CHAPTER 44

1143 Words

“HAPPY BIRTHDAY!!!” Pagpasok na pagpasok pa lang ni Syrene sa pintuan ng apartment, sinalubong na kaagad siya ng masayang pagbati ng dalawang kapatid at ni Carrie. Nagpaputok pa ang mga ito ng party popper at nagsuot ng party hats. Pinilit niyang ngumiti at magmukhang masaya. “A-Ano ‘to?” “Surprise po, Ate Sy!” proud na wika ni Xia. “Happy birthday po.” Niyakap siya nito ng mahigpit at agad niya iyong tinanggap. Matagal siyang bumitaw dahil gusto niyang humugot ng lakas dito. Kapagkuwan ay si Jenson naman ang niyakap niya. Nang balingan niya si Carrie, seryoso ang mukha nitong nakatitig sa kanya. “B-Bakit?” Umiling ito at saka tiningnan ang mga bitbit niyan. “Mga pagkain ba ‘yan? Gutom na kami!” Pinilit niya ulit ngumiti at inabot kina Xia at Jenson ang mga pagkain na inuwi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD