CHAPTER 5

1876 Words
Wesley's Point Of View "Hmm... although hindi natin pwedeng i-assume na may connection ang dalawang crime. We will still consider this as different case." Saad ni Hannah. "Heto nga pala ang nakasulat sa papel." Itinype ko ang pangalan, address at phone number nung private detective na kausap ng biktima bago ito mamatay. May alam siya base na rin sa nakita kong pag-uusap nila. Nilingon ko ang paligid ko. Nasa dose ata sila na myembro ng Investigation team ni Hannah. Mga nagtatanong ang tingin sa akin. "Guys, bukas na natin ipapaliwanag sa inyo ang gusto n'yong malaman. Wesley, you can go home for now. Papadilim na. Let's go." Nauna nang naglakad si Hannah. Nakuha na rin ang bangkay ng biktima at iniangkas sa ambulansya ng PCU-UCIPG. Sumabay na ako sa kanila patungong HQ para balikan ko ang kotse ko. Tinapik ako ni Victor sa braso. Ang lakas talaga nito. Daig pa yung mga nakaka-sparring ko sa Karate at Taekwondo. "Wow, ang ganda ng kotse mo, ah!" "Hindi naman. Sige mauuna na ko." Kumaway din ako kina Hannah saka ako sumakay ng kotse. Nakakapagod. Ni wala pa akong pahinga, after long hours of driving ay diretsong duty agad. 15 minutes lang ang distance from HQ to the resthouse. Malaki pala 'to, hindi lang basta resthouse. Nasa mahigit 1000 sqm siguro, maluwang ang looban, may pool sa gilid, may gazebo at playground sa gilid. Well-maintained ang buong kabahayan. Bumaba ako ng kotse at nag-doorbell ako. Ilang saglit lang ay may matandang lalaking nasa 60 na ang nagbukas ng gate. "Sino po sila?" "Good evening po. I'm Wesley Gutierrez. Apo po ni Matteo Romualdez. Pasensya na po at gabi na, dumaan pa po kasi ako sa Headquarters. Natawagan po ba kayo ni Secretary Johnson?" Pagpapakilala ko. Umaliwalas ang mukha ng matanda. "Ah! Ang laki mo na! 2 years old ka pa lang no'ng napunta ka dito. Isinama ka ng Mama mo." "T-Talaga ho? Napunta na ako dito? Sabagay bata pa po ako no'n kaya hindi ko na maalala." Napakamot ako sa batok. "Halika, pumasok ka na." Binuksan ng matanda ang gate para maipasok ko ang kotse ko. Sumakay ako ng kotse at ipinasok ito sa maluwang na looban. Itinuro ng matanda kung saan pwedeng mag-park. Bumaba ako ng kotse at kinuha ang mga maleta ko sa trunk. "Ako nga pala si Mang Gusting, matagal na akong katiwala ng mga Romualdez dito, kaedad ko ang lolo mo. Teka sandali..." lumakad ito patungo sa bahay na nasa gilid ng resthouse. Maya-maya ay lumabas ito kasunod ang may edad nang babae, isang babaeng mukhang kasing edad ko at isang lalakeng mukhang mas bata sa akin ng 4 years. Kung buhay pa si Gray, kasing age niya 'to. "Siya nga pala ang asawa ko, Manang Delia na lang ang itawag mo sa kanya. Sila naman ang mga anak namin, sina Manny at Melissa. Mga anak, ang senyorito ninyo. Si Senyorito Wesley." "Magandang gabi po, sentorito Wesley." Sabay na bati nila sa akin. Todo ang ngiti sa akin ni Melissa habang hinahawi ang buhok sa tainga, nagka-crush pa yata sa akin. Maganda naman siya at maputi pero hindi siya ang tipo ko. Siya 'yong tinatawag ng kabataan ngayon na pabebe kung umasta. Si Hannah ang tipo kong babae. Maganda, morena, matapang, may strong personality, smarte ang dating, sexy but hindi siya aware na sexy siya at considerate sa kapwa. She has it all. "Naku po, alisin n'yo na ang senyorito. Wesley na lang." Tumingin ako kay Manny. "Kuya Wesley na lang ang itawag n'yo sa akin." "Po? Nakakahiya naman po sa inyo?" Napakamot sa tainga si Manny. Kapareho ng mannerism ni Gray. Pareho pa silang parang inaantok ang mga mata at pareho ng hugis ng tainga, malaki at malapad na parang nakasahod. Naalala ko