Kabanata 10 "Omg girl! What happened to you?!" agad na nasabi ni Farah ng mapagbuksan ko siya nang pinto. "Wala ah," tangi ko at inaayos na ang aking suot para sa trabaho. Ginawadan ako nang kahina-hinalang tingin ni Farah pero tinukom nalang niya ang kanyang bibig at inabala ang kanyang sarili sa paglalagay ng mga aparatos niya sa katawan. Ako naman ay sinuklayan ko ang aking mahabang buhok bago ko iyon tinirintas, naglagay din ako nang kaunting pulbo sa mukha dahil halatang halata na umiyak lang ako buong araw. Simula nang iniwan akong mag-isa ni Rihav sa silid ko ay umiyak ako nang umiyak. Hindi ko na naubos pa ang pagkain na hinanda niya, wala narin akong ganang kumain pa. Nag-iba na talaga si Rihav, akala ko siya parin iyong kilala ko. Na uunahin ako sa lahat ng bagay, ngayon...m