Lahat kami ay nakatayo sa gitna ng klasrum habang nakablind fold. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman namin dahil sa mga pakulo ni Sir. Soltones. Nagbubulungan sina Ava at Maya samantalang ako ay tahimik lang at nagdadasal na sana wag ako mapunta don sa mga classmates kong lalaki lalo na kay Cassandra.
"Okay class," Panimula ni Sir. Soltones. "Pwede na kayong maglakad lakad at magikot ikot just be careful and no talking," As if on cue, nagumpisa na kaming lahat maglakad, kumapa kapa na parang mga bulag. "At kung sa tingin nyo ay natagpuan nyo na ang gusto nyo maging partner para sa gagawin nating project ay pwede nyo ng tanggalin ang blindfold na nasa inyong mukha,"
Hindi naman kalakihan ang room kaya ilang minuto lang ay may biglang humawak sa mukha ko. Ang gaspang ng balat, so im sure na lalaki ito. Gusto ko mang magsalita pero hindi pwede dahil kung hindi ay daretchong flat one ang grade ko. Dahil sa La Salle kapag flat one ang grade ay ibig sabihin nito ay nangunguna ka, nangununang bagsak o pasang awa. Inis kong tinabig ang kamay paalis sa mukha ko and to my surprise tinulak nya ako na muntik ko namang ikatumba mabuti nalang at may nakasalo sakin kundi baka nakahilata na ako sa sahig.
"Class please no pushing," Paalala ni Sir. Soltones. Sya pala ang nakasalo sakin. "Go on,"
Tumango ako bago naglakad ulit, ginagalaw ko rin ang aking mga braso to know if meron bang tao sa paligid ko. Napahinto ako sa paglalakad na may bumangga sakin at maya maya pa ay hinawakan nito ang kamay ko.
Okay Aubree, let's do this para matapos na. Bulong ko sa aking sarili.
Iniangat ko aking ang kamay at dinala sa mukha ng kung sino man ang nasa harapan ko ngayon. Nakapa ako ang mahaba nitong buhok. Mmm. Okay, it's a girl. Sunod naman ay hinawakan ko ang kanyang pisngi, napakalambot at makinis ng balat nya. I even trailed my thumb against her bottom lip, gosh it's even more softer.
"Okay, tanggalin mo na ang blind mo." Tapik ni Sir. Soltones sa balikat ko. "You already have a partner,"
Meaning nagtanggal na ng blindfold kung sino man tong nasa harapan ko. So no choice na ako. Tutal girl naman sya kaya okay narin ako. Dahan dahan kong tinanggal ang blindfold, i blinked multiple times para tanggalin ang panlalabo ng paningin ko. I'm hoping for Ava or Maya then i will be— Pakiramdam ko bumagsak ang buong mundo sakin when i saw kung sino sya. Sino pa ba? Edi si Cassandra. Though she is not looking at me but i know her face is red for whatever reason.
So... We just... Stood there saying nothing and in pure awkward silence.
After few minutes lahat kami ay meron ng partner. Si Maya ay partner ang kaibigan ni Cassandra kaya hindi maipinta ang mukha nito because i know how much she hated that girl. Samantalang ang kay Ava naman ay ang kilalang nerdy ng school namin and i think wala naman syang problema don. Pero kung tutuusin wala sila kung ikukumpara sakin, kung bakit naman kasi sa dinami dami ng pwede kong makapartner si Cassadra pa diba? Don pa talaga sa tao na kahit sa hinagap ay hindi ko maisip makasama ko. Oh life, why? What did i do to you?
"Lahat kayo ay may partner na," Wika ni Sir. Soltones habang nakatingin sa laptop nya. "I will give you guys this special project at kapag nagustuhan ko ang gawa nyo ay pasado na ang grade nyo sakin this semester at siguradong gagraduate kayo,"
Napatingin ako kay Cassandra ng marinig ko syang bumuntong hininga ng malalim. She looks so bored amd agitated. Well, alam ko naman na ayaw nya ako maging partner, pero pareho lang kaming wala ng magagawa or else sa kangkungan kami pupuluting dalawa.
"Gusto kong gumawa kayo ng documentary about happiness," Anunsyo ni Sir. Soltones.
"Happiness?" Tanong ni Maya.
"Yes," Tumango ang professor namin. "Any kind of happiness, whatever your interpretation about happiness is."
"Power point or video documentary?" Tanong ng kaibigan ni Cassandra na hanggang ngayon hindi ko pa alam ang pangalan.
"Good question," Tumayo si Sir. Soltones. "Video documentary," Naglakad sya sa gitna ng klasrum. "And starting today, mauupo na kayo sa tabi ng partner nyo, wala ng magpapalit ng partners kung ayaw nyong mabigyan ng uno."
Napatingin ako kay Cassandra, wala syang kibo. Hindi sya nagsasalita. Napakalamig ng facial expression nya. She is a woman of few words. No wonder kung bakit sya ang binansagang Ice Queen.
"Please don't look at me," Bulong ni Cassandra sakin na sobrang hina halos sa hangin nya nalang ito sinabi. Hindi rin sya tumitingin sakin kundi darercho lang sa white board.
Mabilis pa sa alas kwatro akong umiwas ng tingin. My cheeks were hot and red. Mabuti nalang at maagang nagdismiss ng klase si Sir. Soltones kaya agad akong lumabas kasama sina Ava at Maya. Dumaretcho kami sa small garden ng school na madalas na tambayan namin kapag ayaw pa namin umuwi.
"Namumutla ka ata Aubree, okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Ava sakin ng makaupo kami sa favorite spot namin malapit sa fountain.
"Oo okay lang," Pilit ngiti ko na sagot.
"Sumama ata pakiramdam dahil si Cassandra ang nakapartner," Panunudyo ni Maya.
"Parang ikaw hindi ano? Kapartner mo nga yung pinaka kinaiinisan mo na tao dito sa school aside from the Ice Queen." Sabi ni Ava na may kasamang pag ikot ng mata.
Pero imbis na mainis ay agad na niyakap ni Maya si Ava. "Selos ka naman."
Natawa si Ava. "Bakit naman ako magseselos aber?"
"Dahil you love me nga,"
"Hay nako Maya, wag mo nga akong ma you love me, you love me. Baka may makarinig pa sayo at kung ano pa isipin." Saway ni Ava.
Minsan naiinis na ako sa dalawa na to. Obvious na obvious naman na mahal nila ang isa't isa bakit hindi pa umamin para mapadali na ang lahat. I don't have problems with gay and lesbian dahil si Ate Averi nga mismo ay lesbian. Pero syempre hindi ko naman sila pwedeng pwersahin basta kung ano man ang mangyari ay susuportahan ko silang dalawa.
"Anyway girls," Pukaw ko sa atensyon nina Ava at Maya. "May lakad ako mamaya,"
"May date kayo ni Bren no?" Nakangiting tanong ni Maya sakin. Of course she will think that way dahil alam ko na matagal na syang boto kay Bren for me.
Umiling ako. "Yes we are going out but it's not a date okay," Porket lumabas ang isang babae at lalaki ay date na agad, hindi ba pwedeng magkaibigam lang? "Meron syang live interview sa isang show and Bren asked me to be there, you know a support."
"Whatever Aubree," Kibit balikat na sabi ni Maya. "Just don't give him a false hope kaya hindi sya umaasa,"
"Hey, I was not." Katwiran ko. "Matagal ko ng sinabi sa kanya na hanggang magkaibigan lang kami,"
"Pero si Bren hindi ata alam ang salitang pagsuko," Dagdag ni Ava. "Pero Aubree," Napatingin ako sa mga kaibigan ko. "Bakit nga ba hindi ka pa ulit nagkakaboyfriend after ni Grae?"
"Ayaw ko muna ng sakit ng ulo," Matabang pero totoo ko na sagot.
Hindi naman ako nagmamadali magkaroon ng karelasyon or what. Mas gusto enjoy ko lang talaga ang mag isa ngayon. Malaya kong nagagawa ang mga bagay na gusto kong gawin ng walang magbabawal, magagalit o magseselos.
Marami pa kaming napagkwentuhan na magkakaibigan tungkol sa mga walang kwentang bagay habang naguubos kami ng oras until we bid ggoodbe at naghiwalay na kami ng daan para umuwi. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo sa school ng biglang tumirik ang sasakyan ko, mabuti at kahit pano ay naitabi ko pa ito sa gilid ng daan to avoid inconvenience.
Lumabas ako ng kotse para tignan kung ano ang porblema. I cursed under my breath ng makita ko na flat ang isang gulong ng sasakyan ko. Wala pa akong spare tire, lalong lalo ng hindi ako marunong magpalit nito. Also, i was trying to call ate Averi to come and pick me up but she didn't pick up the phone.
"Hey, do you need a help?"
I turned around and saw a black honda civic car sa harapan ko. Nasa loob ang isang babae, magandang babae na nakaupo at ngiti sakin. She is familiar to me pero hindi ko lang matandaan kung saan at kung kailan.
"No, thank you. I will take a cab." I politely decline her offer. Mahirap ng sumama sa tao na hindi ko naman kilala.
Bumaba ang babae mula sasakyan nya at lumapit sakin. I could not deny that she is really pretty at sexy sa suot nyang floral baby blue dress at sandals.
"I'm sorry but i insist," Nakangiti nitong sabi sakin. "Madilim na at maraming loko dito sa taft," Tumingin sya sa paligid. "Beside.." Ibinalik nya ang mata sakin. "I can't just leave a beautiful girl here,"
I don't know but it makes me smile.
"For a stranger, you have a flowerful mouth." Naiiling ko na sabi.
"I was only telling you the truth," Sabay lahad ng kanyang kamay sakin. "Anyway, I'm Alice John."
Hearing her name makes me realize who she really is. "Oh gosh," I gasped. "You are the singer of Colors of you!!" Kaya naman pala super familiar sya sakin dahil madalas kong pinanunuod ang Music Video ng napakasikat nyang kanta na Colors of you.
"Tara na, hantid na kita sa inyo." Aya nya sakin.
Hindi na ako nagdalawang isip na sumama, hindi dahil sa sikat sya kundi dahil alam ko na wala syang gagawin na masama sakin. Okay naman syang kausap, very talkative and funny. Alice is still studying in College and like me graduating narin sya. Hanga ako sa time management na ginagawa nya dahil nababalance nya ang career at pag aaral.
"Oh really you like photography?" Magiliw na tanong sakin ni Alice habang nagmamameho sya. Medyo malapit narin kami sa Village kung saan ako nakatira.
Tumango ako. "Oo pero mukhang ang photography ang walang hilig sakin,"
Napatingin si Alice sakin. "Why is that?"
"Well, kahit kailan, ni isang beses wala pa akong naipapanalong contest." Natatawa ko na sagot. "So, maybe my friends are right na hindi yun ang para sakin," Nakita ko ang bahay namin. "Paki hinto nalang sa gilid," Turo ko kay Alice at ng tuluyan na nyang maitabi ang sasakyan ay kinuha ko na ang gamit ko. "Thank you so much Alice,"
"You are welcome. I'm glad i helped you." Wholeheartedly na wika ni Alice. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan nya at maingat na lumabas. Pero bago pa ako makalakad ay narinig ko na ang kanyang boses. "Hey. Wait!" Binuksan ni Alice ang bintana ng kotse. "I.. I forgot to ask your name..."
I gave Alice a huge smile. "Aubree,"