Papauwi na ako ngayon sa apartment ko. Malapit lang ito sa Thompson Academy, si boss ang bumili nun pero ako yung pumili ng unit ko.
Pagdating ko sa apartment ko. Agad kung ipinark yung motor bike ko sa harap ng apartment. At dumiretso na sa pinto.
Nagtaka ako dahil pag bukas ko ng pintuan ng apartment ko. Hindi naka lock. Sigurado ako na nilock ko yung pintuan pagka alis ko kaninang umaga, kaya bakit ngayon bukas nato? Pakshet may akyat bahay yata.
Dali-dali akung pumasok sa loob ng apartment, antahimik pag pasok ko.
Dahan-dahan akung pumunta ng dinning room para tignan kung may tao ba,pero wala akong nadatnan. Maski anino ng tao wala. Pumunta din akung kusina pero wala ding tao.
Umakyat ako sa pangalawang palapag ng apartment ko. Hindi naman kasi maliit yung apartment. Sakto lang yung laki at may second floor na kung saan andon yung kwarto at library ko.
Pumunta ako sa kwarto ko, pero maski don walang ring tao. Ang panghuli kung pinuntahan ay ang library.
Dahan-dahan kung binuksan yung pinto ng library. Pagka bukas ko ng pinto, agad bumungad sakin ang isang shureken na papalapit sakin kaya dali-dali akung nag tago sa gilid ng pinto para di ako matamaan ng shureken.
"s**t! sino ka?" tanong ko pero walang sumagot
Sinilip ko yung loob ng library pero wala akung makitang tao.
Papasok na sana ako sa loob para echeck kung sino yung naka pasok sa apartment ko. Naka isang hakbang palang ako ng may papalapit na kamao sa sikmura ko. Agad kung hinawakan yung kamay niya at ibinalibag ito. Sumigaw siya sakit. Hindi ko makita ang mukha niya kasi naka mask siya.
"Sino kang hinayupak ka? Anong kailangan mo sakin?"
Hindi siya sumagot, tumayo lang siya at sinugod ako.
Bawat atake niya iniiwasan ko. Marami siyang shureken na hinagis sa akin at walang hirap ko lang itong inilagan, inatake niya rin ako ng sipa at suntok. Bigla niya akung natamaan sa mukha kaya di ko na napigilan na sikmuraan siya at tadyakan.
Napa higa siya sa sahig dahil sa ginawa ko, tinapakan ko yung tiyan niya at tinanggal yung mask niya sa mukha.
Literal na nanlaki yung mata ko pag kakita ko sa mukha niyang naka ngisi.
"Ganyan ka ba bumati sa kaibigan mo" aniya
"Aldred?"wala sa sariling sambit ko sa pangalan niya
"The one and only. Aldred De Vera" mas lalong lumaki yung ngisi sa labi
"Hindi mo lang ba ako tutulungang tumayo diyan?grabe ang lakas parin ng galaw at kamao mo, walang kupas" tumawa siya ng malakas, hindi humagalpak na siya sa pagtawa.
Hindi parin pala nag babago ang gagong'to.
Idiniin ko yung sapatos ko sa tiyan niya at sinamaan siya ng tingin.
"Aray! ang sakit niyan Zia!!" hinahawakan niya ang sapatos ko na nasa tiyan niyang naka diin
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at tinanggal yung paa ko sa tiyan niya at umupo ako sa upuan dito sa library ko
Tumayo siya at pinagpagan yung damit niya pagkatapos tinignan ako ng naka ngiti.
"Namiss kita Zia kamusta na?"
Binuka niya ang dalawa niyang braso para yakapin ako. Napatigil siyang tumangkang yakapin ako dahil tinapon ko sa mukha niya yung mask. Sumimangot siya sa ginawa ko.
"Wala ka paring pinag bago. Napaka brutal mo parin sakin" sabi niya habang naka pout
"Shut up Dred! sagutin mo na yung tanong ko sayo" walang ganang saad ko
"Mainipin ka parin" humagalpak nanaman siya sa tawa. Nginiwian ko siya.
'Yeah! I am an impatient person, pero kapag nag panggap ako bilang nerd na mahina kaya kung tiisin ang pagka mainipin ko. Urg!'
Dahil sa inis ko, tinapon ko sa kanya yung isang libro sa lamesa pero di siya natamaan dahil nasalo niya ito.
"Uh! Uh! pikonin ka parin" sabi niya na may ngisi na sa kanyang labi.
I rolled my eyes on him.
'Sarap kunin ng ngisi niya sa mukha'
"Sasagot ka ba o ibibitin kita patiwarik diyan sa kinatatayuan mo" banta ko
Humalakhak siya at kumuha ng isang upuan at humarap siya sakin, pabaliktad ang upo niya. kaharap niya ang sandalan.
"Pinadala ako ni boss dito para tanongin ka kung kamusta na yung pinatrabaho niya sayo" sabi niya. I shrug may shoulder.
"Wala pa akung nasagap sa kanya, yung pangalan lang niya ang nalalaman ko,the rest wala na atsaka ang hirap makahanap ng impormasyon tungkol sa kanya masyado siyang misteryosong tao at one week ko pa siyang minanmanan kaya hindi pa ako agad-agad makakahanap ng impormasyon tungkol sa anak ni Roger" sabi ko
Tumayo siya at pinat yung ulo ko. Sinapak ko yung kamay niya at sinamaan siya ng tingin. Ang walangya! tinawanan lang ako. Ayaw ko pa namang pinapat yung ulo ko.
"Okay lang yan, alam ko namang kaya mo ang trabaho mo kaya goodluck nalang sayo"
'Langya inasar pa ako tss'
Lalabas na sana siya ng library ng mapatigil siya sa sinabi ko.
"Pero may nasagap ako tungkol sa black mamba. Malakas ang kutob ko na isang ilegal Organisasyon yan at malakas ang kutob ko na may kinalaman si Rondell sa Black Mamba na yan"
"Black Mamba? Ngayon ko lang narinig yan"
Napahawak siya sa ilalim ng panga niya, tila nag iisip.
"Basta Zia pag butihin mo ang trabaho mo para di ka madehado kay boss Tomas"
Tuluyan na siyang lumabas ng library, na may pasipol-sipol pa. Napa iling nalang ako.
Siya si Aldred De Vera, ang unang naging kaibigan ko pag dating ko sa bahay ni boss Tomas. Nong kinuha ako ni boss sa ampunan.
Ang hilig mang-asar ng isang yun kaya nga palagi akung napipikon sa kanya.
Pagka-alis ni Aldred, kumain muna ako dahil na gugutom ako, pagkatapos nanood lang ng t.v. Nang gumabi na... Natulog na ako, iyan parati yung routine ko araw-araw. Pasok sa skwela uuwi sa apartment kakain, nood ng t.v,matulog. Hindi naman ako na boboringan sa sitwasyon ngayon. Infact, gustong-gusto ko nga ang buhay ko ngayon, dahil wala akung ibang iisipin kundi ang trabaho ko, ang manmanan si Rondell.
***kinabukasan*****
Ang aga kung gumising ngayon. Ang aga ko rin sa school. Isang studyante lang ang nasa room namin pagdating ko. Yung nerd na babae kung kaklase ang nandito, siya si Addison Monteza
Sinulyapan lang niya ako pagpasok ko sa loob ng classroom. Humarap ulit siya sa kanyang librong binasa.
Linapitan ko siya pag katapos kung mailagay yung bag ko sa upuan ko at tumabi sa kanya, napatingin siya sakin.
"Ahm! Pwede pa upo dito?" tanong ko
Hindi siya nag salita pero tumango lang siya pagkatapos tinignan na ulit yung binasa niya.
Binasa ko yung tittle ng librong binasa niya 'Harry Potter'.
Ngumuso ako. Hindi ko naman alam kung anong klaseng libro ang binasa niya. Hindi kasi ako mahilig mag basa ng mga libro.
Teka ano naman ang ginawa ko sa tabi niya? Arg! matuto ka nga Zia na mananatili sa upuan mo . Aalis na sana ako para bumalik sa upuan ngunit biglang...
"Lumayo kana sa limang lalaking yon"
Tinignan ko siya ng nag tataka.
"Huh?"
Ako ba kausap nito,hindi kasi siya nakatingin sa akin. Nakatingin lang siya sa librong binabasa niya habang sinasabi niya yon.
Huminto siya sa pag babasa at tinignan ako.
"Ang sabi ko, lumayo ka kina Rondell"
Nagulat ako sa sinabi niya, pero di kalaunan, tumawa ako ng may pumasok sa utak ko.
Seriously?may gusto yata siya sa isa sa limang mag kakaibigan don, kaya niya ako pinapalayo sakanila.
"Kung iniisip mo na may gusto ako sa isa sa kanila nag kakamali ka dahil binabalaan lang kita"
Nawala yung tawa ko at napa kunot noo.
"Anong ibig mong sabihin?"
Ibinalik niya ang tingin sa binasa niya at nag salita.
"Alam kung nag papanggap ka lang at may intensyon ka kaya ka nandito sa Thompson Academy. Hindi ko man alam kung ano yung intensyon mo, basta winarningan na kita na itigil mo yan. Kung ayaw mong mapahamak at lumayo ka sa limang mag kaibigan lalong-lalo na kay Rondell, dahil di mo alam kung anong magagawa niya sayo pag nagkataon"
Natulala ako at hindi naka imik
Who is she? Bakit alam niyang may intensyon ako at ang intensyon ko ay ang manmanan si Rondell
...Who the hell are you Addison Monteza?
Nakatulala lang ako habang nakatingin kay Ms.Ventura, na nag lelecture sa harap. Walang pumapasok sa isip ko, dahil iniisip ko yung sinabi sakin ni Addison Monteza.
Hindi na ako nakapag tanong sa kanya kanina, kung bakit niya alam na may intensyon nga ako. Kung bakit ako pumasok dito sa Thompson Academy. Dahil nag ri-ring na yung bell at nag sipasukan na yung mga studyante sa classroom, kaya wala na akung pag kakataon para tanongin pa siya.
Tinignan ko ang upuan ni Rondell sa tabi ko. Buti nalang wala siya ngayon, pagka tapos ibinaling ko yung tingin ko kay Addison na seryoso lang na nakikinig kay ms.Ventura.
Makikita mo sa kanya na di talaga siya kapansin-pansin,dahil sa sout niya na pang nerd at buhaghag rin yung buhok niya at saka ang laki rin ng uniform niya. Nakapagtataka na may alam siya sa sekreto ko.
Paano niya nalaman? E, parang may sariling mundo siya pero kanina parang di siya nerd kung magsalita sakin ng ganon.Para bang alam niya lahat ng nasa paligid niya
Nag papanggap na nga ako na mabait at nag suot ng pang nerd, tapos nalaman parin niy--
Teka nerd?
Nerd? diba nag papanggap ako bilang nerd? para di nila mahalata na may intensyon ako kay Rondell, hindi kaya nag papanggap lang din siyang nerd para matakpan ang totoong siya at may nag utos rin sa kanya?
Ang tanong sino naman ang nag utos sa kanya? at ano rin ang intensyon ni Addison? Bakit nandito rin siya sa Thompson Academy?
"Ms.Chua can you solve the problem in the black board"
Naputol ang pag-iisip ko nang tinawag ako ni ms.Ventura.
"Huh?" wala sa sariling sambit ko
"Sagutan mo raw yung problem sa board" bulong ni Dexter sakin. Napatingin ako sa blackboard at tinignan ko yung problem dun.
Oh s**t i hate math. I hate solving? bobo ako sa math tangna! what should i do? the heck!!
Napakamot nalang ako sa ulo ko habang nakatingin parin sa blackboard.
"Is any problem Ms.Chua?"
Nabaling ang tingin ko sa kanya.
"A-ahm hahaha wala Maam ano kasi pinag iisipan ko kung paano masolve yan" alinlangang sabi ko
Tumango siya "Ok.. Now, come here and answer this. I already discuss this yesterday,ni re-call ko lang" Napa isip naman ako, diniscuss na niya kahapon? Okay, kaya ko' to
Tumayo ako para pumunta na sa harapan, tinitigan ko muna ng ilang segondo yung problem sa board at sinimulan ko ng sagutan.
.....after 5minutes
Hay! Sa wakas natapos rin. Medyo pinag pawisan ako habang sinasagotan ko yung problem,kahit may aircon dito
Chineck na ni ms.Ventura yung sinasagotan ko at
,...after 1minute
"Hmm.. Your answer is...correct Ms.Chua,very good" naka ngiting saad niya
Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko dehado.
Ang laki ng ngiti ko habang pabalik ako sa upuan ko. Nang mapadaan ako sa upuan ni Addison, nawala yung ngiti ko dahil bumalik sa isipan ko yung sinabi niya sakin kanina.
"Wow! ang galing mo Chua akalain mo nasagotan mo yung tanong, ang hirap kaya nung problema sa board" naka ngiting sabi sakin ni Dexter pagka upo ko sa upuan
Mag papasalamat na sana ako dahil sa sinabi niya nang bigla siyang sinapak ni Tristan sa ulo.
"Bobo! hindi naman mahirap yung problema, gaya ng sabi ni ms.pintura ni re-call niya lang yung lesson! " sabi ni Tristan
"Malay ko bang diniscuss na yan kahapon, atsaka anong ms.pintura gago! Ms.Ventura pangalan ni maam hindi ms.pintura, ang bobo mo rin eh!" sabi ni Dexter at nakatikim din ng sapak sa ulo si Tristan
"Aba! malay ko rin ba na Ms.Ventura pala yung apilyedo ng teacher natin, magka tunog lang kaya yung pintura at Ventura..psh!" sabi ni Tristan
"Mga ulol! magsitigil na nga kayong dalawa diyan, kita niyo ng nag didiscuss si.... Ms.pambura eh" singit ni Harvey sa dalawa
Nakatikim ng tig-iisang sapak si Harvey kina Tristan at Dexter
"Langya pre! Ms.Ventura nga pangalan niya MS.VENTURA!!" sabay na sigaw nila
Napa iling nalang ako sa kalokohan nilang tatlo.
"Yes! may problema ba kayong tatlo diyan. I heard na tinawag niyo pangalan ko!"
Natigil sa pagtatalo yung tatlo nang mag salita si ms.Ventura sa harap, habang nakatingin sa kanila.
"Nothing ms.Pintu--i mean Ms.Ventura were just playing" sabi ni Tristan at ngumiti ng pilit
"Yeah! Yeah! Were just playing Ms.pambura"
Nawala yung ngiti ni Ms.Ventura pagka sabi nun ni Harvey sa kanya.
"Pardon Mr.Harvey Dale Valmec I didn't hear it clear" parang tigreng sabi ni ms.Ventura kay Harvey
"I said were just playing Ms.pam--jpmwjpmtwp" di na natapos yung sasabihin ni Harvey ng tinakpan ni Tristan yung bibig niya
"Sira ulo manahimik ka!" mariin na bulong ni Tristan kay Dexter saka tinignan si ms.Ventura na naka ngiti
"Sabi niya Ms.Pintu--este Ms.Ventura na nag lalaro lang kami ng pambura dito sa papel namin hehehe" kinuha niya pa yung notebook ko na nasa desk ko at pinakita kay Ms.Ventura "Ito oh! kaya please maam continue your lesson" sabi ni Tristan
Hindi nalang umimik si ms.Ventura at nag patuloy na sa kanyang pag lelecture. Nakinig nalang din yung mga kaklase namin sa kanya at itong tatlo naman nag patuloy na sa pag babangayan pero mahina nalang boses nila.
Pagka tapos ng isa ko pang subject lunch break na. Dumiretso ako sa cafeteria at bumili ng pagkain.
Hindi ako sa cafeteria kumain, pagkatapos kong bumili ng pagkain, pumunta ako sa may field para humanap ng pwesto.
May nakita akung kahoy na walang studyante. Umupo agad ako don at nag simulang kumain.
Sarap na sarap ako sa pagkain ko ng may umupo sa tabi ko. Napa hinto ako sa pagkain at tinignan yung tumabi sakin.
"Is the food delicious?" tanong niya
Tumango ako at nag patuloy na sa pagkain.
"Bakit ka ba nandito,di mo ba kasama sina Rondell?"
"Tingin mo kasama ko sila ngayon" sabi niya
Huminto ako sa pagkain at tinignan siya pagkatapos tumingin ako sa gilid niya at sa likuran niya. Wala akung nakikitang kaibigan niya maski-isa. Umiling ako "Anong kailangan mo Ivan?"
Nakapag taka na nagsasalita siya at kinakausap ako ngayon.
Sumandal siya sa kahoy at tinignan ako ng seryoso.
"Mag pakatotoo ka!"
Yun lang ang sinabi niya pero natanga ako.
"Alam ko na may balak ka kay Thompson kaya itigil mo yan, dahil baka magsisi ka sa huli kapag ipagpatuloy mo ang ginagawa mo" sabi niya ulit
Mas lalo akung natanga. Suminghap ako. Nabulunan yata ako sa kinakain ko.
Paano nila nalaman na may balak nga ako kay Rondell? wala pa nga akung ginagawa pero nabisto na ako at worst sa dalawang weird na tao pa talaga ang nakakahalata.
"Paano mo nalaman na may balak ako kay Rondell, isusumbong mo ba ako sa kanya?" buti nalang nagawa ko paring mag salita sa kabila ng pagka gulat ko
'Natural Zianah isusumbong ka niyan, kaibigan niya si Rondell eh! Wag ka ngang tanga' sabi ng utak ko
Nag kabit balikat lang siya at umiling
"Hindi ako mag susumbong sa kanya manonood lang ako sa mang yayari" tumayo siya at nag lakad na palayo sakin
Hindi ako naka imik dahil sa sinabi niya.
Manonood lang siya sa mang yayari? ilan pa ba ang nakakaalam sa intensyon ko kay Rondell?
Dahil ngayong araw, dalawa na ang nag sasabi sakin na itigil ko ang intensyon ko kay Rondell, una si Addison tapos ngayon si Ivan
Naguguluhan na ako. Dapat ko bang sundin si Boss sa inutos niya sakin o titigil nalang ako. Pero di pa ako nag sisimula sa pagmanman kay Rondell, atsaka curious din ako sa buhay niya kaya buo na ang desisyon ko
.....Ipagpatuloy ko ang pagmanman kay Rondell, kahit sinasabi nila na mag sisi pa ako sa huli.