Napabuntong-hininga ako habang nakikita ang lahat ng tao sa mansyon na busy sa kanilang ginagawa. May naglilinis, nag-aayos ng garden, may nagluluto ng pagkain dahil lang sa darating ngayon ang anak ng aking asawa. Matagal na itong hindi nakauwi rito simula pa noong umalis ito para mag-aral ng college. Kahit nong kasal namin ni Ace, hindi siya pumunta dahil busy daw siya sa studies niya. Hindi ko nga nakilala kasi wala na siya ng magkakilala kami ni Ace, although, kinuwento niya at nakita ko na rin ang picture niya na naka-display dito sa bahay.
Marami ang nagtaas-kilay sa kasalan naming ‘yon, hindi ko na lang ininda ang sinasabi ng iba. Paano ba naman kasi, halos half na ako ng age niya, I was 25 and he was 47, malayo ang agwat. Dahil ba sa pera kung bakit ko siya pinakasalan? Maaaring ganon pero may mas malalim pang dahilan kung bakit kami magkasama. Mahal ko siya dahil siya ang lalake na tumulong sa akin nang lugmok na ko sa buhay. Utang na loob na rin siguro, pero para sa akin, ito na talaga ang nakatakda. Ang maging butihing asawa ng pinakamayaman na lalake sa aming probinsya. Masaya naman kami at laging magkasundo. Kailangan din naman niya ng makakasama, kasi nga wala naman ang mga anak niya.
Gwapo pa din naman siya kahit may edad na, maganda pa rin ang katawan, dahil hindi niya nakakaligtaan na mag-workout, at tsaka isa siyang healthy food savvy. Batak na rin ang ma-muscle niyang katawan sa pagtatrabaho sa farm. Magaling siyang businessman at nagmamay-ari siya ng malaking farm sa probinsya kung saan ako nagtatrabaho ‘non. Doon kami nagkakilala, and the rest is history, ika nga. Tinutulungan ko siya sa farm, hanggang sa ako na mismo ang main na nagma-manage. Wala din naman kasi ang unang anak niya na ayaw i-manage ang farm, at mas gusto pang magtayo ng sarili nitong business. Sa farm talaga naman kami nakatira, pero nandito kami ngayon sa mansyon here in the city.
A few months ago kasi, na-involve siya sa isang car accident. Nagkaroon siya ng malaking damage sa kanyang mga paa kaya ngayon ay hindi siya nakakalakad. Hindi man niya sabihin, pero alam kung nahihirapan siya, not physically, but mentally. Naka-stuck na lang siya sa wheelchair, pumupunta kami sa therapist na nandito sa city, kaya dito kami nagi-stay ngayon. Dahil na rin sa nangyari, nagdesisyon ang anak niya na bumalik dito at para na rin tulungan ako sa farm.
Wala namang problema doon, ang kaso kasi, baka ayaw ng anak niya sakin at magkaroon pa kami ng conflict. Ayoko ‘non, ayokong dumagdag pa sa sama ng loob ni Ace, lalong-lalo na ngayon sa kanyang kondisyon. Pero ang sabi naman sa’kin ni Manang Nemi, mabait siya. Sana nga lang at totoo.
"Mel, may problema ba?" tanong sa’kin ni Ace habang nasa garden kami, nagpapahangin at para na rin hindi kami makaabala sa ginagawa ng mga kasambahay.
"Medyo nagkaproblema lang sa farm honey, malapit na rin kasing manganak si Zephyr kaya nag-aalala ang mga tao don dahil wala ako," sagot ko sa kanya.
"Kailangan mo na talagang bumalik sa farm honey," lungkot niya na sabi at tumango ako.
"Alam ko, pero paano ka? Ayokong iwan kita dito, hindi kita maaalagaan niyan," ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi naman ako mag-iisa rito, nandyan si Manang at yung ibang tauhan natin. Tsaka, nag-hire na tayo ng private nurse para alagaan ako at madala niya ko sa therapy, kaya okay na ko rito." Tumingin ako sa kanya at ngumiti naman siya.
"Hindi ba mas maganda pag sa farm ka mag-recover?" tanong ko. Pinisil niya ang kamay ko at ngumiti.
"Magsasayang lang tayo ng oras sa byahe papunta dito at ayokong makaabala sayo at sa iba pa sa gawain doon," nakangiti niyang sabi.
