Chapter 9 : Jealousy At Stake

1515 Words
[Charm's POV] I won't do that. Bakit pa tayo magpapakasal kung iiwan din kita? Tumingala ako kay Primo. Nakangiti siya pero bakas sa mukha niya ang pagseseryoso. Alam ko maging ang pinakamatapang na tao sa daigdig ay takot din sa sarili nitong kamatayan. Primo is also afraid of death hindi niya lang masabi ng diretso. "I just want to oblige myself to assure your safety Charm. Gusto kitang protektahan." Madiin niyang sinabi. Gusto niya daw na maprotektahan ako. Kung sana kasama na din doon ang mahalin ako. That would be better. I'm not a quitter. Siguro hirap akong magmahal pero hindi naman ako nangiiwan. Nalaglag ang panga ko. Napatulala lang ako sa kanila, gusto kong mapakamot sa ulo ko. Totoo bang sinasabi sakin ni Primo to? Starting this day, you're a part of me and I'm a part of you. I'm not going to share you with anyone. Understand? Wala nang naging kasing init ng pisngi ko. Pinilig ko ang ulo ko at kinagat ang labing kong may pink lipstick. Napatingin ako sa mga mata niya, ang aga aga namang kumikintab ng mga ito. Mabuti nalang talaga at kumuha siya ng juice and chicken sandwich kundi natuyo na ang lalamunan ko dito. Nilakihan ko nalang ang kagat ko para di niya mapansing I'm blushing. Anytime now, sasabog na ako sa kilig. Napalunok ako. Shete ang dami naman ata ng nakain kong yun. I stared at him before I spit my question. Sigurado ka ba dyan? Handa kang mamatay para lang matulungan ako? Ready ka din bang tulungan akong pabanguhin ang pangalan ko? You are an investment on our company. That's why I need you. Hindi na ako umapila kay Primo. Totoong malaki nga naman ang matutulong ko sa kanila. At siguro nga ito lang ang papel ko sa buhay niya, ang gamitin ang pangalan ko para mas umunlad ang endorsement ng women line nila. Binalot kami ng katahimikan. Mukhang hindi ko ata makakalimutan ang sinabi niyang yun. Masakit konti pero kaya naman. Wala namang mahirap sa love kapag gusto mo di'ba? Picture nga nadedevelop, pagmamahal pa kaya. Ako na ang sumira ng katahimikan naming dalawa. Primo? Pwede bang mag invest sa buhay mo? Ilang minuto na ang nakalipas at hindi parin siya nagsalita. Hahaha. Joke lang naman. Tinapik ko siya sa braso. Ang sama naman agad ng tingin niya sakin. Ewan ko kung dahil ba sa tanong ko o sa pagtapik ko sa kanya. Nakita kong suminghap siya. Napangisi siya nang hilaw nang nakita ang disappointment sa mata ko habang kumakain, "No offense Charm. Are you in love with me? nasamid ako. Kinabahan agad ako. Hindi agad ako nakapagsalita. Natawa naman siya. Heto na naman ang tawa niyang nakakainis. See? Nahirapan kang sumagot. How can I allow you to invest if you don't even love me? Parang negosyo lang yan Charm. Interest first before investment. But Nag iwas ako ng tingin. Gusto ko pa sana siyang sagutin pero alam kong hindi pwede. Once na sumagot ako baka kung ano pang masabi ko. Baka mamaya umamin pa akong nagugustuhan ko na siya. Ang lamig ng titig niya sakin habang hawak hawak ang remote. Seryoso at nakakagwapo pa lalo. Nakaka loose thread ng garter nung tumawa na siya ng walang dahilan. Bumaling ako sa kanya at tinitigan siya ng matatalim. Anong kayang tinatawa tawa nito? "Gusto ko lang sabihin sa'yo Charm that I'm manipulative. Kapag nakapag invest ka na sa buhay ko matutulad ka na sa tv na yan. Napatingin ako sa tv at napabaling muli sa kanya.I'll be the remote control of your life. Kapag sinabi kong hubad, maghuhubad ka. Kapag sinabi kong ipagluto mo ako, magluluto ka. Kapag sinabi kong alagaan mo ako, aalagaan mo ako at sa ayaw mo't sa hindi. And when I said I love you, you are obliged to say I love you too. Youll be mine forever." Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. At ayun na naman ang kumakalabog kong puso. Nakakabingi. Hindi ko alam kung may masasagot pa ba ako sa sinabi niyang yon. I just inhaled. "Hmm. Kapag ba nag invest ako may makukuha akong tubo? I mean revenue?" tinaasan ko siya ng kilay. Kitang kita naman ang pagkabilib sa mga mata ni Primo. Kung business minded siya, syempre magiging wais na din ako. "I can give you money. I can give you a dream-like life. Sky is the limit." Nakataas ang kanyang kilay niya at nakangisi habang inaabangan ang magiging reaksyon ko. "So?" Pahabol niya. I draw a deep breath. Mukhang ngayon ko palang makikilala ang tunay na Primo. Yung mayaman at