na naman ang kapatid ko. "No, Kuya na lang. Hindi na uso sa akin ang senyorito. Gusto mo PO1 ang itawag mo sa akin." Umaliwalas ang mukha nito. "Pulis po kayo?" Ginulo ko ang buhok niya. "Aba at parang natuwa ka't nakakita ka ng pulis?" "Criminology po kasi ang course ko." Nahihiyang sabi nito. "Aba e di good, pagkagraduate mo irerefer kita agad sa opisina." "Talaga po?" Namimilog ang mga mata nito. Parang bata kung umasta, kilos Gray talaga. "Bukas na yan, tulungan mo na si Kuya Wesley mo na iakyat ang mga gamit niya. Pagpahingahin mo na muna siya." Natatawang sabi ni Manang Delia. Umakyat na kami ng bahay, maayos at maaliwalas ang loob. Gawa sa makalumang simento at pundasyon pero matibay at solid ang pagkakagawa. Mukhang bagong renovate din. "Pinapaayos 'to lagi ni sir Johnson. Iyon daw po ang bilin ni ma'am Monica. Huwag daw pabayaan 'tong resthouse nila. Dito daw kasi sila halos lumaki." Kaya pala. "Kilala mo si Johnson?" "Opo, Kuya. Last year nandito po siya, pinapinturahan ang bahay. Minsan lang po siyang pumasyal dito, kapag pinapaayusan lang niya." Maayos ang lahat, pinturado ng puti at light brown ang highlights. Malinis din at mukhang alaga ni Mang Gusting ang buong bahay. Umakyat na kami at ipinasok ang mga maleta ko. "Sige salamat. Magpahinga na ako." "Hindi na po kayo kakain, Kuya?" "Hindi na. Medyo napagod ako sa office eh. Goodnight Manny." Ginulo ko ulit ang buhok nito bsgo lumabas. Pakiramdam ko nagkaroon ulit ako ng kapatid. Nakapagpahinga ako ng maaga. Hindi na muna ako nag-isip ng kahit ano. Kinabukasan ay nag-meeting kami sa sa conference room. Sa gilid ng pa-oval shape na conference table ako naupo. Si Donnel ang nag-conduct ng report. Ipinakita sa projector ang mga nakuhang photo sa crime scene. Ipinakita sa huling slide ang papel na galing sa bulsa ng biktima. Nagtaas ng kamay si Victor na nakaupo sa righy side ko. "Paano'ng nalaman ni PO1 kung nasaan ang bato? Nabasa niya ang nakasulat sa papel na halos kulay blue na dahil sa pagkalat ng tinta. Pati 'yong kapirasong dila ng biktima ay mabilis niyang nahanap?" "Boo. Tsamba lang 'yan." Parinig naman ng kalbo, nag-high five pa sila no'ng side kick niyang kamukha ni Palito. Tiningnan ni Donnel ang dalawa, mukhang hindi rin niya gusto ang kalbong 'yon. "Hindi iyon tsamba." In-off muna ni Donnel ang projector, Lumapit sa computer sa gilid at may ilang kinalikot, bago bumalik sa unahan. In-on ulit ang projector, lumabas ang research about Psychometry. Napa-'woooah!' ang lahat ng tao sa conference room saka tumingin sa akin. "Joke ba 'yan?" Nagtawanan sina kalbo at ang side kick niya. "No, hindi ito joke. Wala tayo sa comedy bar para mag-joke. We are seriously discussing here." Seryosong sagot ni Donnel sa dalawa. Buti nga sa kanila, 'di ko na kailangang gumanti pa. "Can we show some professionalism here? Nasa trabaho tayo." "Sorry, Sir." Sagot ni kalbo pero masama ang titig sa akin. "Psychometry is not yet scientifically proven, but here ..." lumakad si Donnel patungo sa likod ko at humawak sa magkabilang balikat ko, "is the living proof." "Legit ba yan, sir Donnel?" Tanong ng babaeng chinita na nakapusod ng bun style ang buhok, nakaupo siya sa tapat ko sa kabilang side ng table. Rowana yata ang pangalan niya. I wonder kung ano ang ability niya. "Do you want to test him?" Sagot ni Donnel. Nag-isip yung Rowana. "Sige." Dumukot ito sa bulsa saka inilabas ang panyo niya at inihagis sa akin. Sinalo ko ang panyo niya at pumikit ako agad, "binili ng Mama mo no'ng Christmas last year sa Bangkok habang nagbabakasyon sila ng Papa mo doon, one week bago siya mamatay