“I’m sorry baby. It was my idea to come to the mall. Nagkita pa tuloy kayo ni Sophie. Has she been bothering you since I left?” Nasa kotse na sila noon at pabalik na sa mansiyon pero distracted pa rin si Jayvee dahil sa paglapit sa kanya kanina ni Sophie. Nakailang beses na rin itong humingi ng pasensiya kanya pero heto’t nagso-sorry na naman kahit wala naman itong kasalanan sa kanya at hindi naman nito alam na nandoon din si Sophie kanina. “Ok lang ako. Dumating naman agad si Jaycee kaya hindi niya ako nasaktan.” Aniya. Hindi na lang niya sasabihin sa mga ito na nasaktan siya kanina ng kaibigan ni Sophie. “Ngayon na lang naman kami ulit nagkita simula nong last siyang pumunta sa bahay.” Dugtong niya. “When was that?” “About a month ago.” Si Jaycee na ang sumagot sa tanong ni Jayvee.