Chapter 4:Sorry

3612 Words
Zianah pov Excited na ako sobra. Ang laki na nga ng ngiti ko habang nakatingin sa harap. May babaeng nakatayo sa harap. Wearing her racing suit. Naka mini skirt siya na kulay yellow, tapos naka tube siya na kulay yellow rin. At may dala siyang flag na kulay yellow. 'Lakas maka yellow ng babaeng' to, para namang tae yung kulay. Pati siguro ngipin niya yellow' Tumawa ako ng mahina. "Will you stop giggling" "Huh?" "Tanga" Nakita kong nag roll eyes siya. Nagkamot nalang ako sa ulo. Tumatawa nanaman ba ako ng mag-isa, dang! malala na yata' to. Iwinasik ko nalang ang ulo ko at ituno-on ang pansin sa harap. Iwinagayway nung girl yung yellow flag kaya nag simula ng mag takbuhan yung mga kotse. Pinatakbo narin ni Rondell yung kotse niya ng mabilis. Humigpit ang hawak ko sa seatbelt ko. Nasa unahan yung sasakyan ni Tiu, tapos kami nasa hulihan. Kinabahan tuloy ako baka matalo kami. "Oy! unahan mo yung Tiu gusto mo bang matalo"Natataranta kong saad Di naman siya sumagot. Seryoso lang ang mukha niya habang nag dadrive. "Ayun, nag improve ka, hindi kana nag papahuli" sambit ko ng malagpasan niya yung dalawang kotse "Pumunta ka sa gilid nung Tiu, bilis" sabi ko ulit Ngunit hindi naman siya nakinig sakin dahil nanatili parin kami sa pwesto namin. "Hala! baka matatalo tayo nito, tignan mo naka two lap na yung Tiu" tinuro ko yung kotse ni Tiu na ang bilis tumakbo Di tumingin si Rondell sa tinuro ko dahil seryoso lang talaga siya habang nakatingin sa daan. Ano bang problema niya? bakit wala man lang siyang pakialam na mahuli kami. Napasimangot tuloy ako. Wala talaga siyang paki na matalo kami. Naka one lap palang kami tapos yung ibang kalaban naka two lap na. "Uwhaaa!!" Sumigaw ako ng mas binilisan niya pa ang pag patakbo ng kotse at sa isang iglap lang nasa tabi na kami ni Tiu nakipag karerahan. Napanganga nalang ako dahil sa nangyari. Para talaga akong lumutang sa ere. Hindi ako makapaniwala, ang bilis ni Rondell. Sheet! Binuksan ni Tiu yung bintana niya, pati rin si Rondell binuksan din niya yung bintana. At nag titigan silang dalawa, na para bang may pinapahiwatig sila sa mga tingin nila. Ako naman nakipag titigan rin kay Erica, tinaasan niya ako ng kilay at nag smirk sakin. Inikotan ko siya ng mata at nag 'f**k you' sign. Akala mo ha, nanlaki naman ang mata ng bruhilda. Bago pa siya makapag react. Mas pinabilisan ni Tiu yung takbo niya kaya na una siya. Ito namang si Rondell binilisan din niya yung takbo ng kotse niya, kaya ang resulta na unahan namin si Tiu. "Woah! akala ko mag papahuli ka nalang hahaha" tawang saad ko Grabe nagulat talaga ako sa kanya kanina, nung nilagpasan niya ang mga kalaban niya sa isang iglap lang na walang hirap. "Tsk.." Wala ba itong alam sabihin kundi 'tsk' ang sungit talaga. Last lap nalang para tapos na ang laban. At yung iba pang kalaban malabo ng maka habol dahil ang layo pa nila. Di katulad sa dalawang' to, nag-uunhan para makarating sa finish line. *c***k* Napatingin ako sa likod para silipin kung ano yung nag c***k at bwesit binangga ni Tiu yung sasakyan namin sa likuran. "Ang daya naman ng Tiu na yan tama bang banggain ang sasakyan natin" inis na sabi ko Pero wala man lang siyang reaksyon. Sinilip lang niya sa side mirror si Tiu na patuloy na binabangga yung sasakyan namin. "Sit down properly dimwit, because I'm not in the mood to play his dirty game" aniya Nasa gilid na namin yung sasakyan ni Tiu at pa ulit-ulit na binangga yung gilid ng sasakyan namin. Napa-gilid yung sasakyan sa lakas ng impact ng pag bangga. Buti nalang may seatbelt ako at mahigpit ang pag kakahawak ko sa upuan, kundi napunta na ako sa katabi ko. Umupo ako ng maayos gaya ng sabi niya atsaka hinawakan yung seatbelt ko ng mahigpit. "Tsk.. idiot" bulong ni Rondell at pinaharurot yung sasakyan ng mas mabilis pa kanina, na halos lumipad na yung kaluluwa ko sa sobrang bilis. Pero humabol parin si Tiu, dahil nga mas mabilis at na una si Rondell siya ang nanalo. YES PANALO! Pag labas namin ng sasakyan. Dinumog agad siya ng tatlo {Dexter,Tristan,Harvey} para makipag apiran. Hindi nanaman kasali si Ivan, nakikinig lang siya at nakatingin samin sa isang tabi. "Ang galing mo dude na talo mo nanaman si Tiu" sabi ni Dexter. Ang kaso hindi naman siya pinansin ni Rondell,dahil nag lakad na ito palayo. Siguro mag bibihis yun. Nadaanan niya pa si Tiu na masama ang titig sa kanya, di yata maka tanggap sa pagka talo. "Mga bugok, akin na pusta niyo nanalo si pareng Rondell" sigaw ni Tristan kina Harvey at Dexter "Ulol! baka ikaw yung talo, kay Tiu ka pumusta, kaya akin na dye'z mil mo" sabi ni Harvey at binatukan si Tristan "Yan kasi wala ka kasing tiwala kay dude Rondell, kaya yan na pala mo akin twenty thousand ko, talo kang hayop ka!" sabi naman ni Dexter at sinapak sa ulo si Tristan Sumimangot si Tristan. "Mga pvta kayo! kapag ako nakaganti sa inyo patay kayo sakin" sabi ni Tristan habang naka hawak sa ulo niya na binatukan at sinapak ni Harvey at Dexter. "f**k you dude, akin na yung pusta mo"__Dexter "Hahaha kung makaganti ka pre akin na rin yung pinusta mo"__Harvey "Linte! bukas ko na ibibigay. Mag wiwidraw pa ako!" sigaw ni Tristan Tinawanan siya ng dalawa at mas lalo pa siyang inasar nina Dexter. Ako naman di makapag salita. Grabe ang yaman nila, imagine 10,000 at 20,000 ang pustahan. Hindi man lang sila nang hihinayang nun, ang laki kaya ng ipinusta nila . Tinignan ko si Ivan, napa iling nalang ito sa mga kalokohan ng tatlo niyang kaibigan. Buti pa ang isang 'to matino, yun nga lang masyado siyang seryoso at parang maraming na lalaman. Nabaling ang tingin ni Ivan sakin, umiwas agad ako ng tingin. 'He's creepy' Di nag tagal, bumalik na si Rondell at naka bihis na. Naka jeans siya at black t-shirt. "Tara na"sabi niya at nauna ng mag lakad. Sumunod na ako sa kanya, pati sina Ivan Pumunta ako sa gilid ni Rondell para mag tanong. "Wala bang premyo?" "One million" Napa tigil ako sa pag lalakad. "Ano yung premyo?" tanong ko ulit "One million" Napa 'huh?' naman ako. "Anong one million? di kita maintindihan" "The prizes is one million, paganahin mo nga yang utak mo" iritadong sagot niya Seryoso,one million talaga!? grabe ang laki ng prize, di ako maka paniwala. Pwede din kayang sumali?marunong din naman akong makipag karerahan ng sasakyan. Hinabol ko siya at pumunta sa harapan niya. Huminto siya sa pag lalakad at tinaasan ako ng kilay. "Luh! grabe ang laki ng one million, so nakuha mo na yung pera?"tanong ko ulit sa kanya Di naman sa gusto kung maki hati ng pera at saka wala naman akung ginagawa sa kotse kundi ang mag ingay. So i have no right para maki hati sa kanya. Ang akin lang curious ako kung paano binigay yung one million, nilagay ba sa bag o checke ang binigay sa kanya o baka naman ATM. He shrug his shoulder at nilagpasan ako. Sinundan ko naman siya sa pag lalakad. "Oy! nakuha mo na ba yung pera at paano binigay sayo?" Balak ko talagang sumali sa susunod, ang laki ng premyo. Akala ko di siya sasagot, pero nag kakamali ako. Huminto siya sa pag lalakad at tinignan ako deretso sa mata. "As i have said, hindi pa ako nag hihirap, so obviously i didn't get the money" aniya at nag lakad ulit Napa nganga nalamang ako sa sinabi niya. May saltik talaga ang isang yun. Bakit hindi niya kinuha yung prize niya, pinag hirapan niya yun dapat niyang kunin. Kamuntikan pa siyang mapa hamak dahil kay Tiu. "Hayaan mo na si Rondell, ganyan talaga siya e, ayaw tumanggap ng pera. Kaya siya sumali dito hindi dahil sa pera, kundi para maaliw" Nabalik ako sa ulirat ko dahil sa sinabi ni Dexter, tinapik niya ang balikat ko bago sila nag lakad papunta sa sasakyan nila. Hinabol ko si Rondell. Nakita ko siyang papasok ng kotse niya. Agad kung hinablot yung braso niya at pinaharap siya sakin. "Sira ka ba ha! bakit hindi mo kinuha yung prize, pinag hirapan mo yun at saka hindi ka ba na sasayangan muntik na nga tayong mapahamak kanina dun sa race, tapos di mo kukunin yung pera. Di naman ako ng hihingi ng kalahati, ang akin lang kunin mo yung pera at i-donate mo sa na ngangailangan ng tulong, kung ayaw mo sa perang yun, para magamit at makakatulong" mahabang litanya ko sa kanya Nag ka salubong naman yung kilay niya saka sinamaan ako ng tingin. "You have no right to tell me what I'm going to do. Because you're just a dimwit and annoying creature for me. Kung gusto mo, ikaw ang kumuha ng pera at i-donate mo yong kalahati sa iyong tinatawag na, nangangailagan ng tulong, at yung kalahati sayo na yun, total mukha ka namang pera eh" Pumasok siya sa kanyang kotse at pinaharurot ito ng mabilis. Natulala naman ako dahil sa sinabi niya.. Fuck you Rondell Carver Thompson!!!! go to hell!!!! *** Nag lalakad ako ngayon sa hallway ng school. Daig ko pa baliw, para akong sabog,in short wala ako sasarili. Hindi kasi ako maka move-on sa sinabi sakin ni Rondell kahapon. Mukha daw akung pera, langya! ang sarap niyang patayin. Hindi ko naman kailangan ng pera na yun, dahil andiyan naman si Boss Tomas para bigyan ako ng pera. Kundi lang siya agad umalis, baka na samapal ko na siya. Ang kapal ng mukha niya para sabihin sakin yun. Buti nalang talaga nag sisimula na yung klase. Wala ng tumitingin sakin ngayon. Na parang nakayokyok ng shabu sa sobrang high. Sobrang late ko na nga e.Napaka tagal kung gumising dahil sa Rondell na yun. Pinapatay ko na nga siya sa isipan ko ka gabi hanggang ngayon. Pagdating ko sa pinto ng room, agad ko itong binuksan. Tinignan nila akong lahat. Nag good morning ako kay maam Ventura at dumiretso na sa upuan ko. Buti nalang mabait si ms.Ventura kaya di ako pinagalitan. Nakita ko sa gilid ng mata ko na naka tingin sakin si Rondell. Di ko siya pinansin at nag diretso-diretso na sa upuan ko na katabi niya. Shit! ang tadhana nga naman, kahit gustohin ko mang iwasan siya. Hindi ko magawa dahil kaklase ko nga pala siya sa unang subject at katabi pa, peropagka tapos nito di ko naman siya makikita, first subject lang naman kami mag kaklase, kaya okay lang. Pagka upo ko sa upuan naka tingin parin siya sakin. Kumunot ang noo ko at napa irap sa kawalan. Anong tinitingin-tingin niya diyan? Kahit gusto ko siyang sigawan,sampalin at tadyakan, pinigilan ko lang ang sarili ko. Arg! Ang hirap mag pigil. Mga limang minuto siguro siyang nakatitig sakin. Nakita ko pa ang pag irap niya. Yong irap ng lalaking maka laglag panga at hot sa paningin ng babae, bago siya umob-ob sa desk niya. 'Matutulog yan panigurado tss..' Tubuan ka sana ng konsensiya sa sinabi mo sakin, pakyo ka Rondell, pakyo ka! Nakinig ako kay Ms.Ventura kahit nangangalaiti ako sa galit. Hanggang sa matapos yung time niya. Lalabas na sana ako dahil di ko planong mag stay sa loob ng classroom. Nang may biglang humila sa back pack ko pagtingin ko... ... Ang walanghiyang Rondell lang pala. "Mag usap tayo" seryosong sabi niya As usual, andami nanamang nakatingin sakin habang hila-hila ako ng walangyang lalaking' to. Di ko sila ininda, dahil ang nasa isip ko lang ngayon ay... 'Saan nanaman niya ako dadalhin?' Gusto ko nga siyang iwasan ngayon pero ito hinila nanaman ako sa kung saan. Paano ako makaka iwas sa kanya niyan. Balewala lang sa kanya na hinihila ang bag ko. Nag kanda buhol-buhol tuloy ako sa pag lalakad. Leche naman oh! sarap tadyakan ng shunga na' to. Nagulat ako ng ipinasok niya ako sa c.r ng panlalaki. Pinalabas niya muna yung mga tao sa loob na natataranta sa pag dating naming dalawa, pag katapos hinarap niya ako at hinawakan ang dalawang balikat ko. Tinitigan niya ako sa mata, kinunotan ko siya ng noo. "Problema mo?" Nag iwas siya ng tingin. Huminga muna siya ng malalim bago nag salita. "look agjkqtgdgtdgdja for aglgmjwjngw words" =__________= "Huh?" Hanu daw!? yung look,for at words lang yung naintindihan ko, the rest wala na. Ang hina kasi ng pag kasabi niya. "Anong sabi mo?" tanong ko Sinamaan niya ako ng tingin, pero di kalaunan pumikit siya at hinilot niya yung bridge ng ilong niya tsaka siya nag mulat ng mata. "I said agkgjtjmdn" =______= Napa ikot yong mata ko dahil sa inis. "Ayusin mo nga yang pag sasalita mo, di kita maintindihan" Umasim ang mukha niya tsaka ako sinamaan nanaman ng tingin. "Are you a f*****g deaf. I said agkgpwnkhdgow" galit na sigaw niya sa mukha ko Kumunot pa lalo yung noo ko. Ang lakas nga nang sigaw niya, pero humina naman pag kasabi niya sa hulihan. "Anong sinabi mo sa huli? pwede pakilakasan, kasi ang hina talaga e" Nag kamot ako ng ulo at tinignan siya ng bored na tingin. Mas lalo pang sumama yung tingin niya sakin. As in samang-samang talaga, parang konti nalang kakatayin na niya ako. "Darn you dimwit! apgjdmkzklm" "Ha!" "Bullshit! i said I'm sorry! I'm sorry okay. I didn't mean to say those words yesterday, so I'm sorry...dimwit I'm sorry!" O________O "Ah! ok" sabi ko nalang habang tumatango-tango. Wala akung masabi, speechless ako. Pero bakit naka sigaw siya? ibang klase rin mag sorry. Ang tahimik naming dalawa. Wala man lang ingay kaya nag salita ako. "Okay" Simpleng sorry lang, ang hina pa ng boses niya. Mahirap bang sabihin ang 'sorry' di naman ah. Nagulat ako ng sinuntok niya yung ding-ding, sa bandang gilid ko. At tinignan ako ng matalim. Dumudugo yung kamay niya dahil sa pag suntok niya sa ding-ding, pero parang wala lang sa kanya yon. Lumunok ako. "Anong sabi mo!? Okay? f**k it! that so f*****g hard to say those f*****g words, then you reply me like that. A simple 'okay', putangina, hindi ko alam kong bakit humingi pa ako ng sorry sa taong walang kwenta sa buhay ko, bwesit!" Napa pikit ako sa lakas ng sigaw niya sa akin. Ang bango talaga ng hininga niya. Kaso masyadong matabil ang dila. Arg! "Dammit! say something!" sigaw niya ulit Nag mulat ako ng mata at tinignan siya diretso sa mukha. "Ano pa bang gusto mong marinig galing sakin, diba sinabi ko na diba, okay na!... Okay na pinapatawad na kita. Ano pa ba ang gusto mong sasabihin ko ha!..sarap mo ding barilin eh" syempre yung pang huli kung sinabi binulong ko lang yun mahirap na Mas lalong tumalim yung tingin niya sakin. "Iniinis mo lang ako, tangina" sigaw niya ulit at sinuntok nanaman yung ding-ding bago siya pumunta sa pinto at binuksan ito ng ubod pwersa. Pagka bukas niya ng pinto, bumungad sina Dexter na nakikinig sa pinag-uusapan namin. Naka dampi pa yung tenga nila sa pinto ng c.r, kaya pag bukas ng pinto sabay- sabay silang tumilapon papasok ng c.r at nag tutulakan. Nakita ko si Ivan sa likuran nila. Naka cross arm ito habang diretso ang tingin sakin. "Ay! puta tol" "Bwesit" "Tangna" Kanya-kanyang mura nila Dexter. Napa halik sila sa sahig ng c.r pagka bukas ng pinto. "DAMN! DID THE FOUR OF YOU, EAVESDROP!" Umalingaw-ngaw ang sigaw ni Rondell sa loob ng c.r pag kakita niya sa apat sa pintuan. Grabe, na bingi yata ako dahil sa sigaw niya. He look like a monster that ready to eat his prey. "Anong ginagawa niyong apat dito, nakikinig ba kayo sa pinag uusapan namin, answer me!" galit na galit ang dragon niyo Tumayo silang tatlo at nag tulakan kung sino yung sasagot sa tanong ni Rondell. "Dexter sagotin mo yung tanong ni pareng Rondell" bulong ni Harvey kay Dexter Siniko ni Dexter si Harvey "Gago! bakit ako si Tristan nalang" sabi ni Dexter at tinignan si Tristan Lumaki naman yung mata ni Tristan dahil sa sinabi ni Dexter. "Tangna mo Dexter, bakit ako nandiyan si Ivan " sabi ni Tristan sabay tingin kay Ivan. Napa tingin din si Dexter at si Harvey kay Ivan na cool na cool lang na naka sandal sa dingding. "Wag niyo kung isama sa mga kalokohan niyo mga unggoy! hindi ako kasali diyan" nag lakad palayo si Ivan Napa nganga nalang sina Tristan,Harvey at Dexter dahil sa sinabi ni Ivan sakanila "Wala talagang kwenta ang isang yon" bulong ni Dexter kina Harvey at Tristan Tumango naman yung dalawa bilang pag sang ayon sa sinabi ni Dexter. "Will you stop murmuring, naririnig ko kayo, now answer me what the three of you doing here? eavesdrop is it?" Tumigil yung tatlo sa pag bubulungan at tinignan si Rondell. Para bang takot na takot sila kapag mag kakamali sila ng sagot. "A-ah a-ano kasi a-ahm a-ano ano yun a-ahm" parang tangang sabi nilang tatlo wala na mang na buong sasabihin. "Tsk... Fine save your all f*****g explanations, mag uusap tayo mamaya " sabi niya at nag lakad na palayo Pagka wala ni Rondell, huminga ng malalim yung tatlo. Para bang na tanggalan sila ng tinik pag ka wala ng lalaking yon. "Whoo! akala ko katapusan ko na" sabi ni Tristan "Ako rin langya. Akala ko di na ako makikita ng mga bhabes ko akala ko katapusan ko na rin" sabi naman ni Dexter "Amputs, ako rin naiihi ako sa sobrang ka ba kanina, kaya iihi muna ako mga pare" sabi ni Harvey at pumasok na sa isang cubicle dito "Parang naiihi rin ako pasama tol"sabi ni Tristan at pumasok sa pinapasukang cubicle ni Harvey "Putangina! wag ka dito labas" sigaw ni Harvey sa loob ng cubicle at tinulak si Tristan palabas Nag kamot nalang sa ulo si Tristan at lumipat sa isang pang cubicle "Mga sira talaga" bulong ko sa sarili ko "Chua" Napatingin ako kay Dexter ng tinawag niya ako. "Bakit?" Lumapit siya sa akin ng ka-unti. "Alam mo bang ikaw lang ang pangalawang sinabihan ng sorry ni Rondell, kaya nga nung makita niya kaming nakikinig sa pinagsasabi niya sayo sobra siyang nagalit" tumawa siya ng kaonti Kaya pala ang hina ng boses niya kanina nung sinabi niya yung sorry, dahil hindi pala siya sanay mag salita ng ganun. "Sino yong na una?"tanong ko Sasagot na sana si Dexter ng lumabas na yung dalawa sa cubicle, tapos na ata umihi. "Tara na Dexter! ay! andiyan ka pala Chua hahaha nakalimutan ko" sabi ni Tristan pag kakita niya sakin Nginitian ko siya at ibinaling ulit yung tingin ko kay Dexter, dahil hinintay ko yung sagot niya. Pero ngumiti lang siya sakin at tinapik yung balikat ko. "Ikaw nalang mag hahanap ng sagot sa tanong mo Chua" aniya at na una ng lumabas ng c.r Ay pakshet, yan tayo e. Nginitian muna ako ni Harvey at ni Tristan bago sila sumunod kay Dexter. Nung di pa sila nakakalayo sakin. Narinig ko pa ang sinabi ni Tristan kay Dexter. "Anong sinabi mo kay Chua?"tanong ni Tristan "Wala! chismoso ka talaga" **** Lumabaas na rin ako ng comfort at pumunta na akung cafeteria, 5 minutes nalang yung natira sa 2nd period ko pag katapos lunch break na Habang nag lalakad ako, iniisip ko yung sinabi ni Dexter sakin dun sa c.r Bakit mahirap kay Rondell na sabihin ang sorry anong dahilan niya? At sino ang unang na sabihan niya ng sorry?girlfriend niya kaya? Teka may girlfriend na kaya si Rondell? Habang nag iisip ako ng kong ano-ano, may naka bangga sakin. "Sorry! hindi ko sinasadya nag mamadali kasi ako" sabi niya Ngumiti lang ako sa kanya "ok lang" 'She's pretty' sabi ng utak ko. Maputi ang balat niya. Medyo bilog ang mata at may mapulang labi. Golden yellow ang may kahabaang buhok. Nginitian ko siya at mag lalakad na sana ako palayo ng tinawag niya ako. "Wait!" sigaw niya, nilingon ko siya "Do you know where is the principal's office?"tanong niya Tumango ako at lumapit sa kanya. "Oo alam ko, bakit anong gagawin mo dun?" Pinakita niya sakin yung envelope na dala niya. "I need to pass this,dahil mag tatransfer ako dito" aniya habang naka ngiti "Halika samahan kita dun" sabi ko at hinila na siya papuntang principal's office Habang nag lalakad kami papuntang principal's office nag tatanong ako sa kanya. "Bakit ka pala mag tatransfer?" Kailan pa ako naging matanong. At nag aya pa talaga akong samahan siya ah. Damn Zia! "Because my childhood friend is here" sagot niya "Talaga?" Tumango siya at nagsalita ulit. "Actually I'm from america, pero pure filipino talaga ako, dun lang ako nag aaral when I'm in highschool" Mukha din naman siyang amerkana, pang foreign din mukha niya at matangos pa ang ilong. "Buti naman di ka nahihirapan mag tagalog, isipin mo ilang years ka dun" Ngumiti siya sakin. "Kahit nasa america ako tagalog naman yung pagsasalita ko, mga pilipino din kasi mga kasama ko dun" sabi niya "Talaga! ay! nandito na pala tayo " nasa tapat na namin yong pinto ng principal' s office "Sege alis na ako" sabi ko Mag mag lalakad na sana ako,ng tinawag nanaman niya ako. Hinarap ko siya. "Wait what's your name?" "Just call me Zianah" Ngumiti siya sakin at nakipag kamayan. "I'm Lhaila...Lhaila Santillian," sabi niya at pumasok na sa loob ng princripal's office
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD