CHAPTER 3

1496 Words
Tumiklop ang gabi at nagbukas na naman ang umaga. Nasa hapag-kainan ngayon ang mag-ama na sila Rodrigo at Warson at magkaharap na nakaupo sa mesa. Nakahain sa mesa na nasa harapan nila ang mga pagkaing almusal na inihain para sa kanila ng mga tagaluto dito sa mansyon. Tiningnan ni Rodrigo ang anak na si Warson na patuloy lamang na kumakain. Kahit kailan talaga ay ang tahimik nito kapag kaharap siya. Magsasalita lang kapag kinausap na niya. Humugot na lamang ng malalim na hininga si Rodrigo saka nagpatuloy sa pagkain. Saktong si Warson naman ang napatingin sa kanya. Hindi maikakaila ni Warson na humahanga siya sa ama. Bukod sa magaling itong magpatakbo ng negosyo, sa edad na wala na sa kalendaryo ay hindi naman halata na nasa ganoong edad na ang kanyang ama. Kunsabagay, gwapo sila ng kakambal niyang si Warren at kanino pa ba sila magmamana? Edi sa ama nilang si Rodrigo. Ang ibig niyang sabihin, sa kabila ng edad nito ay napapanatili pa rin nito ang kagwapuhan. Bukod doon ay hindi rin maiwasan ni Warson na hangaan ang kagandahan ng hubog ng katawan ng ama. Litaw na litaw ang malapad nitong balikat at ang malaman nitong mga braso na may biceps at triceps. Hubog din sa suot nitong sandong itim ang maumbok na dibdib na pinarisan ng u***g na parang tayong-tayo dahil bakat na bakat. Malaki at maganda rin naman ang katawan niya pero hindi maikakaila na mas maganda ang hubog at malaki ang kaha ng kanyang ama. Bumagay pa sa tangkad at laki ng katawan nito ang morenong kulay ng balat. Iba rin talaga kapag may sariling gym sa mansyon na meron sila at minsan niya ring ginagamit. Alagang-alaga ng kanyang ama ang sarili nito. Nakaramdam si Rodrigo na nakatingin sa kanya ang anak na si Warson kaya tiningnan niya ito at tama siya nang pakiramdam dahil nahuli niyang nakatingin ito sa kanya. Kumunot ang noo ni Rodrigo. “Bakit?” seryosong tanong niya. Umiling-iling lamang si Warson saka mabilis na binawi ang tingin sa ama. ‘Ano bang ginagawa ko?’ sa isip-isip ni Warson. Sandaling tumigil si Rodrigo sa pagkain at tiningnan na lamang muna ang anak. “Oo nga pala, kumusta ang kakambal mong si Warren sa Maynila?” pagtatanong ni Rodrigo. Wala man si Warren sa piling nila ngayon ay siyempre bilang ama ay nag-aalala siya para rito. Muling nag-angat nang mukha si Warson at tiningnan ang ama. “Okay lang naman si Kuya, Dad,” magalang na sagot niya. “May trabaho siya doon kaya naman may sarili siyang pera na pantustos sa mga gastusin niya. Nagpatuloy na rin siya sa pag-aaral niya.” Marahang nagtaas-baba ang ulo ni Rodrigo. “Mabuti naman,” aniya. “Ma-pride din kasi ang kuya mo. Umalis pa rito at ayaw pang tulungan siya para hindi rin siya mahirapan.” Nag-aalangang ngumiti si Warson. Nagbaba siya nang tingin saka huminga nang malalim. “Ang pag-aaral mo? Pinagbubuti mo naman ba?” tanong pa ni Rodrigo. Aminado naman siya nagkukulang siya bilang ama dahil na rin sa pagiging abala sa trabaho. Para rin naman ito sa kinabukasan ng kambal niya kaya mas ginagawa niya ng mabuti ang trabaho niya. Muling napatingin si Warson sa ama. Tumango siya bilang sagot. Umangat ang kanang sulok ng labi ni Rodrigo. “Pagbutihin mo ang pag-aaral mo dahil balang araw, ikaw at ang kakambal mo ang siyang mamamahala sa kumpanya. Kayo ang aasahan kong magpatakbo at magpalago pa ng nasimulan ko.” Tumango na lamang ulit si Warson. Wala naman siyang magagawa. Muli na lamang natahimik ang dalawa. Nagpatuloy sila sa pagkain. --- “Okay, one... two three...” pagsenyas at bilang ni Warren saka clinick ang kanyang DSLR na hawak-hawak. Kasalukuyang nasa isang photo shoot si Warren ngayon ng isang kilalang men’s underwear at siya ang kinuha bilang photographer. “Okay! Ibang pose naman!” utos niya sabay tutok muli ng camera sa kinukuhanang model na tanging brief lamang ang suot at litaw ang nangingintab na magandang pangangatawan. Nag-pose naman ang modelo. Lalaking model na kanina pa malagkit ang tingin kay Warren. Pinapakita pa talaga nito ang malaking bukol na natatakpan ng puting bikini brief na suot nito. Hubog na hubog ang katawan at ulo na nakapaling sa kanan. Napapakagat-labi at para talagang nang-aakit. Iba-ibang pose, minsan ay hinahawakan pa ng modelo ang katawan nito at marahang hihimasin ang maumbok na dibdib na pinarisan ng may pagka-brown na u***g. Papa-dausdusin nang dahan-dahan ang palad sa matitigas na abs nito pababa sa ibabaw na bahagi ng garter ng brief. Napangisi na lamang si Warren habang patuloy na kinukuhanan sa iba’t-ibang angulo ang lalaking modelo. Hindi naman kaila na magandang lalaki ito at maganda rin ang katawan na bumagay sa tangkad nito at morenong kulay ng balat. Hindi naman kasi ito magiging modelo ng underwear kung walang itsura. Ngunit wala itong epekto kay Warren dahil mayroon rin naman siya ng kung anong meron ang modelong kinukuhanan ng litrato. “Okay na!” pasigaw na wika ni Warren sa lalaking modelo saka nag-thumbs up. Binawi niya rin ang tingin sa modelo saka binitawan niya ang DSLR na hawak. Nakasabit naman ito sa kanyang leeg kaya hindi na kailangang ilapag pa. Ang iba namang staff ay kanya-kanya na ring ayos para sa susunod na kukunan. Napangiti naman ang lalaki. Lumapit ito kay Warren. “Pwedeng patingin ng mga shots ko?” pakiusap na tanong nito. Mas lalo pang dumikit kay Warren at ang bukol, ayun mas lalong dinidikit sa gilid niya. Bahagya namang lumalayo si Warren pero hindi nawawala ang ngisi sa labi. “Sure!” sambit na lamang ni Warren at hindi pinansin ang panlalandi sa kanya ng modelo. Binuksan muli ang camera at ipinakita sa modelo ang mga kuha niya. Napapangiti naman ang modelo, hindi dahil sa mga nakikita niyang magandang kuha niya kundi dahil sa pagdikit niya kay Warren. Aminado naman kasi siya na gusto niya si Warren sa unang beses na makita niya ito dito. Ang lapit pa ng mga mukha nila, kaunting lingon na nga lang ni Warren, pwede na niya itong halikan sa labi na kanina pa rin niya tinitingnan dahil natatakam siyang halikan ito. “Ano? Okay na ba?” patanong na saad ni Warren. Napangiti naman ang modelo. Tumango-tango ito. “Salamat. Ang galing mo talaga! The best!” pagpuri nito sabay lahad ng kamay. “Sa susunod gusto ko sana ikaw ulit ang kumuha sa akin,” aniya pa. Halata ang landi sa tono nito. Napangiti na lamang siya. Tinanggap ni Warren ang pakikipag-kamay ng modelo sa kanya pero bahagyang nagulat na lamang siya dahil may kasamang pisil pa. Kaagad niya iyong tinanggal at napangiti na lamang ulit sa kapangahasan ng modelo. “Roi! Pwede ka nang magbihis,” sabat naman ni Yale, kasamahan at kaibigan rin ni Warren na isa ring amateur photographer. Nakita niya ang pinaggagawa ng modelo habang naglalakad siya palapit. Napatingin naman ang modelo na nagngangalang Roi kay Yale. Napangiti ito saka tumango. Kahit si Yale, hindi papahuli sa kagwapuhan ni Warren pero mas lamang talaga ang huli. “Sige. Salamat ulit sa inyo,” aniya ni Roi saka umalis na sa harapan nila. Napangisi naman si Yale. Tinabihan niya si Warren sa pagtayo. “Mukhang type na type ka ng pamintang iyon,” nangingising bulong ni Yale kay Warren na napatingin sa kanya. “Ako? Type?” nagtatakang tanong ni Warren kahit na ang totoo, halata nga rin niya. Tumawa si Yale. “Sus! Kunwari ka pa. Todo kaya papansin sayo ‘yun kanina pa. Hay! Mga paminta talaga. Tsk!” natatawang sabi pa niya. “Patulan mo kaya para matigil na,” dagdag suhestyon pa niya. Sinamaan nang tingin ni Warren si Yale. Pinatay ang DSLR. “Para sa babae lang itong manoy ko,” pagmamalaki ni Warren at sinapo ang pundya ng suot niyang jeans. Kahit kailan ay hindi pa pumatol si Warren lalaki kahit na marami ding nagpapapansin sa kanya at nagbibigay motibo kabilang na si Roi. Kung babae, pwede pa. May mga nagalaw na rin naman siyang mga modelong babae na maganda at sexy. “Huwag kang magsalita ng tapos. Kung alam mo lang... mas masarap silang humigop kaysa sa mga babae,” natatawang bulong ni Yale sa kaibigan. Napangisi naman si Warren. “Bakit? Nasubukan mo na?” makahulugang tanong nito. Napangisi lamang si Yale sa kanya. “Silence means yes,” ngumingising saad ni Warren. “Wala namang masama na magpahigop sa kanila, ‘di ba? Malinis silang tumrabaho ng tubo,” birong wika naman ni Yale. Napailing-iling si Warren sa sinasabi ng kaibigan. “Mas masarap pa ring tumrabaho ang babae. The best!” nagbibirong sambit ni Warren at nag-thumbs up. “Nasasabi mo lang ‘yan kasi hindi ka pa nahihigop ng kapwa mo,” Ayaw talagang magpatalo ni Yale. “At wala akong balak magpahigop sa kanila,” segunda naman ni Warren saka ngumisi. Tinawanan na lamang ni Yale ang kaibigan na si Warren na nagkibit-balikat naman at kumindat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD