“Allysa, mahal kita, hindi lang bilang kaibigan. Mahal na mahal kita”
Galit na tumingin s'ya sa akin.
“I’m sorry Ash, pero hindi kita kayang mahalin ng tulad ng pagmamahal mo sakin, and don’t you ever talk to me again. Nakakadiri ka! I hate you, I hate you so much!”
Yun lang at iniwan na n'ya kong mag-isa. Wala akong nagawa kundi sundan lang ng tingin ang papalayo kong kaibigan.
Yeah, kaibigan ko s'ya, we’re not bestfriends or anything, pero kasama s'ya sa circle of friends ko. Nung una, wala naman talaga kong attraction na nararamdaman para sa kanya, pero naging masyado s'yang sweet at clingy and isang umaga nagising na lang ako na mahal ko na sya.
At ngayon, nagkalakas ako ng loob na sabihin sa kanya yon pero anong nangyari? Nawala sya sakin.
“Ang tanga-tanga mo Ashley! Sana sinarili mo na lang yan.”
Nakatulala pa rin ako hanggang mawala sya sa paningin ko.
Nagulat ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
“Ashley”
Lumingon-lingon ako pero wala namang ibang tao.
“Ashley, gising na” bulong pa nito.
Noon bigla kong iminulat ang mga mata ko. Noon lang ako nakahinga ng maluwag.
Hooo! Panaginip lang pala. Thank you Lord.
Masaya ko na panaginip lang pala yun pero nalulungkot din ako dahil lalo akong nawalan ng lakas ng loob na sabihin sa kanya kung ano talagang nararamdaman ko.
Siguro nga, hanggang kaibigan na lang ako.
Mas maganda na yun kesa kamuhian nya lang ako tulad nung nangyari sa panaginip ko.