sa bank robbery sa bayan." Hindi maipinta ang mukha ni Rowana. Parang gulat na namamangha na naiiyak dahil naalala ang sinapit ng Mama niya. Ibinalik ko ang panyo sa kanya. I know how it feels. I still have my Mom's personal belongings. Lumakad si Donnel pabalik sa unahan. "Do you believe now, PO2 Rowana?" Tumango si Rowana habang naluluha. Pinunasan niya ng panyo ng Mama niya ang luha niyang pumatak. "Sorry, hindi pa kasi narere-solve ang bank robbery na 'yon. They are still on the loose, at posibleng sila rin ang may gawa ng robbery last week." 'Woooah!' ulit ang narinig ko sa paligid. I'm sure they believe me now. Medyo naging gloomy ang mood, I can relate though. Hindi pa rin nabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng Mama ko at ng kapatid ko. The monster is still enjoying his luxurious life kahit halos tinanggalan na siya ng mana ni Mama. Mabuti na lang may prenup sila. Walang naging habol si Papa sa ari-arian ng mga Romualdez. Napalingon ako sa babaeng katabi ni Rowana. Umiiyak din pero mas matindi kaysa kay Rowana. Hindi ko gaanong mabasa ang nakalagay sa name patch niya dahil medyo malayo ang distansya namin. Tumingin siya sa akin. "Sorry, Empath ako." Ah, kaya pala. For sure naramdaman niya rin ang nararamdaman ko at ng ibang mga tao dito. Ang hirap naman niyan kung hindi siya marunong mag-block ng emotions, pero malaking tulong ang ability niya sa pag-interrogate ng suspect. She can easily detect if the offender is lying or not, lalo na kung may perfect ability siya. What a helpful ability she has. Hindi na kailangan ng Lie Detector Test. Pumasok si Hannah at nakita ang gloomy aura sa room. Napatingin ito sa umiiyak at mukhang nakuha niya agad ang nangyayari. "Violet, you may step out for now. Baka hindi mo kayanin ang emotions dito." She really fits to become a leader. She knows what's happening kahit sa isang tingin pa lang. "Thank you." Tumayo si Violet at lumabas. Tumingin sa akin si Hannah. "Violet is our observer during interrogation. No need for LDT machine. Minsan hinihiram din siya ng SJCPD branch." Lumakad ito sa tabi ni Donnel. "We all know that it's easy for us to know what really happened in every case we handle, pero ang mahirap ay ang paghahanap ng ebidensya na iprepresent sa mga ordinaryong taong walang ability like us at hindi maniniwala sa sinabi ng empath, ng may third eye, ng clairvoyant, ng may ESP at lalo na ng may psychometric ability." Tumingin siya sa akin. Totoo 'yon. Hindi nga ako pinaniwalaan noong bata ako kaya hanggang ngayon malaya pa rin si Papa. "So what shall we do now?" Tanong ng epal na kalbong Winston. "Since sa simula pa lang ay posible nang malaman natin kung sino ang culprit pero wala tayong evidence, ang lagi nating gagawin ay maghanap ng solid evidence to prove our claims. We will still stick to the traditional way of catching criminals. Hindi tayo basta-basta magtuturo ng suspect. Maghahanap muna tayo LAGI ng evidence para mapanagot ang offender. Mas mapapadali nga lang for us because we have our unique abilities." Lumapit si Hannah sa likod ko. "Wesley's ability is helpful when it comes to finding evidences. Just look what happened yesterday, he found the murder weapon and that piece of tongue. Agad-agad." Nagtaas ako ng kamay at lumingon sa likod ko, yumuko si Hannah at isinenyas ng kamay na ituloy ko ang itatanong ko. "Pwede ko bang hawakan ang lahat ng rosas na nakita n'yo mula noong unang victim?" Napatingin si Hannah sa akin saka inimuwestra ang ulo senyales na sumama ako sa kanya, "halika, sumunod ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD