“Just go back to your women in the US. Alam ko namang nagbibilang ka lang ng mga babae ro’n. Ako na ang bahala sa asawa ko at sa magiging baby namin.” Ani Jayvee. Patuloy pa rin sa pagbabangayan ang dalawa habang patuloy rin siyang naguguluhan kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari at kung sino ang mas pipiliin niya. Pero ang hirap! Nakakalito! “Didn’t you hear me? I said I can’t let Luna go. She is my wife. I’m the one she married and not you.” Di rin nagpapatalong sagot ni Jaycee. Lumapit pa ito lalo sa kanila at hinawakan na rin ang braso niya. Ngayon ay parehas na ang dalawa na nakahawak sa magkabilang braso niya. “That's only because she thought that you were me! At kahit saan pa tayo magpunta ay ako pa rin ang mananalo sa ating dalawa! So just get the hell out of here