"DUMATING na siya, Claudel." "'Wag mo silang papansinin Shea at ako na ang bahala sa kanila," bulong pa ni Shaira sa kanya bago sila pumasok sa room. "Totoo ba 'yung sinabi ni Dara, Shea?" kastigo agad ni Claudel sa kanya. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Si Shaira ang humarap kay Claudel. "Ang magaling mo kasing kaibigan may balak pa yatang ahasin ang boyfriend ko!" pinagdiinan pa nito ang salitang 'ahas'. Nagpanting yata ang tainga niya sa narinig. "Ano'ng sabi mo?" "Totoo naman, 'di ba? Rinig na rinig ni Dara ang pinag-uusapan ninyo kanina. Don't try to deny it." "Puwede ba, Claudel, 'wag kang mambintang? Ano ba ang sinabi sa iyo ni Dara, ha?" nanggagalaiting sabi ni Shaira. She's trying to defend her against Claudel. "Na may gusto 'yang si Shea sa boyfriend ko!" "May ebidensiya ba