"Gusto mo bang puntahan ka namin d'yan?" concern na tanong ni Isabella habang magka-video call kaming tatlo. Araw ng linggo. Wala akong lakas ng loob na lumabas. Malinaw pa sa utak ko iyong panganib na nasuong namin ni Kuya Kid kahapon. Nakapagpahinga naman ako, salamat sa magulang ko. Pero kahit gano'n ay parang drain na drain pa rin ako. "I'm tired. Sa school na lang tayo magkita-kita bukas." "Okay. Magpapahatid na lang ako ng cheesecake. Alam kong comfort food mo iyon." "Salamat, Isabella." "Bit, ako nagprisinta na kina mommy na rito lang muna ako sa bahay." Seryosong ani ni Shengsheng. "Natakot ako sa nangyari sa 'yo. Malaki rin kasi ang possibility na maranasan ko iyan. Lalo't magala ako. Kaya nangako talaga ako na rito lang muna ako." Napabungisngis ako. "Talaga? Sure ka?