“CLINT!” Nang isigaw iyon ni Reina, tila nakabawi na rin ang lahat sa pagkagulat, at umugong ang ingay sa loob ng events hall habang sinisigaw ng mga ito ang pangalan ng sikat na aktor. Bukod-tanging si Syrene lamang ang hindi makagalaw na parang natutulos sa kinatatayuan. Hindi niya lubos-maisip na ang mascot na kasayaw niya kanina ay walang iba kundi si Clint Carter, ang lalaking nakakuha ng kanyang pagkabirhen at ang lalaking unang nagwasak ng kanyang murang puso. Kaya naman pala kakaiba ang nararamdaman niya rito. Nang makatayo ulit si Clint, nagsimulang magsiksikan ang mga estudyante papunta rito. Lahat ay gustong makalapit at mahawakan ito. Natutulak tuloy si Syrene papunta sa likuran. Nakita niyang palingon-lingon ang binata na parang may hinahanap at nang magtama ang kanila