Kabanata 20 "Ahm, excuse po. Alis po kami." Magalang kong sabi. "No, no, no. Why are you here?" pigil niya sa akin bago tinapunan ng tingin ang dalawa, "At sino ang mga batang ito?" sabay turo niya sa dalawa. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang sagot niya o hindi. Wala siyang kaalam-alam tungkol sa relasyon namin dati ni Rihav. Malamang magugulat siya kapag sinabi ko na anak namin ni Rihav ang kambal. Hindi niya iyon matatanggap, lalo na't isa nila akong katulong dati. Kinagat ko ang aking bibig, akmang sasagutin ko na ang tanong ni Senyora ng inunhan na ako ni Rihav sa pagsagot. "My kids, Ma. Please don't ruined this day, kaarawan ng mga anak ko." Ramdam ko ang pagyapak ni Rihav at ilang segundo lang ang malamig niyang kamay ay humawak sa beywang ko. Mariing tinignan iyon ni Seny