Chapter 02

888 Words
"MUKHANG mamahalin dito. Bakit dito pa tayo kakain? Puwede naman sa Jollibee para medyo mura. Paano ko naman masusulit ang panlilibre mo? Iinum na lang siguro ako ng maraming tubig kasi for sure mabubusog pa ako. Wala pang bayad." Amuse na pinagmasdan siya nito. "Bago tayo pumunta rito sinabi ko na treat ko. It's okay kahit order-in mo lahat ng specialties nila rito. Just suit yourself." Nang makaupo ay muli siyang nagsalita. "Nagbabawas ka ba ng yaman mo?" Paano naman kasi sa Crisostomo siya nito dinala para mananghalian. Isang sikat at mamahaling reataurant iyon sa lugar nila. "Minsan lang akong manlibre kaya puwede mong lubusin." Wow, huh. Galante ang isang 'to. Tinanggap niya ang ibinigay ng waiter na menu. Sosyal ang restaurant na iyon kaya talagang nailang siya. Sumulyap muna siya sa ibang tao na naroon. Baka isipin pa ng mga iyon na nagdi-date sila. Huminga muna siya ng malalim bago tiningnan ang mga pagkain at presyo niyon sa menu book. Muntik pa niya iyong mabitawan ng makita ang presyo. Pambihira allowance ko na ng isang buwan ang presyo ng mga ito, ah. Sinulyapan niya si Eldridge. Pagkuwan ay ibinalik niya sa waiter ang hawak na menu. "Ikaw na ang bahala sa order ko mukha naman kasing alam mo kung ano ang masarap na pagkain dito," baling niya kay Eldridge. "Okay." He smiled again. just simple like that, parang natunaw ang puso niya pagkakita sa ngiti nitong iyon. "A-Ahm, CR lang ako saglit," paalam pa niya bago tumayo at hinanap ang CR. Napabuntong-hininga siya. "Bahala na siyang um-order tutal pera naman niya ang gagastusin. Ayokong isipin niya na sinasamantala ko ang yaman niya." Sa loob ng CR pinagmasdan lang niya ang sarili. Kahit saang angulo naman siyang tingnan ay maganda siya. Kaya wala siyang dapat na ikailang sa harap ng guwapong si Eldridge. Ito kaya nagagandahan din sa kanya? Naipilig niya ang ulo. Kung ano-ano na ang naiisip niya. Pahamak din talaga ang naging ngiti nito kanina sa kanya. Pero hanggang ng mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala na kasama niya ang binata. Ni hindi nga niya na-imagine man lang na makakasama pa niya ito. Para kasing ang imposible lang mangyari para sa kagaya niya. Hindi rin naman siya nagtagal sa loob, lumabas din agad siya. "Nainip ka ba?" alanganin pa niyang tanong kay Eldridge ng makaupo uli siya sa silyang katapat nito. Umiling lang ito bago muling itinuon ang atensiyon sa cellphone nito na latest model ng Samsung. Pangarap niya iyon kaso dahil hindi naman afford ng Mama Isabel niya kaya tama na siya sa Nokia c3. Wala na nga sa uso ang cellphone niya dahil key pad pa ang gamit niyon. Unlike sa mga uso ngayon na puro touch screen na ang cellphone. Android phone. Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay nai-serve na rin ang order nila. Sa sobrang dami natingnan tuloy niya ng masama si Eldridge. "Ipangako mo na hindi mo ako sisingilin. At siguraduhin mo rin na hindi tayo maghuhugas ng pinggan pagkatapos," kastigo pa niya rito. Nginitian siya nito. "Kumain na lang tayo mas mabuti pa." Ang totoo niyan ay sobrang naglalaway na siya lalo na at humahalimuyak ang amoy ng mga pagkain. Kapag ganoong pagkakataon ay hindi niya mapigilan ang gana sa pagkain. Pero sa abot ng makakaya niya ay nagpakahinhin pa rin siya sa harapan nito. Baka kasi isipin nito na patay gutom siya kapag nagpakasiba siya sa pagkain. Nang matapos sa lunch na sobrang superb talaga ay bumalik na rin sila sa St. Alexandria Academy. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon na nakasama niya ang isang Eldridge Hedalgo. "Sobrang nabusog ako. Thank you, ha," nginitian pa niya si Eldridge na patuloy lang sa pagda-drive. "First time dito sa school na may nan-treat sa akin ng lunch. Salamat." "It's nothing." At isang HNC pa ang 'di nagdalawang isip na ilibre ako. What a day. Nang makabalik siya sa kanilang room ay isang masamang tingin agad ang ipinamalas sa kanya nina Claudel. Dahil siguro iyon sa nangyari kanina. Sigurado kasi na napahiya talaga ang mga ito. Patay malisya na umupo siya sa kanyang arm chair. Ilang sandali pa at dumating na rin sina Margaux at Shaira. "Ang init sa labas," ani Shaira ng makaupo sa tabing silya niya na panay ang paypay. "Hi, Shea. Nag-lunch ka na?" tanong naman sa kanya ni Margaux. "Tapos na, Margaux," nginitian pa niya ito. "Guess who, kung sinong kasabay niyan." Napatingin sila kay Harmony ng umeksena ito. "Ano'ng sinasabi niya, Shea?" confused na tanong ni Margaux. "Kabasay lang naman niya si Eldridge sa lunch. Hindi nga namin alam kung ano'ng ipinakain niya kay Eldridge para sumama sa kanya," umirap pa si Dara. Literal na nanlaki ang mga mata ng dalawa niyang kaibigan. "Really?!" "Whoa. Ang swerte mo naman, Shea. Dapat pala 'di ka namin iniwan para kasama rin kami. Saan naman kayo nag-lunch?" excited na tanong ni Shaira. "Sa Crisostomo." "Oh, my G! 'Di ba, sobrang mahal doon? Aminin mo nga, Shea, nag-date kayo 'no?" talagang nilaksan pa ni Margaux ang sinabi para asarin lalo sina Claudel. "No comment!" "Feeling masyado," inis pang sabi ni Dara. "Tss." Nagtawanan pa silang tatlo nina Shaira. Sa wakas nakaganti rin sila sa mga tipaklong na iyon. Palagi na lang kasi silang pinag-iinitan ng mga ito kahit na wala naman silang ginagawang masama sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD