CHAPTER 10

2622 Words

Walang taong naabutan si Warson sa pagpasok niya ng kanilang mansyon. Galing siyang eskwelahan matapos ang maghapong klase. Mahinang nagbuga nang hininga si Warson. Ganito naman kasi palagi ang senaryo dahil may kanya-kanyang ginagawa ang mga tao rito. Umakyat na lamang si Warson papunta sa kanyang kwarto. Pagkasara ng pintuan ay kaagad niyang nilapag ang bag niya sa isang upuan, tinungo ang kama at pasalampak na nahiga roon ng patihaya. Ramdam niya ang kalambutan ng kama na tila tubig ang hinihigaan niya. Nagpahinga siya ng halos trenta minutos bago nagpasyang bumangon at tumayo muli. Isa-isang hinubad ni Warson ang mga suot na damit, mula sa polong uniporme nito pamasok hanggang sa slacks. Pati ang medyas at sapatos ay hinubad na rin niya. Naka-brief lamang siya na kung saan nakabuko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD