CHAPTER 27

3409 Words

Naglalakad sila Warren at Mariel sa daan na nasa gitna ng park. Matapos nilang mag-usap sa restaurant ay napagpasyahan nilang dalawa na magpunta rito para mas makilala pa ang isa’t-isa. Kanina pa tahimik ang dalawa. Nag-eenjoy kasi sila sa pagtingin sa paligid at sa malamig at presko na dala ng hangin na dumadampi sa kanilang mga balat. Pamaya-maya ay tiningnan ni Mariel si Warren. Napangiti ito dahil humahanga siya sa tangkad nito. Isa sa gusto niya kasi sa isang lalaki ay ang matangkad at sa aspetong iyon ay pasado na si Warren sa kanya. Napapangiti si Marriel na binawi ang pagtingin kay Warren at tiningnan ang kalangitan. Naging malawak ang pagngiti niya. “Maganda rin palang mamasyal sa park kapag ganitong palubog na ang araw,” wika ni Mariel. Napatingin naman si Warren kay Mariel.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD