ASHLEY
“Bie! May goodnews ako sayo” nakangiting sabi sakin ni Allysa.
“Yes, Bie ano yun?” walang ganang tanong ko sa kanya. Parang may idea na kasi ako kung bakit s'ya masaya ngayon.
“Si Gab” sabi ko na eh.
“What?”
“Nanliligaw na sya sa'kin!” patalon-talon pa na sabi n'ya..
“Eh di good for you” matabang na sabi ko.
Sumimangot naman s'ya at nagpout.
“O anong inaarte-arte mo d'yan?” tanong ko pa sa kanya.
“Hindi ka ba masaya para sakin?” malungkot na sabi nya.
Ngumiti naman ako sa kanya.
“Malamang masaya ako para sayo. Kaibigan kita eh, at nakikita ko naman na masaya ka” sincere na sabi ko.
Yes nasasaktan ako pero wala naman akong magagawa, mas pinili kong maging kaibigan lang nya.
“Btw Bie, gusto mo double date tayo?”
Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nito.
“Meron kasi syang friend eh crush na crush ka daw, nagpapalakad nga eh” nakangiti pa nyang sabi.
“Nah, not interested Bie. And aalis kami ni Lindsey mamaya” sabi ko naman sa kanya.
“Kayo ni Lindsey bakit?” tanong n'ya na parang nagbago yung mood.
“Baka nakakalimutan mo Bie, si Lindsey yung bestfriend ko at magpapasama sya mamaya dahil may kailangan daw syang bilhin sa bookstore” paliwanag ko naman sa kanya.
“Pero may gusto sayo si Lindsey, Bie.” Sabi pa n'ya na hindi tumitingin sakin.
“So? Sinabi ko naman na hanggang bestfriends lang kami at ok lang naman sa kanya. And hindi ko sya iiwasan dahil sinabi nya sakin na gusto nya ko”
Tiningnan nya ako ng derecho sa mata.
“Bie, may gusto ka din ba kay Lindsey?” medyo galit na tanong nya.
“Pwede ba Bie, wala akong gusto sa kanya no! At kahit kelan, hindi ako magkakagusto sa babae. Duh!” pagsisinungaling ko pa sa kanya. Hindi naman masamang maging defensive diba?
Nakita kong biglang lumungkot ang mga mata n'ya pero agad din namang ngumiti.
“Ok, sama na lang ako sa inyo." ilang sandali pa ay sabi n'ya kaya sunud-sunod na umiling ako.
“No Bie, matagal mo ng hinihintay na i-date ka ni Gab kaya sa kanya ka na sumama ok?”
Naiiyak na tumingin sya sakin.
“Ayaw mo na ba kong kasama, Bie?”
Naiiling na binatukan ko naman s'ya.
“Nako wag mo na kong artehan dyan Allysa Mae De Leon at hindi na ko naniniwala sa mga drama-drama na ganyan. Hala, mag-ayos ka na dyan para sa date nyo. Nagtext na si bestfriend, magkita na daw kami sa may gate.” Paalam ko sa kanya.
Napansin kong parang gusto nya kong pigilan pero tumahimik na lang.
“See you tomorrow, Bie” sigaw ko pa sa kanya bago tuluyang lumakad palayo.
Napabuntonghininga naman ako habang naglalakad.
“Lalim non bestfriend ah” si Lindsey, nakalapit na pala sakin.
Ngumiti lang ako sa kanya ng pilit.
Btw, ako nga pala si Ashley Trinidad, 19 years old, 3rd college na dito sa University of Perpetual Help. I’m taking up Communication Arts, Major in MassCommunication. Well hindi naman sa pagmamayabang pero sabi nila papasa na daw akong campus crush. Pero sabi-sabi lang yun, di naman ako naniniwala.
Yung kausap ko kanina, si Allysa Mae De Leon yun, friend and classmate ko. Mabait yun, maganda, matalino, basta nasa kanya na yung lahat kaya nga mahal na mahal ko yun eh.
Eto naman yung bestfriend ko, si Lindsey Marquez, BI sya, and sinabi nya sakin na inlove sya sakin, well syempre nung una, nashock ako pero tinanggap ko na rin, naiinggit nga ako sa kanya eh, sya kasi kaya nyang aminin kung ano talaga sya, ako eto nagtatago pa rin sa closet.
“So bestfriend, baka gusto mo ng sabihin sakin kung anong problema mo?” hindi pa rin ako tinitigilan ni Lindsey ng kakakulit.
“Wala nga bestfriend, sobrang napagod lang ako sa practice kanina.”
“Ikaw na ba ilalaban ni coach sa friendly tennis match na gaganapin bukas?” tanong pa nito. Hay salamat naniwala sya.
“Oo daw. Sabi ko nga baka hindi ko pa kaya. Baguhan pa lang naman ako bestfriend eh, pero sabi ni coach malaki daw tiwala nya sakin.”
“So kailangan pala bilisan natin mamili ngayon dahil maaga ka pa bukas?”
Tumango-tango naman ako. Sumakay na kami sa kotse ko para mas mabilis makapunta sa bookstore.
Kakababa pa lang namin sa sasakyan ng biglang magvibrate yung phone ko.
1 message received.
“Bie, umuwi ka ng maaga, may laban ka pa bukas, wag kayong magtatagal dyan at wag na wag kang magpapahawak ng kamay dyan sa bestfriend mo ha!” text ni Allysa. Natatawang naiiling na lang ako.
“O best, anong tinatawa-tawa mo dyan?”
“Eto kasi si Bie, nagtxt, wag daw akong magpapahawak ng kamay sayo”
“Alam mo best, kung hindi ko lang alam na inlove na inlove yang si Allysa kay Gab, iiisipin kong nagseselos sya sakin.”
“Siguro nga, nagseselos sya sa friendship natin, alam nya kasing mas close ako sa sayo eh”
“Hindi eh, iba yung nararamdaman ko best”
“Psh, tigilan mo na nga yang iniisip mong yan best! Nakakatawa ka lang talaga. And diba sabi ko naman sayo, never akong maiinlove sa kahit sinong babae.” Sabay roll ng eyes ko.
“Eh bat hindi ka pa nagkakaboyfriend?”
“So pag wala kang boyfriend ibig sabihin lesbian na agad? Hindi ba pwedeng mapili lang?”
Sasagot pa sana si Lindsey ng bigla kong maramdaman na may bumangga sakin. Napaupo ako sa sahig.
“Best!” nag-aalalang lumapit sakin si Lindsey.
“Miss, I’m sorry, hindi ko sinasadya, sorry talaga” hinging paumanhin ng lalaking nakabangga sakin. Agad naman nya akong itinayo.
“No it’s ok, hindi rin kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko eh”
Noon lang ako napatingin sa lalaki. Ang gwapo. Nakasmile pa habang nakatingin sakin. Shet lang, why am I kinikilig?
“Sorry talaga Miss ha, btw, my name is Lloyd Dane Cruz.” Pakilala nito at naglahad ng kamay.
“H-hi, I’m Ashey Trinidad” pakilala ko naman dito.
“I know, matagal na kitang kilala” sabi pa nito.
Kunot-noong tumingin ako dito.
“Friend ako ni Gab, yung manliligaw nung isa mong friend.”
“Ah,” tatango-tango lang ako.
Magsasalita pa sana si Lloyd nang biglang tumikhim si Lindsey.
“Ehem, nandito pa ko.” Natatawang sabi nito.
“Sorry, Lloyd, bestfriend ko si Lindsey” pakilala ko dito.
“Hi Lindsey nice meeting you.” Bumaling ulit ito sakin. “Kumain na ba kayo? Gusto nyo dinner tayo? My treat” sabi nito.
Umiling lang ako.
“Sorry ha, nagmamadali kasi kami ngayon, maaga kasi pasok ko bukas, may laban kasi ako eh” hinging paumanhin ko dito.
“Oh I see, sige manonood na lang ako.”
Tumango na lang ako at nagpaalam agad sa kanya. Pagdating namin sa kotse ay agad akong tinukso ni Lindsey.
“Tsss, best, nakakita ka lang gwapo nakalimutan mo na ko” nakangiting sabi nito.
“Wag ka nga best! Nagwapuhan lang ako dun sa tao”
“Asus, type mo no?” I have to say yes para hindi sila maghinala sakin.
“Kinda” kindat ko sa kanya.
“Wooshooooo! Landi mo best! Ngayon sigurado na kong wala na talaga kong pag-asa sayo. Maghahanap na lang ako ng bago”
“Go best! “ sabi ko na lang dito.
Noon ko naalalang magreply kay Allysa.
“Yes bie, pauwi na po. Nyt” text ko dito.