akala lahat ng bagay ay kayang makuha ng pera. One that is business minded, at akala lahat ng bagay nadadala ng diplomasya. "What about a romantic life? Kaya mo bang ibigay yun sakin?" Kinilabutan agad ako sa naging tanong ko. Home is empty without love. Sabi pa nga nila. Ngumisi si Primo at bumaling sakin. "Uso pa ba yun?" Tumatawa siya. Nilingon ko siya at nagkasalubong ang kilay ko nang nakitang nakangisi siya at tawa pa rin ng tawa. "Love is not a joke Primo. It's a serious matter." Sumeryoso ang mukha niya. Lalo naman ako. "Sorry. Dati kasi sa tingin ko Charm, love is just a game. Falling is losing and breaking someone's heart is winning. Ganun lang kasi ang ibig sabihin nun dati. Nag iba lang naman ang ibig sabihin nun simula ng makilala kita." Napalunok ako doon at agad naghuramentado ang puso. Mas naging busy ang mga sumunod na araw para sa aming dalawa. Panay ang photo shoot namin para sa women's line nina Primo, minsan para sa international endorsement ko, mga press conference at parties na kasama si Primo. Madalas na din kaming nag me-meeting para sa mga plano ng companya nila. Syempre hindi na pumapalya ang mga body guards nito, palagi na silang nakapaligid sakin kapag hindi ko kasama si Primo sa lakad ko. Palagi ko naman pinapaalalahanan si Primo na ingatan ang balikat, baka kasi mamaya mabinat ito sa dami ng ginagawa niya. Sabi ko sa kanya wag muna siyang pumunta sa construction nila dahil sa sobrang init at sa mabibigat na trabaho. Bawal siyang humawak ng martilyo o kahit ano. Doon nalang siya sa kabilang office nila at tumulong sa pag iisip ng strategy para sa launch ng women's line nila. Are you okay? Tumango si Eyel at nakita kong napapunas siya ng pawis niya. She's an American, kasama ko sa shoot para sa magiging billboard ng RWL. As far as I know, mahal ang bayad sa kanya ng organizer dahil sikat din naman siya tulad ko. Pero hindi kasing laki ng bayad sakin kung iisipin. Nakakakuha lang sila ng 50% discount dahil sa status namin ni primo. I'm sorry about the climate." Kinagat niya ang kanyang labi at uminom na lang ng malamig na tubig. She gave me a sign kaya ngumiti nalang ako. Kahit kasi nasa loob kami ng set ay sobrang init. Hindi na ata kayang masustain ng aircon ang init ng lugar. Oh! Someone's here. Sabay kaming napalingon pagkatapos sabihin yun ng organizer. Tumulo naman bigla ang pawis sa mukha ko. Parang mas lalo atang uminit dito. Dinig kong tumikhim si Eyel. Kinagat niya ulit ang labi niya pero this time nakatingin na siya kay Primo. Parang may halong lagkit ang mga mata niya. Ibang klase talaga ang appeal ng magiging asawa ko. Tumalab ng sobra sa mga foreigners. Heavy! Ngumiti nalang ako at kumaway kay Primo. I saw him smiled at me. Hinarap naman ako ni Eyel. I saw frustration in her eyes. Tumayo nalang ako sa kinauupuan ko at masiglang sinalubong si Primo sabay halik sa kaliwang pisngi niya.Eyel, I know you already know Primo. He's my fiance Ngumisi ako. After akong ayusan ng make-up artist at mapalitan ng stylist ang outfit ko napabaling muli ako ng tingin sa kanina pang nakaupong si Primo sa may gilid. Napalingi lingi nalang ako ng makitang walang Primo doon. Kaasar naman. Saan kaya pumunta ang lalaking yon? Hinanap muli siya ng mga mata ko pero wala akong nakita ni anino niya. "Hinahanap mo yong hari mo queen?" Tapos may biglang umakbay sa akin. Napatingin ako sa kanya. Ang laki ng ngiti ng organizer namin. There he is, saving another princess. Napatingin ako sa tinuturo niya sa gilid dahilan kaya parang may itim na telang sumaklob sa mundo ko. Parang may kung anong electric current ang dahan dahan pumasok sa kalamnan ko. Causing my body to scream and heat up. I saw Primo there together with Eyel. Hawak hawak niya ang bewang nito at may pahimas himas pang naalaman. Inaalalayan niya habang naglalakad sila kaya sobrang landi naman ng pagkakahawak sa kanya nung Amerikana. Nabibwisit ako. "Bitaw nga sir!" Pilit kong inaalis ang pagkakaakbay niya sa akin ng organizer namin pero lalo lang niyang hinihigpitan. Binulongan niya pa na hahawakan niya daw ako dahil baka hindi ako makapagpigil at putulan ko ng paa ang higad na yun. This gay is looking at me at mukhang amused na amused siya. Wala akong nagawa kundi mapabuntong hininga nalang habang hinihintay na umabot sila Primo sa kinatatayuan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD