Huwebes ngayon at ang ibig sabihin nito ay Happy Thrusday. The most awaited day of the week naming mga estudyante dito sa La Salle. Ito kasi ang araw na pwede kaming mag unwind, relax at magparty pagkatapos ng stressful week of school. It is the time when we go out, have drinks or even just chill with friends. Syempre yung iba more than that ang ginagawa at yan ang iniiwasan kong mangyari sakin. Mabuti nalang rin at matitino itong mga kaibigan ko. Yes, we drink but not too much. Alam namin ang limitation pagdating sa alak at party. Para kaming Charlie's Angels pagpasok namin sa bar na madalas naming puntahan na tatlo. Sabay sabay kaming naglakad, kaway dito kaway doon sina Ava at Maya na parang mga tatakbo sa pulitika samantalang ako ay daretcho lamang tingin with my straight face.