Kabanata 18 "Wow! Ganda!" rinig sa boses at kita sa mukha ni Hera ang pagkamangha nang makita ang malaking gate na nasa tapat namin ngayon. Dito palang kami sa labas ay tanaw na tanaw na ang magarbong bahay ni Rihav dito sa La Fera Uno Village. Noong nasa college days kami ni Sean palagi kong pinapangarap na magtatayo ako ng bahay sa village na 'to. Hindi basta basta makakapasok dito, puno ng security guard sa labas at may nakikita din akong naglilibot na mga guards. Malalaking bahay din ang halos nakatayo sa village na 'to, wala atang maliit. "Tatay, sayo ang bahay na 'yan?" sabay turo ni Hera sa malaking gate. Akmang sasagutin na ni Rihav ang kanyang sagot ng bumukas ang malaking gate kaya napatili siya at doon tinuon ang kanyang mata. Maging si Hacov ay napatayo sa kinauupuan niya p