One hour. One hour na akong naghihintay dito sa school pero hanggang ngayon wala parin kahit anino ni Cassandra. Ngayong araw kasi ang usapan namin umpisahan ang special project kay Sir. Soltones. May ideya narin ako kung saan kami pupunta para makapag video documentary. Anyway, mukhang sasakit ang tiyan ko nito dahil nakakailang baso na ako ng milk tea para lang hindi mainip. Kabisado ko na nga yung commercial na pinalalabas sa tv sa tagal ng paghihintay sa babae na yon. Isang buntong hininga pa at walang ingay akong tumayo bitbit ang bag ko. Naghintay lang ako sa wala. Umalis ako ng cafeteria at naglakad sa hallway na napakaraming tao dahil break time na. Nasayang lang ang oras ko, nasa bahay sana ako ngayon at nakahilata sa kama habang nanunuod ng Netflix. Sumakay ako ng kotse at n