23

2133 Words

Maingat akong naglalakad sa buhanginan habang tinatanaw lang ako ni Kuya Kid. Sabi ko sa kanya na gusto kong maglakad-lakad sa dalampasigan. Pinagbigyan naman ako nito, nakainom ako. Pero hindi ibig sabihin no'n na lasing ako. Kaya pa ng katawan ko. Kaya pa rin naman ng isip ko. Pero napatanong ako... kaya pa ba ng puso ko? Ilang taon na akong nasasaktan. Alam ko namang hindi healthy iyong love na meron ako kay ninong. Kasi sobra-sobra akong nasasaktan. Sarili ko lang din talaga ang dapat kong sisihin. Ayaw na nga, ipinilit ko pa. Masakit na nga... sige pa rin ng sige. Para akong nauupos na kandila na sumalampak sa sa buhanginan. Tumanaw sa madilim na karagatan. Kasi kahit kalangitan ay waring nakikisama sa nararamdaman ko ngayon. Thankful kay Kuya Kid na hinayaan n'ya akong mapag-isa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD