Nababaliw na ba siya? O baka namamalikmata? Epekto ba ng pagbubuntis niya ang pagha-hallucinate niya? “Luna, baby.” Agad lumapit sa kanya si Jayvee, ang nasa bukana ng dining area at niyakap siya nito ng mahigpit. Sobrang higpit na halos di na siya makahinga at ramdam na ramdam niya na sobra siya nitong na-miss! Bigla rin siya nitong hinalikan ng mariin sa mga labi! Hindi siya nagha-hallucinate! Totoong nandoon si Jayvee! Pero bakit… bakit dalawa ang Jayvee?? Lalaliman pa yata sana nito ang paghalik sa kanya pero napakalas siya rito at sabay silang napalingon sa marahas na tunog ng nahilang upuan sa dining area, at nakita nila roon si Jayvee na nakatayo na at tila masama ang tingin sa kanila. Pero, wait! Nalilito na siya! Sino ba talaga ang totoong Jayvee? At bakit dalawa sila?!