience card hindi talaga ako pupunta dito.  "Ang tagal naman," Narinig ko na bulong ng tao nasa aking tabi. Napatingin ako sa kanya. Kahit na medyo madilim ang paligid ay naaaninag ko parin ang kagandahan nito. "Fan ka ba nya?" I looked around me first, just to make sure na ako talaga ang tinatanong nya. "Silly girl," This time she looked at me with a playful smile. "Ikaw ang tinatanong ko,"  "Oohhh," Natawa pa ako. "Yes, im his fan and friend,"  Tinanggal ng babaeng katabi ko ang earphone na nakalagay sa isa nyang tenga bago totally ako harapin. Now i know that she is part of the crew or more than that dahil very formal ang suot nya. "We all thought you are his girlfriend," May kunot sa noo ng babae. "That is what Bren told us,"  "What?" Para akong nabingi. Ngayon ko lang sya nakita ng husto ng sumindi ang ilaw. Super ganda nya pero kakaiba lang ang kulay ng kanyang buhok. Blue. Pero bagay na bagay sa kanya. "He is not my boyfriend, we are just friends."  "That sucks!" Naiiling na sabi ng babae sakin. Tumayo sya at binitbit ang bag na kanyang dala. "Anyway, i have to go." Ngumiti sya sakin. "Nice talking to you,"  Nakaalis na ang babae na may kulay asul na buhok pero yung sinabi nya sakin about Bren ay nasa isip ko parin. Kaya naman pala asikasong asikaso ako ng mga staff dahil sa kasinungalingan na sinabi nya. Pero naiinip ko rin na wag syang kumprontahin at palampasin nalang but i will make sure na eto na ang huling pag sama ko kay Bren.  At sa wakas ay nagumpisa narin ang show. Tiliian dito, tilian doon ang nangibabaw sa loob ng stasyon. Samantalang ako nakatunganga lang at naghihintay na matapos ang pagkanta ni Bren. He was looking at me the whole time but i pretend not to notice. At nang matapos na syang kumanta ay sumunod naman ang  interview ng kilalang TV host.  "Sobrang bilis ng pagsikat mo Bren dahil sa kanta na Even you. You have a huge fan base in and out of the country right now." Salita ng host habang nakaupo sila sa couch. "Ano o sino ang naging inspiration mo para sumulat ng isang napakagandang kanta?"  "Inspiration yes," Agad na sagot ni Bren. Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan ng tumingin sya sa  direksyon ko. "And she is here right now,"  Nagtilian ang mga tao, may bulungan bago tumingin sakin. Parang gusto ko ng lamunin ng lupa sa mga oras na ito. Yes, i know Bren is famous and girls are drooling with him pero hindi ko sya gusto, magkaibigan lang kami.  "Is she your special someone?" Tanong ng host.  Ngumiti si Bren bago sumagot. "Ye—"  "Or is she your girlfriend?" Biglang pagbabago ng tanong ng host.  "Yes, she is my.." Bren looked at me, hindi nya tuloy masabi ang dapat sabihin. Kung babawiin nya ang una nyang sagot ay magmumukha syang  tanga at sinungaling sa buong mundo. "My girlfriend...."  I felt really betray and humiliate dahil sa ginawa ni Bren. Sana man lang gumawa sya ng paraan para magsabi ng totoo. Hindi nya inisip ang kalagayan ko, ano ang sasabihin ko sa parents ko? Lalo na kay ate Averi. Gosh. Kakalbuhin nya ako.  "Oh wait," Awat ng host habang pinagmamasdan nya ako ng maigi. "She is the youngest sister of Averi, Averi Gonzales!"  Great!  Hindi ko na alam kung ano pa ang mga sumunod na nangyari dahil sobrang daming bagay ang tumatakbo sa isip ko hanggang sa matapos ang show. Bren is trying to talk to me but i just keep my mouth shout, baka kung ano lang ang masabi ko sa kanya. Tahimik kaming sumakay sa kotse nya at sa bintana lang ako nakatingin.  "Aubree..." Tawag ni Bren sakin. "I'm sorry,"  "Ngayon mo pa talaga naisip magsorry Bren? You just announced a wrong information to the world!" Iritable ko na sagot pero hindi parin ako tumitingin sa kanya.  "I was... pressured," Bumuntong hininga si Bren. "Masisira ang career ko if i—"  This time i turned to looked at him with anger in my eyes. How dare he. "How about me Bren? Ano ang sasabihin ng parents ko sakin? You even drag my sister's name!"  "I can talk to your parents Aubree," Bigla akong natawa. Wow. Sobrang tanga ko ba para hindi maisip na he will take advantage of the situation? Ate is right. I should have go home early. "Stop the car,"  Napatingin si Brem sakin. "What?"  "Are you deaf?" May bahid na ng galit na boses ko. Baka sumabog ako kapag hindi pa ako umalis sa kotse nya. "I said, stop the car!" "Are you serious Bree? It's raining hard!" Hindi makapaniwalang tanong ni Bren at tuloy tuloy parin sya sa pagdidrive.  "Wala akong pakialam!" E ano ngayon kung mabasa ako ng ulan hindi ko naman ito ikamamatay, baka makapatay pa nga ako kung makakasama ko pa si Bren sa iisang lugar. "Ihinto mo!"  "Bree..." Pakiusap ni Bren.  "O gusto mong tumalon ako para itigil mo lang!?"  Bren is slowing down the car in defeat. Inihinto nya ang sasakyan sa tabi ng daan. Lumabas ako ng kotse, agad na nabasa ng ulan at naglakad palayo. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga taong nakakakita sakin. Hanggang sa napahinto ako dahil ayaw matanggal ng suot kong heels sa aspalto, sakto naman na may paparating na kotse sa kinatatayuan ko. Lalo akong nataranta, hindi ko malaman kung ano ba ang gagawin. Kaysa masagasaan ay iniwan ko nalang ang suot ko na heels at nagmamadaling tumawid ng daan.  "Ahhh! Bwiset!" Angil ko sa inis habang pinagmamasdan ang mga paa ko, yung isa nakasuot ng heels, at yung isa wala.  I tried to call ate pero hindi ko sya makontak, ganon din sina Mama at Papa. Wala rin akong maasahan kina Ava at Maya, ayaw ko narin silang abalahin at labis pang ipahiya ang aking sarili.  "Tax—" Biglang akong natigilan ng halos maghilamos ako ng tubig mula kalsada ng may dumaan na kotse. Basang basa na nga ako, naputikan pa ang damit ko. Nanlumo ako at napaupo nalang habang ang mundo ay pinagtatawanan ako dahil sa kamalasan. Mukhang dito narin ako sa daan matutulog ngayong gabi kapag wala pang dumaan na taxi.   Napatingin ako sa kulay red na heels ng taong biglang sumulpot sa harapan ko. Dahan dahan kong iniangat ang aking paningin, sinusuri ang bawat detalye ng dress na suot ng nagmagandang loob na payungan ako sa gitna ng malakas na ulan.   My heart sunk down my stomach when i recognized who is she.  The Ice Queen, Cassandra.  Mabilis akong tumayo at nagpantayan nalang kami ng mata. Kasing lamig ng expression ng kanyang mukha ang ulan but i saw something in her eyes. Amusement?  "Cassan—"  "Hindi mo ba alam na delikado dito?" Kunot ang noo na tanong nya sakin as she looked at me up and down. "Lalo pa at ganyan ang itsura mo,"  "What's wrong with my clothes?" Medyo slow ko na sabi. Masyado kasi akong nabigla na sya ang kasama ko ngayon. "Hey, pwede bang makisakay?" Pero imbis na sagutin ako ay naglakad na palayo si Cassandra sakin. "I will take that as yes!"  Sumunod ako kay Cassandra papunta sa kotse nya. Wala ng salita na sumakay ako sa kanyang sasakyan. Ewan ko ba pero i felt safe and happy with her. Weird right? The heels and the aspalto thingy is based on my own experience. Lol. Anyway, what do you guys think? Please don't forget to vote. Salamat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD