Kinabukasan… Maagang nagising si Lucky ng araw na iyon. She decided to wake up early dahil gusto niyang kausapin si Daniel sa nangyari sa kanila kagabi. Hindi na napigilan ni Lucky ang mapangiti nang maalala niya kung gaano namula ang buong mukha ni Daniel nang aksidente itong napadagan sa kanya. He looked so cute! Nang makarating siya sa kusina ay agad niyang naabutan doon si Manang Ising. “Ah,Magandang umaga, Lucky. Tamang-tama lang ang gising mo. Nakapagluto na ako ng almusal. Kumain ka na, hija.” ang yaya sa kanya ng matanda. “Magandang umaga din po,Manang Ising. Nasaan nga po pala sina Daniel,Lilet at Ampuchong? Nag-breakfast na po ba sila?” ang tanong ni Lucky dito. “Naku,madaling-araw pa lamang ay gising na si Daniel. Alas-kuwatro pa lamang n