Malalim na ang gabi. Nakatayo si Warson sa tapat ng bintana at nakatingin sa madilim na kalangitan na binibigyang liwanag ng buwan at mga nakapalibot dito na mga nagkikislapang bituin na nagbibigay lalo ng kagandahan sa gabi. Hawak niya ang wine glass at sinisimsim ang alak na laman nito. Pinabuksan niya kanina sa kanyang mga tauhan ang bintanang ito para pumasok ang sariwang hangin at para makita na rin ang labas tutal naman at malayo ang kinaroroonan ng kama ni Warren saka nakakadena pa ang mga paa nito kaya hindi ito makakalapit at makakatakas gamit ang bintana. Samantala, naalimpungatan naman si Warren mula sa mahimbing niya na pagkakatulog. Kinusot-kusot niya ng marahan ang mga mata saka dahan-dahang dumilat. Nag-inat-inat siya ng katawan saka tiningnan ang kinaroroonan ni Warson. N
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books