"Hindi ka naman abala sa akin. Mas mapapanatag ako pag kasama kita. Wala din sigurong problema sa mga tao sa farm, baka mas gusto pa nga nilang alagaan ka.”
"Okay na ako dito, don’t worry too much… Mel, kailangan ka ng mga tao sa farm, I put my trust in you with it. Mas nakakabuti nga at uuwi na anak ko rito para maturuan mo sa pagma-manage at matulungan ka niya.”
"Sabagay, may mas karapatan siya doon sa farm. Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit ayaw niya sa farm. Mas relaxing kaya roon, walang traffic, walang pollution at hindi sobrang ingay," nagtataka kong sabi at tumawa naman siya.
"Mas nag-eenjoy siya dito sa city, alam mo na, restaurants, malls, nightclubs, mga babae," bumuntong-hininga ulit ako.
“Okay lang naman na mag-enjoy siya, pero hindi na siya bata pa at sana iniisip ka rin niya Ace. Your his father, at may responsibilidad siya, sila, para tulungan ka. Tsaka lang siya babalik dahil sa nangyari sayo. And how would you be so sure na gusto niyang bumalik sa farm?” Alala kong sabi dahil pumayag nga ito, pero hindi naman pala mananatili doon, ‘diba? What for at babalik pa siya?
“Out of the three, si Yhuno lang ang nakikinig sa’kin. Papakiusapan ko siya at sana tulungan mo ko na kumbinsihin siya. Hindi ko alam kung maha-handle ko pa ang farm sa kalagayan ko. Kailangan mo ng tulong Mel and you also need protection pag nandoon ka na sa farm. Ang anak ko lang ang pinagkakatiwalaan ko,” tiwala niyang sabi which is naiintindihan ko. Kasi out of the three na kanyang mga anak, ang panganay niya lang yata ang kumukumusta sa kanya kahit paminsan-minsan lang.
“I know, honey… Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang best ko na kumbinsihin siya na bumalik sa farm. Basta promise mo sakin na hindi mo pababayaan ang sarili mo dito,” malambing kong sabi sa kanya at hinalikan naman niya ang kamay ko.
"I promise, honey,” sincere niyang sabi. Ngumiti ako at hinalikan ko siya sa labi. Naghiwalay kami ng may tumikhim. Lumingon kami at nakita namin ang masayang mukha ni Manang Nemi.
"Sir Ace, Mam Carmella, andito na po siya," sabi nito.
"Okay manang," sagot ko. Inayos ko ang wheelchair niya at itinulak paikot papunta sa front gate. Saktong nandoon na kami, naka park na ang isang SUV sa harap ng bahay. Yong ibang tauhan namin, kinukuha ang mga bagahe sa trunk ng sasakyan. Mula sa driver’s seat, bumaba ang isang matangkad, moreno at gwapong lalake na malaki ang pagkakahawig kay Ace.
Nakasuot ito ng black shades, gray tshirt na hapit sa well built nitong katawan at black pants. Itim na itim ang buhok nito na maikli sa gilid at medyo mahaba sa gitna, clean shaven ang mukha, mapula at makapal ang bibig. Hindi ko pa nakikita ang mga mata nito dahil sa kanyang shades pero ang ganda ng ngiti niya nang makita si Manang Nemi. Agad itong lumapit sa matandang babae at niyakap ito. Ginulo naman nito ang buhok ng binata na parang bata. Natigilan ako ng bumaling ang tingin nito sa amin. Mahigpit ang hawak ko sa handle ng wheelchair nang magsimula itong lumakad palapit sa amin.
“Dad..." sabi nito sa malalim nitong boses. Mahigpit na nagkamayan ang dalawa at niyakap nito ang ama. Napangiti naman ako ng masilayan ang masayang mukha ng aking asawa. Sa ilang taong pagsasama namin, alam kong miss na miss na niya ang kanyang mga anak.
"Welcome back son... Masaya ako at umuwi ka na," tuwang sabi ni Ace at mukhang naiiyak pa. Sana ito na ang maging dahilan ng kanyang recovery. Napatingin ako sa anak niya, dahil malapit siya sa amin, amoy na amoy ko ang kanyang manly scent na nagpapainit sa aking katawan. Nakita ko na ang ilang pictures ng anak niya noong bata pa sila pero hindi ko akalain ganito siya kagandang lalake. Ano ba tong nararamdaman ko? Ang bilis at ang lakas ng t***k ng puso ko!