Every weekdays ay tuloy ang pasok ko. Habang ang weekends ay kinasanayan kong kasama si ninong. Si Kuya Yze ang madalas kong kasamang umalis ng bahay, dinadala n'ya ako sa Hombre Fuerte Homes. Saka iiwan kay ninong. Ito iyong lalaking may 'girlfriend' daw, pero sa akin inuubos ang weekend n'ya. Kaya mas lalong tumatak sa isipan ko na wala talaga siyang girlfriend. Kaya mas lalo lang akong na fall sa kanya. Nakayapak na pumasok ako ng kusina. Busy si ninong na nagluluto kaya naman dahan-dahan akong lumapit dito saka mabilis na yumakap. "Good morning, Ninong." Bati ko sa kanya. Dito ako natulog sa mansion n'ya. Ang buong akala ng magulang ko ay sa bahay ako ni Kuya Yze naglalagi ng weekends. Pero hindi. Hindi ko alam kung ano ang naging usapan ni Ninong at Kuya Yzekiel. Pero naging ganit