TUMAGAL din ng halos dalawang buwan ang peke na namang relasyon ni Shea at Eldridge. At isang linggo na nga lang ang kailangang palipasin para eksaktong dalawang buwan na. Iyon kasi ang pakiusap ni Eldridge sa kanya noon. Dalawang buwan ng pekeng relasyon. Isang linggo na lang at totoong matatapos na ang pagkukunwari namin ni Eldridge. Totoong magbi-break na kami sa mata ng mga tao dito sa school. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Ang lungkot? Mami-miss din kaya niya ako? May munting kurot siyang naramdaman sa puso niya sa isiping iyon. Sa loob ng halos dalawang buwan ay lalo niyang nakilala ang binata at totoong napalapit sa puso niya. Napasulyap siya kay Eldridge na kasalukuyang nakaupo sa bench sa ilalim ng puno ng acasia. Kasama nito ang tatlo pa nitong kaibigan. Habang siya nama