[Charm's POV]
Nanatili akong tahimik habang yakap ako ng matipuno at nakakatakam niyang bisig. I could smell his mint mixed with cinnamon scent, lalo na't halos nakasubsob na ako sa dibdib ni Primo.
Hindi ko malaman kung bakit nakakahinga pa rin ako sa ayos naming ito. Kanina ko pa siya tinatanong kung hanggang kailan kami magyayakapang dalawa. Possible pa bang matapos ang kalbaryo kong ito?
Nakakahiya na kasi.
Oo, nahihiya ako dahil hindi ako sanay na yumakap sa isang hambog at mahanging lalaki.
Primo is a tall guy. I think he's 6'1 kung kaya naman hanggang balikat lang ako nito. Bagay na bagay sa slim nitong katawan ang height niya. Mas lalo siyang nagmumukhang maangas sa paningin ng lahat kahit sa tingin ko ay hindi nito kayang tapatan ang kakisigan ni Brad Pitt. Parang ayoko pa nga siyang hawakan kanina kung kaya naman siya na mismo ang yumakap sa akin.
Kinabahan ako nang maramdaman ang mabilis na kabog ng dibdib ni Primo, I don't know what he's thinking. I really couldn't understand him at all. Pero mukhang hindi naman puso ang kumakalabog sa kaniya kung hindi lungs. Wala naman kasing puso ang lalaking ito, e.
Natuldukan ang malalim kong pag-iisip nang magsalita siya.
"Act as if you're shock. Kung pwedeng umiyak ka, umiyak ka. Understood?"
I raised an eyebrow at him. Bakit naman ako magpapanggap na gulat? Ano ako baliw? I'm an international supermodel not an actress.
An insulting smirk escaped my lips as I touched his hair using my fingertips. Saka ko inilapit ang aking mukha sa tainga nito para tuksuhin siya. Ramdam ko namang naapektuhan ito dahil bahagyang lumalim ang hininga niya. I even caught his adam's apple moved gradually.
I gave him my greatest wicked smile.
I won't lose to him. Never!
"You know, Honey? Ang epal mo masyado. You're such a jerk!" sabi ko na mukhang ikinagulat niya.
Tawang-tawa naman ako dahil walang tigil ang pagkuha ng footage ng media.
Psh. Akala siguro nila sobrang sweet naming dalawa sa isa't isa. 'Yon pala nagbabangayan lang kami dito.
"Are you tempting me? Do you want me to remove this clothes?" Bigla niya akong hinigit habang seryosong nakatingin sa aking mga mata.
Naramdaman ko ang paghawak nito sa lace ng aking damit. His hand...it's traveling down to my back. Gosh! Nababaliw na ba talaga ang lalaking ito?!
Hindi ko napigilan at namilog ang mga mata ko habang nakatitig dito. He's now caressing my back for goodness sake!
Manyakis talaga ng taong ito! Isang malaking kalapastanganan ang ginagawa niya sa akin!
Napalunok ako when I felt him touching my shoulder nib. He's casually rubbing it in a sensual manner na para bang ano mang oras, itatapon niya ako sa kama at may gagawin itong masama sa akin. Para akong kinukuryente ng mapaglaro niyang mga kamay.
"I think it's the perfect moment to tell everyone that we are getting married on June," nakangiti niyang sambit. Parang sinadya pa nitong lakasan ang boses niya saka lumingon.
"The most beautiful lady in front of you will be the next queen of the Rivera Clan. She'll be my bride sooner or later."
Napasinghap ako.
The nerve of this guy!
Anong pinagsasabi niya?
"Hindi naman iyan kasama sa napag-usapan nating dalawa, 'di ba? Hoy, Primo! Wala namang ganyanan!"
Wala na akong pakialam kahit pa marinig ng media ang mga pinagsasabi ko ngayon, ang mahalaga huwag akong sirain ni Primo.
Kahit kailan wala talagang awa ang lalaking ito! Maayos naman ang usapan naming dalawa at binibiro ko lang naman siya.
Wala kaming ibang gagawin kung hindi patunayan sa isa't isa ang mga kakayahan namin. Pareho naman kaming makikinabang sa nangyayari ngayon at alam kong alam niya 'yon.
So, why is he telling the world that we're getting married?
"We're engaged," anito saka itinaas ang singsing na pruweba ng deal naming dalawa. "Mas pinili lang naming isekreto ang lahat hanggang sa makapili kami ng wedding date."
"What?!" I freaked out.
Pinanlakihan ko ito ng mata. Gusto ko na siyang sapukin nang malakas ngayon. 'Yong tipong matatangal ang ulo niya sa isang hampas lang.
Tiningnan niya ako nang makahulugan. Then he released a soft chuckle in front of me like he's enjoying what he's doing.
"I said..."
His jaws gritted.
Nakakatakot talaga siyang tingnan.
"I said you'll marry me," madiin niyang sambit.
Napatutop ako sa aking bibig sa sobrang pagkadismaya. Hindi ko alam kung makakapagsalita pa ba ako dahil sa mga biglaan niyang plano. Halos magwala na din ang media sa likuran namin dahil sa bago at mainit na balitang nalaman nila.
If this is what it feels like to live with the most perfect man on Earth, kahit huwag na lang. Mas gugustuhin ko pang maging single habambuhay kesa mapangasawa ang isang Primo Rivera!
Humugot ako ng malalim na hininga nang maramdamang nanginginit ang mata ko. Ramdam na ramdam ko ang luhang nangingilid at nagpapabigat sa aking mga talukap.
Sa mga oras ito, naiiyak na talaga ako.
Naiiyak ako at alam kong hindi ito tears of joy. Hindi ako masaya sa anunsyo ni Primo. Pakiramdam ko gumuho ang mundong pinaghirapan ko sa loob ng mahabang panahon.
Naluluha ako sa inis! Inis na inis ako sa lalaking nasa harapan ko!
"This will be a good shot! The bride to be is shedding tears of joy. Sobrang saya niya dahil ikakasal na sila ng isang Primo Rivera. Bagay na bagay naman talaga silang dalawa sa isa't isa. They're a match made in heaven, mga ka-beshy heart!"
Gusto kong tapunan ng heels ko ang babaeng reporter. Ang kakapal ng mga mukha nilang sabihin na masaya ako sa mga nangyayari.
Hindi ako masaya!
Nagluluksa ako!
***
"You broke the rules, Primo. Wala sa usapan natin ang ginawa mo!" I said as I gathered my things and went to my room without looking at him.
Hinatid niya ako galing sa party at nangyari na ang bagay na ayaw na ayaw kong mangyari, nalaman niya na rin ngayon kung saan ako nakatira. Kaya niya na akong guluhin ngayon kahit kailan niya gustuhin.
I felt disgusted. Naiirita na talaga ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha nito. Sino ba kasing may gustong maging fiancé ng isang tulad niya?
"I agreed for us to pretend as lovers, but marriage? Below the belt na ang gusto mo. Bakit hindi mo na lang kasi amining may gusto ka sa akin kaya mo ginagawa ang mga bagay na ito. Gumagawa ka lang talaga ng paraan para mapasa'yo ako."
I slammed the door.
Wala na talaga akong aasahan pa sa lalaking 'yon. Unang party pa lang na dinaluhan namin mukhang susuko na ako agad. Hindi naman kasi dapat pabigla-bigla ang mga desisyon niya. Dapat tinanong niya muna ako at kapag pumayag na ako, saka namin gagawin.
After few minutes, I heard a loud knock on the door. Napairap ako. Ano na naman kayang kailangan niya sa akin?
I cleared my throat.
"What do you want?"
Hindi ko pa sana siya pagbubuksan ng pinto kaso baka masira ang pinto sa lakas niyang kumatok. Bumungad naman sa akin ang isang Primo Rivera na sobrang lapad ng ngiti. I could even see his eyes getting smaller and smaller dahil sa ngiti niya.
What the heck, Charm! Nagdurusa ka habang ang saya naman ng lalaking kinaiinisan mo.
"Suko ka na ba?"
He grinned at me.
Napakunot-noo ako dahil sa tanong niya. Ako sumusuko? Hindi ko ugaling sumuko!
"Answer me then talo ka na at kailangan mo akong bayaran kapalit ang katahimikan ko," I gasped as I felt him walking near me.
Nakakatakot na nga siya habang yumayakap ito pa kayang lumalapit siya sa akin. At ang mas nakakatakot pa doon, we're in my room...and it's just the two of us.
Napaatras ako habang papalapit naman siya nang papalapit sa akin. Mahabagin! I think I need to call all the saints now. I need someone to save me from this jerk!
Naramdaman kong napasandal ang likod ko sa malamig na dingding habang nakakulong ako sa bisig niya. Gusto kong mapaupo na lang sa sahig nang maramdaman kong nilalapit nito ang mukha niya sa tainga ko.
"I asked you to act as my girlfriend and live with me, so that involves marriage and—" he stopped.
Hinarap niya ako, naramdaman ko na lang na lumapat ang ilong niya sa ilong ko. "Marriage and s*x, Ms. Fierro."
Napalunok ako. Mukhang may bumara yata bigla sa lalamunan ko.
"Why so silent? Baka gusto mong halikan pa kita para makapagsalita ka?"
Paksyet ka talaga, Primo! Siguro noong umulan ng kabulastugan, ikaw lahat ang sumalo. Pati kamanyakan na sa'yo na rin lahat!
Pinilit kong ilayo sa kaniya ang pagmumukha ko, alam ko naman kasing hanggang threat lang siya at hindi niya gagawin iyon. Tanga lang ang maniniwalang m************k sa aking ang lalaking ito at lalo na ang kasal.
Pero nanlaki ang mga mata ko when I felt him ravaging my lips. Hindi ako makagalaw, kung hindi naramdaman ko na lang na unti-unting pumipikit ang mga mata ko dahil sa sobrang gigil niya.
Ni hindi ko siya naitulak kasi nanatili sa gilid ang mga kamay ko at para bang nakalimutan na ng mga ito kung paano gumalaw.
Damn it, Charm! Sampalin mo siya! My thoughts started screaming when I felt him nibbling my lower lip.
Humanap ako ng hangin pagkatapos niyang pakawalan ang labi ko nang magawa ko siyang maitulak ng malakas. Nakatingin pa rin ang mga mata niya sa akin na may halong pang-aasar.
Kinagat ko ang labi ko.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Bakit pakiramdam ko, ang sarap niyang humalik?
Napatingin ako sa kaniya habang kagat-kagat ko ang lower lip ko. Gosh! Nawala yata ang kadaldalan ko dahil sa ginawa niyang 'yon.
His soft lips made me speechless. I can't even utter a single word because of what he did. Hindi ko din siya masampal dahil sa matinding panghihinang nararamdaman ko.
"I know you don't want me to cancel the wedding now," he said with a sarcastic tone.