24

2036 Words

"Thank you sa paghatid, Kuya Kid." Malawak ang ngiting ani ko sa lalaki na kabababa lang ng sasakyan. Nagpahatid ako ng extrang gamit namin nila mommy. Kasi extended daw ang pananatili rito. Kinuha muna ni Kuya Kid ang dalawang maleta sa likod ng sasakyan. Akmang tutulong pa nga ako, pero hindi n'ya ako pinayagan. "Ang prinsesa ay hindi dapat pinapagod." Sabay ngiti nito. "Naku! Hindi ako prinsesa." "Prinsesa kita." Natawa ako sa banat nito. "Tara, ihahatid ko na ito sa room mo." Pinalipat na ako ng room. Katabing kwarto lang din naman no'ng una. Kaya nang inakyat namin ay kumatok lang si Kuya Kid sa room nila mommy. Tapos ako naman ang nagpasok na ng isa pang maleta kung nasaan ang gamit ko sa inuukupa kong silid. Nang lumabas ako'y naipasok na rin kina mommy iyong maleta nila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD