CHAPTER 11

2595 Words

Natapos ang ilang oras na klase ni Warson. Dumiretso ito ng punta sa isang lumang simbahan na matatagpuan sa bayan. Nasa loob na siya ng simbahan. Mag-isang nakaupo sa isang mahabang upuan na gawa sa binarnisan na kahoy at nasa ikatlong linya. Katulad ng mangilan-ngilang taong nasa loob din ngayon, nakatingin ang mga mata ni Warson sa mga religious items na naka-pwesto sa harapan ng altar. Mababanaag sa mukha ni Warson ang pagkahabag. Sandali niyang nakalimutan ang mga kamalian ngunit bigla rin itong bumalik sa kanya at ngayon ay walang habas siyang hinahambalos ng konsensya. “Patawarin niyo ho ako kung nakalimot ako,” mahina at madamdaming usal ni Warson. Kumikislap ang mga mata niya hindi dahil sa masaya siya kundi dahil sa naluluha siya. “Nakalimot ho ako sandali na mali ang lahat ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD