Chapter 10 – Babe

1395 Words

Kinabukasan ay maagang naghanda si Jayvee para umalis. Puwede naman sanang ipagpaliban nito ang pag-alis pero ang sabi nito ay bukod sa kakausapin nito ang pamilya ni Sophie ay may kakausapin pa itong isang tao para tuluyan itong makalaya sa kasunduang iyon at kailangan pa nitong lumipad sa ibang bansa para gawin iyon. At higit sa lahat ay gusto na raw nitong maging legal ang pagsasama nila sa mata ng mga tao at ng batas. “I’ll be back as soon as I can, baby. Please, umuwi ka na pagkatapos ng klase mo. I hate it when you’re hanging around with that Sandro.” Malambing nitong paalam pero bahagyang sumama ang hitsura ng mukha nito nang mabanggit si Sandro. “Kaibigan ko lang si Sandro at bakla siya—“kusa siyang tumigil sa pagpapaliwanag nang tumalim na naman ang tingin sa kanya ni Jayvee

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD