Maaga akong nagising dahil nga pilit kong tinatapos ang kwento na isinusulat ko para nga agad ko ng maipasa sa tv station na siyang may pakana ng contest.
Mabuti ng maaga kong matapos bago ang petsa ng deadline para hindi ako gahulin ng oras kakahabol ng mga kailangan ko pang idagdag na eksena.
Dahil maaga pa naman ay kailangan ko munang mag-unat-unat ng katawan para sa maghapon ko na naman na pag-upo at pagtipa ng mga letra.
Maliwanag na rin naman sa labas ng bahay kaya naisipan ko ng lumabas at saka ko kinuha ang walis tingting na nakasandal lamang sa isang puno ng mangga sa gilid ng aming bahay.
"Good morning, Miss."
Sa seryoso kong pagwawalis ng mga tuyong dahon na mga nakakalat ay isang boses ng babae ang aking narinig.
Itinaas ko naman ang aking ulo na nakayuko kanina at saka ko hinanap ang pinanggalingan ng tinig.
Isang babae ang ngayon sa akin ay nakatingin at nakangiti.
Hindi ko siya kilala at sigurado ako na ngayon ko lamang siya nakita.
"Nagulat yata kita, Miss. Ako ang bagong tenant sa apartment," aniya sa akin.
Napatango-tango naman ako ng mapagtanto na siya pala ang babaeng kausap ng landlady na tinuro sa akin ni Rosa kahapon. Hindi ko kasi nakita masyado ang mukha niya kaya hindi ko natandaan.
"Ay, ikaw pala ang bagong tenant ng apartment na yan? Good morning din sayo. Pasensya ka na at late ang pagbati ko dahil nga kinilala pa kita." Paghingi ko ng pasensya ngunit ang totoo ay hindi ko ugali ang makipag-usap lalo na ang makipagkamustahan sa mga taong hindi ko naman kilala.
Halos kasing taas at kasing katawan ko lang ang babaeng kaharap ko. Mahaba ang kanyang buhok na lalampas yata sa kanyang baywang kung ilulugay niya ng mabuti. Nakatali kasi ito ngunit halata na ang haba nito.
Ang mga mata niya ay bilog at tila kay lalim kung siya ay umarok. Ang kanyang ilong ay katamtaman lamang ang tangos.
Maganda sana kaso ang baduy niyang manamit. Para ba siyang manang na nalipasan na ng panahon. Ang suot niyang blusa ay wala na talaga sa uso. At palda niyang lampas yata ng kanyang sakong ay namana pa niya pa yata sa lola ng kanyang lola sa sobrang lumang-luma na.
Ngayon lang yata ako nakaharap ng taong sobrang napag-iwanan na ng mga kung anong uso sa kasalukuyang panahon.
"Oo, ako nga. Pasensya ka na ulit kung nilapitan kita agad, ha? Gusto ko lang makipagkilala para may kakilala na ako dito sa lugar niyo. Alam mo na, para may ka close agad, ako," sabi pa ng babae at saka pa ngumiti ng husto.
Maliban sa baduy niyang pananamit ay medyo may pagka feeling din pala si ateng.
Anong akala niya sa akin? Nakikipagkompetensiya para makuha ang miss friendship award para makipagkilala siya sa akin at mag feeling close agad-agad?
"Okay lang naman pero madalang lang akong lumalabas ng bahay namin. Nakita mo lang ako ngayon dahil gusto ko munang mag stretching bago sumabak ulit sa maghapong trabaho," saad ko at saka ngumiti ng pilit sa babaeng kausap ko.
Kung inaakala niya na makikipagkaibigan ako sa kanya ay manigas siya.
Okay na ang pakikipag plastikan ko sa patay-gutom na si Rosa at ayoko ng dagdagan pa lalo at sinaunang tao yata tong bagong tenant ng apartment na nakaharap pa mismo ng bahay namin.
"Pareho pala tayo. Kahit kasi ako ay madalang lang lumabas ng bahay. Sadyang magwawalis lang talaga ako ngayon sa harap nga ng apartment dahil maraming basura," wika pa ng babae sabay sulyap pa sa mga nakaipon ng mga basura sa harap ng apartment na kanya ng nawalis.
"Paano naman kasing hindi magiging ganyan ka kalat diyan sa apartment na yan ay hindi naman marunong magwalis ang mag-asawang namamahala diyan. Makita mo mga hindi pa nakaka pag-hilamos at nakapag mumog ng mga mabahong bibig ay diretso na sa sugalan diyan kina Mang Paeng." Hindi ko mapigilan na sambit.
Totoo naman kasi. Walang nagmimintana ng kalinisan sa apartment dahil busy na sa sugalan araw-araw ang mag-asawang iyon.
Mukhang nabigla naman ang babaeng kaharap ko sa kanyang nalaman mula sa akin.
Wala naman akong sinabing hindi totoo. Totoong-totoo naman na mga sugarol mag-asawang iyon kaya wala akong dapat na ikatakot kahit pa magsumbong itong bagong tenant nila sa kanila.
"Ang mapapayo ko lamang sayo, ateng, kapag nanghihiram ng pera ang mag-asawang yan sayo ay huwag na huwag mong pahihiramin dahil baka wala ng balikan pa. At saka kung ako rin sayo ay tapusin mo na lang ang na advance mong bayad sa apartment at maghanap ka na lang ng bagong tirahan." Payo ko pa.
"Ha? Bakit mo naman nasabi na maghanap na lang ako ng bagong tirahan?" kunot-noong tanong ng babae na kung hindi ako nagkakamali ay galing pa sa malayong probinsya.
Malayong probinsiya na hindi makita sa buong mapa ng bansa.
Iyong tipo ng probinsya na malayong-malayo sa sibilisasyon at hindi naabutan agad ng tulong ng gobyerno dahil kailangan pang tumawid ng hindi mabilang na ilog at bundok.
"Basta! Ikaw na lang ang bahalang tumuklas sa sarili mo," sagot ko.
Sinabi ko lang na mga sugarol ang namamahala ng apartment kung saan siya nakatira kaya bahala na siya kung mananatili pa siya ng mas mas matagal.
At saka, mukhang hindi naman siya magtatagal na manirahan dito dahil sa itsura niya pa lamang ay mukha na siyang walang pera.
Baka nga galing siya sa probinsya at lumuwas para makipagsapalaran sa ibang bayan.
Nakakaawang nilalang.
Sana lang ay makasurvived siya sa ibang lugar nkung saan laganap ang iba't-ibang krimen ng mundo.
Goodluck na lang talaga kay ateng!
"Ganun ba? Salamat sa paalala at payo mo, ano na nga ba ang pangalan mo, Miss?" tanong niya.
"Reyna, Reyna ang pangalan ko," buong pagmamalaki kong banggit sa aking magandang pangalan.
Salamat sa aking nanay na naisipan na ipangalan sa akin ang Reyna kahit wala naman siyang ipapamanang mamahalin at kumikinang na crown.
"Ang ganda naman pala ng pangalan mo. Nice to meet you, Reyna. At ko nga pala si Marites." Pagpapakilala na rin ng babaeng kausap ko sabay lahad pa ng kanyang kamay sa harap ko.
At anong palagay niya? Makikipag shake hands ako sa kanya?
Malay ko ba kung anong mikrobyo o germs ang hinawakan niya kanina ng nagwawalis siya? Kaya patay malisya na lamang akong nagsimula ulit yumuko at saka nagwalis na ng kalat.
"Nice to meet you, too. Ituloy ko na itong pagwawalis ko at may trabaho pa ako," pagpapaalam ko na sabay plaster ng plastic na ngiti na kinagagalak ko rin siyang makilala.
Nagpaalam na rin naman ang babaeng nagngangalang Marites at lihim na lamang akong napataas ng kilay