Hindi ko pinansin ang nararamdaman ko na attraction sa kanyang anak. Tinanggal ko yon sa aking isipan at kinalma ang sarili ko. Humawak ako sa balikat ni Ace at pinisil ito, umangat naman ang isa niyang kamay at hinawakan ako. Pero hindi ko maiwasan na tumitig sa kanyang gwapong anak. He has this charm na parang humihila sa akin, hindi na ko magtataka kung maraming naghahabol na babae rito. Pag sumama sa akin ito sa farm, siguradong kikiligin ang mga babae na naroon.
“Sorry kung ngayon lang ako nakauwi, dad, but don't worry I'll be staying long hanggang sa maka-recover ka." sabi nito na parang nagpagising sa akin. Lumingon siya at bigla itong natigilan nang makita niya ako. Tinanggal nito ang shades at namangha ako nang makita ang dark green nitong mga mata, na namana niya sa kanyang gwapong ama. May lahi din naman kasi ang pamilya nila, half-Greek atah? Pinasadahan niya ko ng tingin at bigla naman akong na-conscious. "Who is she? Nurse mo?" Nagtataka niyang sabi at pilyong ngumiti.
"Ano ka ba naman, siya ang napakabait kong asawa, si Carmella." Sagot ng aking asawa. Ngumiti naman ako at tumabi kay Ace. "Mel, siya ang anak ko si Yhuno." Pakilala niya.
"Hi Yhuno, welcome home. It's nice to finally meet you." Inilahad ko ang aking kamay na agad niyang tinanggap. Bahagya akong nagulat ng pinisil niya ‘yon at hinaplos pa ang wrist ko na nagpaparamdam sa’kin ng kakaiba. Ang laki ng kamay niya, ang tangkad din niya, hanggang sa dibdib niya lang ako, eh. Sabagay, pinanganak lang talaga akong maliit, hindi ako skinny katulad ng mga magagandang models, may laman ako pero hindi din naman mataba, sakto lang. Pero kahit babad ako sa araw, nananatili ako na mestisa, namumula lang ang balat ko pag na-expose ako sa sobrang init.
"So ikaw pala si Carmella... You look so young." Hanga nitong sabi at medyo nahiya ako ng konti.
"Mukha lang noh, pero matanda na ko. Mas matanda nga ako sayo, eh." Nagulat ito at tinitigan ako. "30 na ko..."
"Talaga?!" di-makapaniwala nitong sabi. "Wow... mukhang mas bata ka pa nga sakin, eh. Dad, 30 na ba talaga siya?" Tumawa naman si Ace at tumango.
"Oo anak... Lagi akong napagkakamalan na tatay niya," biro niya at mahina ko siyang pinalo sa kanyang braso.
"Honey naman... Sadyang baby face lang ako. Nakakainis minsan but I try to live with it. Kamusta ang biyahe mo? Kumain ka na ba?" Binawi ko ang kamay ko na hawak niya pa. Napansin ko na parang nalukot ang mukha nito ng binawi ko ang aking kamay. Napakamot siya sa kanyang ulo.
"Hayun, nakakapagod ang biyahe at hindi pa ko kumakain. Uhm... Ano bang itatawag ko sayo? Mom na ba?" Tanong niya sa akin at pareho kaming tumawa ni Ace.
"Mel o Mella na lang! Tara na sa loob, niluto lahat ni Manang ang favourite mo."
"Kanina pa siya excited sa pagdating mo Yhuno habang si Mel naman kinakabahan. Baka daw kasi ayaw mo sa kanya." Ngumisi ito na tumingin sa akin.
"Gusto ko siya dad, gustung-gusto," makahulugan niyang sabi. Alam kong namumula ang mukha ko, umiinit din ang pakiramdam ko dahil sa init ng tingin niya sa’kin. Pumasok na kami sa loob ng mansyon, ito na mismo ang nagtutulak sa wheelchair ni Ace at napapangiti ako dahil masaya silang nag-uusap. Dumiretso kami sa kusina at pinagsilbihan ko silang dalawa. Pinaupo naman ako ni Manang at hinainan ako ng pagkain. Patuloy sa pag-uusap ang dalawa at hinayaan ko lang sila. Matagal na din kasi silang hindi nagkasama. "So, kumusta naman ang farm? Kuwento ni Dad ikaw na ang nagma-manage doon."
"Pansamantala lang. Tumutulong lang naman ako, tsaka medyo busy ngayon sa farm. Manganganak na rin kasi si Zephyr eh, kailangan ako ‘don."
"Teka, Zephyr? She’s my horse noong nasa farm pa lang ako. You're a vet?" Tumango ako.
"Oo, ako ang official vet niyo sa farm," sagot ko. Ngumiti siya at tinuloy ang pagkain.
"Kaya nga anak, gusto ko sanang pumunta kayo doon sa farm. Para tulungan si Carmella at para na rin turuan ka niya sa pamamahala doon. Wala siyang kasama at hindi niya kaya na nag-iisa na asikasuhin ang farm.”
"Pero dad, alam mo naman ang mga plano ko ‘diba?" Naiinip na sabi niya at halatang iritado.
"Matanda na ko Yhuno, hindi na rin ako nakakalakad. Kailangan kita, ikaw na lang ang maaasahan ko." Pagod naman na sabi ni Ace.
"Pero andito naman si Carmella. Siya na nga ang nagma-manage sa farm. Tsaka, matagal na akong wala sa farm.” Sabay tingin niya sa akin. Hindi naman ako nakatiis at sumabat ako sa kanilang usapan.
"Yhuno, pangalawang asawa lang ako ng dad mo. Ikaw ang may mas karapatan, kayo ng mga kapatid mo," sabi ko. Huminga siya ng malalim at napailing na lang.
"Dad, can we just talk about this in private? Yong tayong dalawa lang." Tumango lang naman si Ace at kumain na kami. Tahimik lang ako habang nag-uusap silang dalawa tungkol sa pag-aaral niya ng college at sa tinatayo niyang business ngayon. Balita ko isang club ang napag desisyunan niyang itayo sa sentro ng lungsod. Sana naman pumayag siya na pumunta sa farm at sana mag-stay na rin siya dito for good. Ang sabi kasi ni Ace, si Yhuno lang daw ang nakikinig sa kanya, hindi tulad ng ibang anak niya. Hindi ko alam kung uuwi pa sila dito. Hindi din namin alam kung nasaan sila at wala kaming contact sa kanila. Kaya nga naawa ako sa asawa ko. Buti na lang may malasakit pa si Yhuno sa kanya.
Pagkatapos naming kumain, iniwan ko muna sila para mag-usap. Pumunta sila sa office at ako naman pumunta sa kwarto para makapag-empake na. Hindi ko na rin kasi pwedeng patagalin pa ang pananatili ko rito dahil maraming umaasa sa’kin sa farm.
Hindi ko alam kung anong pinag-usapan ng mag-ama pero nong mag-dinner kami ng gabing ‘yon, wala ng tensyon at pinag-uusapan na nila ang tungkol sa farm. Masaya naman ako dahil ngayon ko lang nakita na ganito kasaya si Ace. Matapos kong painumin ng gamot ang aking asawa, nag-goodnight na ko sa kanya at pumasok sa adjoining room namin.
Mula noong maaksidente siya, hindi na kami natutulog na magkasama. Sa tingin ko naiilang siya dahil sa kalagayan niya at hindi na rin maibigay ang pangangailangan ko sa gabi. Jusme! Kahit mas matanda siya sa’kin para pa rin siyang kabayo na bumanat, noh! Walang kapaguran at malaki ang kanyang kargada. Kaya nga pag nagma-masturbate ako, kulang na kulang.
Napabuntong-hininga ako at bagsak na humiga sa aking kama. Pagpikit ko ng aking mga mata, bigla kong naisip ang napakaguwapong si Yhuno. Nakita ko na ang mga pictures niya pero gulat talaga ako nang makita ko siya ngayon. Ang laki niya ng bata, hindi ko akalain 25 years old pa lamang siya. Siguradong pinagkakaguluhan siya ng maraming babae. Pero ang ikinababahala ko ngayon ay ang kakaiba niyang pagtingin sakin. Hinawakan niya lang ako sa kamay kanina, nanginginig na ang aking laman, nabuhay ang naka-hibernate kong p*ssy.
Napamura ako at agad na bumangon. Tumingin ako sa orasan at malalim na pala ang gabi. Dahil hindi ako makatulog, lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para mag-midnight snack. Pagkain lang ang katapat ng libog kong ‘toh. Hindi ko dapat pinagnanasaan ang anak ng asawa ko. Limang taon ang tanda ko sa kanya! Nakakahiya ka Carmella!
Gumagawa na ko ng sandwich ng mga oras na yon nang biglang may dalawang malalaking bisig na kumulong sa’kin. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko, narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Nagtaasan ang mga balahibo ko nang dampian niya ng halik ang naka-expose kong balikat.
"Y-Yhuno... A-anong ginagawa mo?"