Nang magising si Luna kinabukasan ay naramdaman niya agad ang pananakit ng ulo niya. Nagka-hang-over pa yata siya! Hindi naman niya first time makainom ng wine pero naka ilang shot din kasi siya kagabi. At kung hindi siguro siya nakatulog ng mahaba kahapon ng hapon ay malamang na nakatulog na kaagad siya kagabi dahil na rin sa pag-inom niya. Kinapa niya muna ang higaan ni Jayvee dahil hindi pa niya maidilat ng maayos ang mga mata niya lalo’t tila kumikibot-kibot na ang sintido niya nang sinubukan niyang gumalaw ng biglaan. Pero wala ito roon. Kagaya ng mga nakaraang araw ay maaga na naman itong bumangon. Pinilit na niyang dumilat at bumangon habang nakahawak ang kanang kamay sa ulo niya. Luminga siya sa paligid para hanapin si Jayvee pero hindi niya ito roon nakita. Kahit nakainom siya