Chapter 16

907 Words
In the book of Enoch, a series of ancient scrolls hidden in large clay jars and were found in the Qumran caves a very long time ago, the watchers were sent to Earth to watch over humans. Anghel ang mga ito na ipinadala sa lupa upang patatagin ang kanilang paniniwala at gampanan ang misyong paggabay sa mga tao. Batid ng Ama na may pag-aalinlangan ang mga ito. They didn’t fully trust the Father. Katulad ni Astrid. Isa ito sa mga ipinadala sa lupa.  “Trust in the Lord with all you heart,” anang Ama. Pero hindi naging sapat ang pagtitiwala sa Kanya ng ibang anghel. Kabilang na roon si Astrid na natalo ng temptasyon. Those whose faith had been fully restored were able to return to heaven. Ang mga katulad naman ni Astrid na nabaon sa kumunoy ng temptasyon ay tuluyan nang hindi nakabalik sa paraiso. Ngayon ay nagbabalik ang mga ito. Hindi bababa sa lupa ang mga anghel kung walang mahalagang misyon. Kinabahan na siya. “They want her.” Sinulyapan ni Astrid si Scylla na nakaupo sa isang sulok ng sofa. Nasa loob na sila ng penthouse.  “Ano ang kailangan nila sa kanya?” tiim-bagang na tanong niya. Kung ang pagbabasehan ay ang itim na libro, malamang na kakailanganin ng langit si Scylla para pabagsakin ang isa sa mga haligi ng impyerno.  At nagiging malinaw na sa kanya na siya ang diablong sinasabi sa itim na libro. That was why he was tasked to kill her. Because she would end him if he didn’t.  Pero umibig siya rito. Malungkot niyang tinitigan ang dalaga. Nakayuko ito at kuyom na kuyom ang mga kamay. “They need her to destroy us,” sambit ni Gavriil, puno ng pang-uuyam. Matalim nitong minasdan ang dalaga. Napayuko siya at mariing naglapat ang mga ngipin. Gustong sumiklab ng apoy sa loob-loob niya. Ang presensya lang ng dalaga ang dahilan kung bakit nakokontrol niya ang sarili. Scylla was the only one stopping him from changing into his devil form. Ito lang ang dahilan kung bakit nasa lupa pa siya. He wanted a life with her. Even if it meant losing power and control of the throne. Ibinuka niya ang mga braso at mahinang tinawag ang pangalan ng dalaga. Nang mag-angat ito ng mukha ay nagtama ang kanilang mga mata. Nakita niya ang mga butil ng luhang naglalandas sa pisngi nito. Scylla was crying and it pained him to see her like this. She threw her little body in his arms. Humikbi ito at niyakap siya nang mahigpit. “H-huwag mo akong iwanan, parang-awa mo na. Hindi ko kakayanin. Ikaw lang ang meron ako at ang sabi mo ay tayo ang nababagay sa isa’t isa.” Gavriil snorted, obviously disgusted. Itinaas nito ang mga kamay. “I’m going home to hell,” anito. Then, he just vanished. “The watchers are strong. I should know. Kaya mag-iingat kayo,” ani Astrid. Tumayo na ito at nagpaalam. “Ano na ang gagawin natin?” basag pa rin ang boses na tanong sa kanya ni Scylla. “I will never leave you.” Sa higpit ng pagkakakapit sa kanya ni Scylla, alam niyang kailangang-kailangan siya nito. At hinding-hindi niya ito iiwan. MALAKAS NA HANGING galing sa ipinapaspas na pakpak ang gumising sa nahihimbing nilang diwa ni Ezrah. Napatingin siya sa lalaki, puno ng takot ang kanyang mga mata. Kung totoong makapangyarihang mga anghel ang sinugong pumanaog sa lupa ay paano nila lalabanan ang mga ito? Nakikita niyang nag-iba na si Ezrah. Noong una ay hindi ito natutulog. Nakatitig lang ito sa kanya buong magdamag. Unti-unti ay nakakaramdam na ito ng emosyon at pagod. Kalaunan ay ginugupo na ito ng antok. Kahit na itago nito sa kanya, nakikita niyang nababawasan na ang lakas nito. Hindi na ito kagaya noong una niya itong nakilala.  Hindi na niya masilip ang purong kasamaan sa mga mata nito. Lumapit siya sa lalaki. “Ezrah…” “Dito ka lang.” “H-huwag kang lumabas.” Bumaling ito sa kanya at hinaplos ang pisngi niya, mainit. Ngumiti ito, ngiting hindi umabot sa mga mata. “Huwag kang matakot. Poprotektahan kita.” Bumaba ito ng kama at lumabas ng silid. Naiwan siyang nakaupo sa kama, yakap-yakap ang mga tuhod.  Nagulat na lamang siya sa ingay ng mga nabasag na kagamitan sa sala. Namilog ang kanyang mga mata at hindi na siya nagdalawang isip na sumugod sa sala. “Ezrah!” > Nakita niya si Ezrah—duguan at hawak sa leeg ng isang nilalang na may malaking pakpak. Anghel. “Huwag!” Parang siyang mamamatay sa nakikitang anyo ni Ezrah. The angel just stared at her then he shoved his sword to his chest. Parang bumagal ang oras para sa kanya nang mga sandaling iyon habang nakikita niyang nakatarak sa dibdib ni Ezrah ang mahabang espada ng anghel. “Ezrah!” Kung napunit man ang lalamunan niya ay hindi na nakapagtataka. Tila bumagsak ang buong mundo sa kanya. Umiyak siya at tumakbo kay Ezrah nang bitiwan ito ng anghel. She sat beside his almost lifeless body. “Hindi mo ako iiwan! Nangako ka sa akin!” palahaw niya. Ngumiti ito, puno ng lungkot ang mga mata. Tumaas ang kamay nito at humaplos sa pisngi niya. A tear rolled down his face. “I love you. Sorry, I couldn’t protect you anymore.” Iyon lang at tuluyan nang pumikit ang mga mata nito. He’s gone. Parang mawawasak ang dibdib niya. Lumapit sa kanya ang anghel. Ano ba ang gusto nito? Hinding-hindi siya sasama sa mga ito. She felt a strong power within her and she unleashed it. Napuno ng nakasisilaw na liwanag ang buong penthouse. Bumagsak siya sa sahig, hapung-hapo. Nang ilibot niya ang tingin sa kabuuan ng bahay ay wala na ang anghel.  Dumako ang mga mata niya sa kinahihigaan ni Ezrah. Inabot niya ang kamay nito at ipinikit ang mga mata. "Mahal kita..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD